DTU2: SEPTEMDECIM

666 37 0
                                    

This chapter is dedicated to Ms. Ellie Ry (dreadfulsinner)

---

The Eastwood Scientific Organization's annual Science Fair is something you wouldn't want to miss out on. Hindi ko alam kung bakit, pero ang napili nilang tema ngayong taon ay "Scientific Passion: Redder than blood cells!"

"Ikakahiya sila ni Einstein! Psh. 'Di ba, Newton?"

Napatingin sa'kin si Newton, "Meow!" Tapos bumalik sa paglalaro ng yarn.

Anyway, hindi ko alam kung sinong nag-isip ng baduy na theme na 'yan. Gusto ko nga sanang makipag-away na dapat ini-specify nila na kung anong type ng blood cell. We have what we call "white blood cells" that protects our body against infection, at  ang nakapagbibigay naman talaga ng kulay sa "red" blood cells natin ay ang hemoglobin na nagdadala ng oxygen sa katawan ng tao at na----

"LEVI!"

Napangiwi ako nang biglang sumigaw si Algea mula sa earpiece ko.

"No need to shout! Tsk! Mabibingi ako sa'yo eh." Napalingon ako sa paligid para siguraduhing walang nakarinig sa'kin. I forgot I was even wearing this thing! Para tuloy akong spy. How cool is that? Para akong si James Bond!

Algea Castillo's frustrated tone made me shut up.

"Gosh! Kanina ka pa kinakausap ni Magno. Makinig ka nga. Nababaliw ka na naman porke't nasa Science Fair tayo. Iwanan mo muna 'yang pagka-nerd mo, pwede?" I can almost imagine my undead girlfriend rolling her eyes at me.

Mahina akong natawa, "Copy that, commander."

May pinindot akong button sa earpiece para ibahin ang frequency. Magno's amused voice came.

"Mukhang LQ kayo, ah."

"Nah. She just loves me too much."

"Really?"

"Yeah. That's why she wants my eardrums to explode. Ang sweet niya 'no?"

Natawa ang leader ng EPES---err, "The Society" na nga lang rin ang itatawag ko sa kanila. Kasing baduy ng tema ng ESO ang acronym nilang 'yon.

"Nagmamanman na si Epi sa may lobby. The coast is clear. Nasa opisina niya si Marishel at abala ang lahat ng tao kaya't walang makakapansin sa inyo. I'll contact you if something goes wrong, Mr. James."

Napatingin ako sa kalapit na CCTV camera at tumango. Alam kong nakasubaybay doon si Magno habang nasa loob ng van. We decided he'll hack the security systems and monitor the compound while Algea and I sneak into the underground laboratory.

Hindi pwedeng malaman ng ESO admin na papasukin namin ang dating Project Beta hide-out. Matagal na nila itong sinara at pinagbawalan ang sinumang kaluluwa na mapadpad doon.

All hell would break loose if we get caught.

"Meow."

Napahinto ako sa pag-iisip nang marinig ko si Newton. I bent down and patted his head. I smiled at my black feline companion, "Bakit ba kasi sumama ka pa? Are you gonna help me kick zombie ass if an apocalypse happens again?"

His blue eyes blinked at me. Hindi siya kumibo kaya napasimangot na lang ako. 'Aba't mukhang iiwan niya rin ako sa ere ah! Damn this evil cat!'

"Meow."

I sighed, "Newton, sa susunod nga mag-aral ka na ng human language... Anak ng protons, wala akong maintindihan sa mga 'meow' mo! Baka mamaya minumura mo na pala ako." Pero mukhang wala pa rin namang pakialam si Newton dahil tinitigan niya lang ako.

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon