DTU2: QUINQUE

846 52 0
                                    

I ignored her speech and avoided eye contact. 'Ayos, Levi. Lantaran mong tinawag na gurang ang bagong head scientist ng ESO!' Hindi naman ako masyadong bitter magsalita kanina 'di ba? Tinawag ko lang naman siyang sipsip, masungit, at gurang...

'Sino bang niloloko ko?! Paniguradong mawawalan na ako ng trabaho nito!'

"Damn it."

That's one of the many advantages of being the ESO head scientist---you can pull the strings on anything. Konting kalabit lang sa nakatataas, kaya mo nang baguhin ang mga patakaran ng buong research compound.

ESORC is a scientific paradise, yes, but even paradise can be polluted.

"---again, I hope we can all work together and launch the project next month. Thank you!"

Napuno ng palakpakan ang conference hall nang matapos na si Marishel. Ilang sandali pa, nilapitan na siya ng ibang scientists at nakikipagbolahan na. 'Now's my chance!'

Akmang tatakas na sana ako para bumalik sa work station ko nang---

"Mr. Levithian James, may I have a word with you?"

Natuod ako sa kinatatayuan ko. Patay! Huminga muna ako nang malalim at nakangiting humarap sa kanya. I was taken off guard when Marishel's face was only a few inches from mine. Her charcoal black eyes assessing me.

"A-Ako?"

"Bakit, may iba pa bang Levithian James sa gusaling ito? Kung meron man, pakisabi sa kanyang bastos umalis nang wala pang dismissal ng superior niya." Nakangiti niyang tugon.

"Err.. S-Sorry, Ms. Patricio."

"Let's talk...in private."

WTF?

Bigla na naman akong kinabahan. Oh, atoms! Is she gonna kick me out of ESO?!

Nagbubulungan na ang ibang mga scientist habang nakatingin sa'min. Nang hindi ako nakasagot, napabuntong-hininga na lang si Marishel at naglakad papalabas ng conference room.

"Follow me."

Napasimangot na lang ako sa inaasta niya. 'Who the heck gave her the right to boss me around?! Ako si Levithian James!'

Pero dahil wala na rin naman akong magagawa, sinundan ko na lang siya. "Hey, wait up!" Tawag ko sa kanya nang lumiko siya sa isang pasilyo. Ano ba talagang trip ng isang 'yon?

Nang maabutan ko si Marishel, agad kong napansin ang halu-halong emosyon sa kanyang ekspresyon. She somehow looked distressed, frustrated, and sad all at once.

"I've heard you're also a paranormal enthusiast. Usap-usapan ka sa department namin."

Ganoon na pala ako kasikat? Awesome!

Nahihiya akong ngumiti sabay hawak ng batok, "Ah, thanks? it's nothing, really. I was born with a craving for weirdness. I was born for awesomeness!" Teka, alam ko namang henyo ako, pero bakit niya ba ako pinupuri? Mangungutang?

"Mabuti naman kung ganon. Look, I'll cut the chase: I'm going to make you the head of our new project. Ikaw ang mamamahala, at mangunguna sa research natin."

Lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Malamang ang proyektong sinasabi ng babaeng 'to ay 'yong nabanggit niya kanina sa speech niya. Unfortunately, I wasn't in the mood to pay attention to her. I smirked, "Bossing me around on your first day of being head scientist? Tsk. Bad influence, miss."

She stepped closer until she was invading my personal space. Nanlaki ang mga mata ko nang inilapit niya pa lalo ang kanyang mukha sa'kin.

"Good or bad? Right or wrong? Does it really matter, anymore? Sa mundo natin ngayon, wala nang pakialam ang iba kung sa paanong paraan mo makukuha ang gusto mo, Levi. The end justifies everything."

I froze on the spot. Para bang kinilabutan ako sa sinabi niya. Her innocent words suddenly became twisted. An air of danger and mystery surrounded Marishel Patricio.

"Wala ka sa lugar para gumawa ng mga desisyong 'yan. You can't be a god." I said.

"Really? Then, watch me."

"Marishel---!"

"Please, Levi?"

Marahan ko siyang tinulak papalayo, "I gotta go. Baka namimiss na ako ng girlfriend ko. Iba na lang ang alukin mo, Ms. Patricio. Salamat." I adjusted my eyeglasses and started walking away. Wala akong oras para sa makipag-debate sa kanya.

'That, and being that close to a female scientist is uncomfortable.' Kapag nalaman ito ni Algea, baka ipaghukay na niya ako ng libingan ko!

Pero nang akala kong tatantanan na ako ng kawirduhan ni Marishel Patricio, her next words made me stop.

Nangyayari na ang kinatatakutan ko.

"Levithian James... whether you like it or not, you will help me re-establish Project Beta."

---

Edited.

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon