DTU2: QUADRAGINTA

536 35 0
                                    

The smell of antiseptic and camomile tea was addicting. Though, I'll admit, whenever I pass through these impossibly clean hallways, I can't help but feel nostalgic.

'How could I forget?'

Naaalala ko ang unang beses na nakapasok ako sa Eastwood Scientific Organization Research Compound (ESORC). Iyon rin ang panahong naimbento ko ang Paranometer at pilit pinapatunayan sa Eastwood ang kakayahan ko bilang henyo. Ah, yes. This brings back so many---good and bad---memories...

'It's been a long time, Professor Lopez.'

Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin ang yumaong propesor---ang lalaking sumuporta sa mga pangarap ko sa pagiging scientist. Believe me when I say he's one of the most awesome persons I've met since I studied at ECU. Professor Lopez was a lanky man and was too clumsy for his own sake. Madalas siyang pinagtatawanan ng ibang estudyante noon, pero sa mga mata ko, isa siyang henyo. Siya ang lagi kong nilalapitan at hinihingan ng payo tuwing may kailangan akong ayusin sa mga imbensyon ko.

Minsan nga, pakiramdam ko kami lang ang nagkakaunawaan noon sa mundo.

'Now, he's dead... Kasama na niya sina papa at Diana sa sementeryo.' Napalunok ako sa naiisip. Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako sa kawalan. 'Masama bang makaramdam ng lungkot ang isang henyo? Masama bang isipin na para kang pinagkakaisahan ng mundo?'

Damn this curse.

"Mr. James?"

Napabalik na lang ako sa kasalukuyan nang bigla akong tawagin ng isang chemist. May inabot siya sa'king ilang syringe na naglalaman ng kulay pulang likido. The pale red liquid stared back at me as the man explained, "That's the vaccine from Ms. Constantino's body cells. Naging successful ang cell-cultivation technology natin sa Lab 43."

"Ilang vaccines ang nagawa?"

"For now, we've managed to make three syringes of 10 mL dosage." Tumango ako at kinuha ang dalawa pang syringe. Aligaga pa ang ilang scientists sa likod ng glass wall. Naka-facemask sila at nakasuot ng laboratory gowns.

'Three syringes. Gagana kaya ito kay Epi?'

Huminga ako nang malalim at tinapik sa balikat ang chemist, "Nice work, Dennis. Call me if anything else happens."

"Sir, kukuhanan pa ba natin ng dugo si Ms. Constantino? Mas maganda kasi kung maraming dugo ang---"

"No. Just cultivate what you have. Walang kukuha ng blood sample niya." Mariin kong sabi. Alam ko kung gaano karaming dugo na ang kinuha nila kay Algea. Any more, and she might faint. Kahit na tao na siya, hindi ako sigurado kung "stable" ba talaga ang katawan niya. 'I won't let her die again for the third time.'

Yup, here I am again, acting like a lovesick high school boy. Tsk!

"Pero sir, kukulangin tayo---!"

"Either you follow my orders or you'll have to pack your things and get out of this fucking compound." I adjusted my eyeglasses and frowned at him. Humihirit pa eh! Kalaunan, napayuko ang chemist at mahinang sumagot, "Yes, sir. U-Understood."

Matapos 'non, mabilis na akong naglakad papalayo dala-dala ang mga syringe. Algea was standing near a vase with artificial flowers. Walang silbi ang pagpapatubo ng halaman sa ESORC. Most plants would die within a week because of the chemicals and lack of sunlight. Nang makita ako si Algea, agad siyang nagtaas ng kilay. "Ba't mukha ka na namang galit?"

"She's right. You look like a girl on menstruation, Levi boy! Chill. Meow!" Newton annoyed me while purring in Algea's arms.

Minsan talaga nagsisisi akong inampon ko 'tong pusang ito eh. Tsk! I heaved a deep breath and started walking towards a dimly lit hallway. Panandalian kong sinilip ang cellphone ko't napansing unti-unting nawawala ang signal sa parteng ito ng compound. 'It'll just take me about ten minutes. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa sampung minutong 'yon, 'di ba?' I assured myself and took an elevator down the chambers.

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon