SEPTEM

2.1K 155 15
                                    

Eastwood Central University.

Nothing much to say.

Habang naglalakad ako papunta sa lecture hall, nakasalubong ko si Professor Lopez. His lanky figure awkwardly strided across the hallway. Isa siya sa mga scientist na nagta-trabaho sa ESO. This is my chance! I ran after him.

"Professor Lopez!"

When he saw me, he plastered on a cheerful smile. "Is there anything you need help with, Levithian? Kamusta na ang hydraulics machine na inaayos mo?"

I scratched the back of my head. "W-Well, that still needs some modifications. Pwede ko ba kayong makausap? I mean, in private, professor."

Dumako ang mga mata niya sa kanyang relo. "I have thirty minutes before my next class. Sure." Naglakad kami patungo sa opisina niya. Habang dumadaan kami sa locker area, kapansin-pansin ang pangmamata ng ibang mga estudyante sa amin. I heard one of those bastards snicker,

"Mukha silang mag-ama. Pareho silang geek."

"Pareho pang lampa." Pagsang-ayon nung kasama niya.

I frowned and adjusted my eyeglasses. Sa dalawang taon ko rito sa ECU, natutunan kong wag bigyang halaga ang opinyon ng mga taong mas mababa ang IQ sa'kin. Well, I don't blame them for being insecure. Henyo ako, at ganun rin si Professor Lopez. They won't understand. Psh.

Nang maupo katapat ng lamesa ni sir, agad kong kinuha sa bulsa ko ang Paranometer Version 2.0. Inilapag ko ito sa kanyang harapan. I saw his bushy eyebrows furrowed. "Ayan ba yung sinasabi mo sa'king imbensyon mo na kayang i-detect ang mga paranormal energies?"

I grinned. "Yes, sir! And you won't believe what happened last night.. It actually worked! Gumana ang Paranometer ko!"

I excitedly told him the events last night hanggang sa pagkakatuklas ko kay Algea. Sa lahat ng tao, si Professor Lopez lang ang alam kong mapagkakatiwalaan ko. He's been guiding me with my Physics experiments for as long as I could remember.

Nang matapos ako, napabuntong-hininga si Professor Lopez. And I've known him long enough to know that is not a good sign. Not at all.

Alanganin niyang ibinalik sa akin ang Paranometer ko. "Levithian, I'm not sure about this.. Imposible ang mga sinasabi mo."

Napasimangot ako. "Sir, I'm not making this up! Gumana talaga ang Paranometer ko kagabi!"

Napailing siya. "Do you have proof to justify your claim? Mahirap paniwalaan na nabuhay ang patay, Levi."

"Pero, professor---!"

"May klase ka pa."

Pati siya, hindi naniniwala. Damn it.. And here I thought that Professor Lopez would believe me! Huminga ako nang malalim at kinuha ang Paranometer ko. I stood up nonchalantly and walked out of his office. Nobody seems to understand me, and it's fucking frustrating. Not Vanesa.. not Professor Lopez.. No one.

And speaking of Vanesa, she instantly popped out of nowhere. May kasama siyang ibang lalaki. Psh. Parang kahapon lang, umuungol pa siya sa mga halik ko. Sabagay, madali nga pala akong palitan. Tangina lang.

"Hi Levi! I'd like you to meet Dave, my new boyfriend." Vanesa flashed me her fakest smile and gestured the muscular man standing beside her.

Dave--kung hindi ako nagkakamali, siya ang basketball team captain--outstretched his hand to me for a handshake.

Seryoso ba ang gago na 'to?

Tinitigan ko lang ang kamay niya.

Vanesa's voice reverberated around the hall. At tsaka ko lang napansin na marami palang nakamasid sa amin.

"Ba't ayaw mong makipagkamay sa bago kong boyfriend, Levi? Are you still bitter about the fact that you can't satisfy me in bed?"

I smiled cockily at my ex-girlfriend and at her new boyfriend. Adjusting my eyeglasses, I spoke, "Sorry. I can't risk getting my hand infected with multiple viruses. Besides, I'm not the kind of guy to be interested with your vagina. Sa pagkakaalam ko, kapag nagmahal ka, puso ang pinapairal, hindi puson."

Vanesa's eyes flashed angrily at me. Yung lalaki naman, parang naguluhan sa sinabi ko. Sana pala gumamit ako ng mas mababaw na English para maintindihan ni Dave. Psh.

"Kaya walang tumatagal na babae sa'yo, Levi! You're such a fucking nerd!"

"And your point is?"

"Argh! No girl will ever be foolish enough to fall for you. Nakakadiri lang."

Alam ko.

Sa tingin ba nila, hindi ko alam ang bagay na yun? Humigpit ang hawak ko sa bag ko at nilagpasan sila. I don't need people to remind me how fucking pathetic I am.

*
Nang makauwi ako sa bahay, hindi ko na inintindi ang nilutong pagkain ni mama. I quickly made my way towards my bedroom. Nawalan na ako ng gana.

When I swung open the door, lumuwa ang mga mata ko nang makita ko si Algea. Teka, bakit siya nandito?!

"A-Algea?!"

She averted her eyes from the poster that hung on the wall and smiled at me. "I got bored." Ayan lang ang sinabi niya at ibinalik niyang muli ang tingin doon sa poster. Napahilamos ako ng mukha gamit ang mga kamay ko. "Paano mo naman nalaman na dito ang kwarto ko?"

"Meow."

My devil of a cat. Oh, how could I forget?

Isinara ko ang pinto at naglakad papalapit sa kanya. Sinundan ko ng tingin ang kanina niya pa pinagmamasdan. Kumunot ang noo ko nang mapagtanto kong ang poster pala ni Professor Samuel Castillo ang tinititigan niya---bullshit. Teka lang, Castillo?!

"A-Algea, kilala mo ba ang taong 'yan?"

She smirked. "Duh. I may have lost memories of how I died, but I can still remember everything about my past. And to answer your question, yes. Kilala ko siya. Pero bakit ka ba may poster ng daddy ko sa kwarto mo? It's creepy."

Daddy?

Napanganga na talaga ako.

ANAK SIYA NI PROFESSOR SAMUEL CASTILLO?!

---

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon