DTU2: UNDEQUADRAGINTA

526 27 1
                                    

Hindi na ligtas sa Eastwood. 

Magmula nang kumalat ang zombie virus sa bayan, unti-unting binabalot ng takot ang mga mamamayan. Sa labas ng headquarters ng The Society, abala ang ilang miyembro nito sa pakikipagsagupaan sa mga zombies. The horrible stench of rotten flesh caused them to stay alert.

BANG!

"Kill them! Don't let them bite you!"

Umalingawngaw ang putok ng baril sa paligid kasabay ng mga utos ni Magno. "Shit!" Mahinang napamura ang pinuno nang mapansing may aatake mula sa likuran ng isa nilang kasamahan. Mabilis na kumilos si Magno at hinagis ang patalim sa direksyon ng zombie. The blade hit its head. Blood smeared the ground as it dropped dead again.

'Bull's eye.'

"Don't fucking let your guard down!"

Napalingon ang miyembro, halatang nagulat sa nangyari. Kamuntikan na siyang madakmal at maging katulad nila. "S-Salamat, boss!" Sigaw nito bago pinunasan ang pawis at ihinampas sa ulo ng papalapit na zombie ang isang metal baseball bat.

Magno watched as the zombie's head fell off and rolled to his direction. Walang-gana niyang tinapakan ang ulo. His black combat boots squashed its skull and splattered a horrible mixture of blood and brains. 'Damn these bastards.'

Alam niyang hindi kakayanin ng kanyang mga kasama kung patuloy pa rin silang aatakihin ng mga bangkay na 'to.

"Tanginang 'yan! Magno, bakit parang hindi sila nauubos?!" One of his members called and positioned her rifle. Hindi na alintana ng dalaga ang pagkakatanggal ng kanyang buhok sa pagkakaipit nito. Her sharp eyes locked on a fat zombie as she pulled the trigger.

BANG!

Natumba ito. Ngunit alam nilang lahat na hindi sapat ang mga baril para tuluyang mapatay ang mga zombies na ito.

"I have no idea, Weyn. Have you checked on the others?"

"'Di mo ba nakikitang busy ako dito?!"

Napasimangot si Magno. Napabuntong-hininga naman ang dalaga.

"Sugatan 'yong iba. May tatlong casualties na tayo, at malamang mas dadami pa 'yon kung wala tayong magagawang paraan para matigil 'to." Sagot ni Weyn at tumakbo na papalayo para tulungan ang isa nilang kasamahan na inaatake ng tatlong bangkay. 'That girl can really be a pain in the ass.'

Napuno ng sigawan at dugo ang tapat ng resto.

'Where the fuck are these zombies coming from?!'

Pinanood ni Magno ang pagdami ng mga patay. Naiinis niyang sinipa ang isang zombie at binali ang kamay nito. Walang emosyon niyang kinuha ang kutsilyong nakatago sa itim niyang boots at sinaksak nang paulit-ulit ang bangkay ng isang batang babae.

Blood stained Magno's face, but he doesn't give a shit about it anymore.

"The zombies are getting even more aggressive."

Sa ibang bahagi ng Eastwood, ang Eastwood Police na ang namamahala sa sitwasyon. Some of The Society members are trying to help them protect the residents and establishments in the area. Ngunit kahit anong gawin nila, mukhang dehado pa rin ang mga ito. Naikuyom na lang ni Magno ang kanyang mga kamay. 'We can't let them die.. No matter what happens, we'll sacrifice ourselves to protect others; ito mismo ang layunin ng The Society.'

Naipangako nilang iaalay nila ang kanilang mga buhay para proteksyunan ang  Eastwood laban sa tinatawag nilang "paranormal attacks". After the zombie apocalypse a couple of years ago, Magno made a vow to not let it happen again...

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon