DTU2: TRIGINTA TRES

493 38 0
                                    

I can see shadows creeping in from the sides of my vision. Matagal nang malabo ang mga mata ko pero bakit parang lumalala ang kondisyon ko?

"May kinalaman si Marishel dito.. it looks like the head scientist of ESO has a dirty little secret too."

Napaubo ako. Mukhang malapit-lapit nang bumigay ang mga baga ko. 'Focus, Levi.' Nanlamig ang buong katawan ko habang paulit-ulit kong pinapanood ang video ng Human Patchwork Experiment. Tinitigan kong maigi ang mukha ni isang scientist sa likuran ni Professor Samuel habang kinukuha ang video.

At first, you wouldn't realize it since the place is too dark..but she's there.

Nakatayo sa malapit si Marishel Patricio.

'Bakit siya kasama ni Professor Samuel? Well, unless she became his assistant when the mad scientist did the experiment on the poor guy.' Huminga ako nang malalim. Kung naroon rin si Marishel noong araw na 'yon, posibleng may alam siyang hindi niya lang sinasabi sa akin. May impormasyon siyang posibleng magamit ko para makahanap ng lunas. Pero bakit niya ito tinatago? She's crazy...

She's hiding something.

"Mr. James?"

Lumitaw sa pinto ng opisina ko ang isa sa mga scientist ng Project Beta. A fat man with a balding head. Nakasuot siya ng puting laboratory coat, with the red embroidered Project Beta logo. The same one I'm wearing.

"Ano 'yon?"

He hesitated, "May natagpuan na naman silang patay. The monster killed another Project Beta scientist last night. H-He ripped his head and sent it to us in a donut box. N-Nababawasan na tayo, sir."

"Then replace the dead scientist." Habang abala pa rin ako sa pagbabasa ng narrative reports. Sa ngayon, puro dead end ang paghahanap namin ng lunas. If I could just trick Marishel to tell me her secrets...

"Sir, gusto nang mag-resign ng ibang scientist natin. T-The chemists are already packing their things---"

Bullshit.

"Nobody leaves Project Beta." Huminga ako nang malalim at hinila ang sleeves ng lab coat ko para takpan ang mga itim na ugat na unti-unti nang kumakalat sa kamay ko. I glared at the scientist, "Wala akong pakialam kahit ikamatay niyo pa ang pananatili dito sa organisasyon ko. You'll obey my commands or else I'll fucking have someone assassinate your families. Understood?"

Bakas ang gulat sa mukha ng kausap ko. Para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. I smirked like a devil and walked towards him. I towered the old man and glared daggers, "And if I find out that any of you leaves this building, I'll chop your head and place it inside a donut box myself."

"....."

"You won't get away that easily.. There is no escape. Tatapusin natin ang sinimulan ni Professor Samuel sa ayaw at gusto ninyo. We're all damned here until we find salvation."

Napanganga ang nakatatandang scientist sa sinabi ko. Sa hindi malamang dahilan, napadako ang mga mata niya sa suot ko. Kalaunan, napabuntong-hininga siya't tumango sa'kin. "Yes, sir." At mabilis na siyang lumabas ng opisina ko.

Walang emosyon kong sinipat ang repleksyon ko sa kalapit na salamin. I walked closer to the full-length mirror and cursed under my breath when I realized I look more like a zombie than I thought I did. Unti-unti na rin akong nangangayayat. Kailan ba ako huling kumain?

The red logo on my chest is beautiful. I admired the simple design. Two inverted black V's, pointing upwards. It's a Viking symbol. Naaalala ko pa rin ang kahulugan nito mula sa mga librong nabasa ko.

'Follow your dreams, even if it means standing alone.'

Ganito rin ba ang nararamdaman noon ni Professor Samuel? Binasa ko ang pangalan niya sa ilalim ng logo ng lab coat ko. Suot ko nga pala ang laboratory coat ni Professor Samuel... How fucking ironic.

Sinusundan ko ang mga yapak niya--in the most twisted way possible.

Napabuntong-hininga ako't tinitigan ang sarili ko sa salamin. 'If I could just be Professor Samuel, I can make Marishel tell me her secrets... Then I can----'

"That's it!"

I smirked. An evil glint in my eyes.

Maybe I don't need to be Professor Samuel afterall.

*
Head Scientist Marishel Patricio drank her fifth glass of wine that morning. Nakatuon lang ang atensyon niya sa maliit na television screen sa kanyang opisina. Dumarami na ang mga namamatay dahil sa pagkalat ng zombie virus. She sighed and leaned on her chair. Suddenly, the plane ticket felt heavy inside her coat's pocket.

Ilang sandali na lang mula ngayon, matatakasan na niya ang nakaraan. Matatakasan na niya ang kaguluhang ito.

A few hours from now, Marishel would be inside an airplane, relaxing while anticipating her new life in the United States. Doon ay magsisimula siyang muli, erasing the bitter mess she'll leave here in Eastwood.

'Bahala na kayong mamorblema.'

She laughed like a witch and thought about poor Levithian James. Mabubulok siya sa lugar na ito. Katulad ng halimaw na pinakawalan nila, unti-unting maaagnas ang pag-asa ng binatang henyo. He'll grow crazier and crazier as the chaos will destroy his precious Eastwood---and Marishel doesn't give a damn.

'Wala naman talaga akong pakialam sa kahit ano mula noong...' marahan siyang umiling. Ayaw na niyang balikan ang mga alaalang 'yon.

His smile and crystal eyes are enough to haunt her for an eternity. In life and in death.

Knock! Knock!

Napasimangot si Marishel. May ilang oras na lang bago siya tuluyang umalis sa lugar na ito, kaya't sino naman ang maglalakas-loob na kausapin pa siya? Damn it. Huminga siya nang malalim, "Come in."

Itinabi ng dalaga ang kanyang iniinom at pineke ang ngiti. Pero agad ring natunaw ang kaplastikan niya nang makita kung sino ang pumasok. A genuine smile graced her face as she stared at her godfather.

"Ninong."

It was Dr. Burnham. Ang akala ni Marishel ay galit ito sa kanya? Noong sinabi niya rito ang plano niyang pag-alis ng bansa, nagalit ang kanyang ninong at hindi na siya muling inimik. Seeing him today is a bit of a surprise for her.

"Anong ginagawa mo po dito? Do you need something?" Marishel motioned Dr. Burnham to sit on the sofa.

But he didn't move.

"Nabalitaan mo na ba ang kaguluhan sa labas, Marishel?" Panimula ng ninong niya. Napasimangot naman ang dalaga na parang batang pinagsasabihan. "Kung nandito ka lang para sermonan ako---"

"I'm not here to do that. Bilang head scientist ng ESO, alam kong marami kang iniintindi ngayon, hija. If you want to talk about it..."

Marishel laughed dryly. "You know I don't give a shit about being head scientist."

Napansin ni Marishel ang panandaliang galit sa mga mata ng ninong niya, pero mukhang naparami ang inom niya kaya hindi na lang niya ito inintindi. Marishel took in a deep breath and stared at the walls of her office. Nakadisplay pa rin doon ang newspaper clippings ng pagkapanalo niya noon sa Science Fair ng ECU. She was shaking hands with Professor Samuel Castillo.

'Death suits him well..  Noon pa man, mas magaling na ako sa kanya.'

Napapailing na lang si Marishel.

"You can talk to me about anything, Marishel.. especially if something's bothering you." Sabi ni Dr. Burnham habang nakamasid sa kanya.

Just then, those eyes flashed on her mind again. His smile. His charming behavior. His warmth.. all of that is gone now. Pero bakit nangungulila pa rin si Marishel? Suddenly, the night of the Human Patchwork Experiment came back to her.

Naikuyom na lang ni Marishel ang kanyang mga kamay. Wala naman sigurong masama kung pagkakatiwalaan niya ang kanyang ninong, hindi ba?

"It started when that devil, Professor Samuel, asked me to kill my own boyfriend. I-I was there during the Human Patchwork Experiment and..."

Marishel confessed everything.

Hindi alam ni Marishel kung dala ba ng kalasingan o sadyang nakangisi lang talaga sa kanya si Dr. Burnham habang isinisiwalat niya rito ang katotohanan?

---

Edited.

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon