QUATTOURDECIM

1.8K 119 7
                                    

Ethan Pascua.

Sinubukan kong alamin ang lahat ng impormasyon patungkol sa kanya, pero sa di malamang dahilan, wala namang kakaiba. Well, aside from the fact that he's a smart guy too. Pero hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit siya nakapasok sa ESO! At inagaw niya pa ang pangarap ko!

I'll hunt him down.

Nobody messes with Levithian James and gets away with it. I'm the scientist here!

"--Am I right, Levi?"

Agad akong kumawala sa lalim ng mga iniisip ko nang biglang ibaling sa akin ng propesor namin sa World Literature ang atensyon niya. I immediately adjusted my eyeglasses and sat properly. That's when I realized that everyone was staring at me.

Oh great. More attention. Psh.

"So, care to share what you were daydreaming about? Tutal, mukhang wala ka namang interes sa lesson ko."

I smiled awkwardly and scratched the back of my head. Ito ang unang beses na nawalan ako ng atensyon sa klase. At wala akong planong ulitin ang kahihiyang ito. Baka masira pa ang scholarship ko.

*

Nang oras na ng klase ni Professor Lopez, agad akong naupo sa unahan. His classes were my favorite! Hindi ko pinalalagpas ang bawat syllable na lumalabas sa bibig niya.

Pero nang bumukas ang pinto, instead of the lanky Professor Lopez that usually stumbled through the door with piles of papers, isang di pamilyar na mukha ang sumalubong sa amin. Namayani ang katahimikan sa buong paligid at nang titigan kong maigi ang mukha nung lalaki, kamuntikan na akong nakapagmura.

He was uglier in person.

"Good day, fellow humans, my name is Ethan Pascua."

I heard the girls sitting at my back giggled like idiots. Ethan roamed his eyes around the room until it landed on me. Nagkatitigan kami ng ilang sandali. Hindi naman sa pagiging mapanghusga, pero may kung anong mali sa kanya. At hindi lang yun dahil sa maayos niyang pananamit at pang-aagaw niya sa pangarap ko. Basta may mali!

I officially conclude that I don't like this dude.

At ano bang ginagawa niya dito?!

Professor Lopez then came in and smiled at us. Iminuwestra niya ang lalaking nakatayo sa harapan namin. The professor's eyes held pride and confidence as he spoke, "Kung hindi niyo pa nababalitaan, Ethan has just joined ESO. His intelligence and skills are much needed in Eastwood.. And today, he was kind enough to volunteer as my assistant. So, be nice to him."

Assistant huh? That's bullshit. Sana pala sa likuran na lang ako ng klase naupo. Kung alam ko lang na may sisira sa araw ko.

This must be some fucking nightmare! Kaninang umaga lang, nalaman kong nakuha na ng iba ang trono bilang pinakabatang henyo sa ESO, tapos assistant na siya ng paborito kong propesor?!

At ngayon, mukhang kinagigiliwan rin si Ethan ng mga kaklase ko!

Someone up there must really hate my guts.

Nang natapos ang klase ni Professor Lopez, I irritatedly stood up and stormed out of the door. Pero hindi pa man ako nakakalayo, nakasalubong ko na agad ang hudas na 'to. Tumalim ang tingin ko.

His dark eyes stared at me. A knowing smirk on his lips. Inilahad niya ang kanyang kamay sa akin.

"You must be Levi. The professor said that you're a genius too. Nice to meet you."

Calm down, Levi. Kahit na gusto mo nang pasabugin ng nuclear bomb ang taong nasa harapan mo, kailangan mong kumalma..

I shook hands with him and faked a fucking smile.

"Yup.. It's nice to know Professor Lopez talkes about me." Not.

Babawiin ko na sana ang kamay ko nang biglang hinigpitan ni Ethan ang hawak dito. Mahina akong napamura sa sakit but his expression remained emotionless. Sumeryoso ang aura niya at gumuhit ang isang nakababahalang ngiti sa mukha ni Ethan Pascua.

"Friendly reminder? Never let your guard down."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Bago pa man ako makapagsalita, tinalikuran na ako ni Ethan at naglakad papalayo.

What the heck was that?

---

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon