DTU2: VIGINTI

624 43 1
                                    

'Delikado na ang sitwasyon nila.'

Ethan Pascua thought and stared at Marishel who still looked distracted. Hindi niya pwedeng malaman na pinasok nina Levi at Algea ang underground laboratory ng Project Beta. All hell would literally break loose. 'Disorder everywhere. Such a pitiful life.'

"Anong plano mo?"

Hindi sumagot ang head scientist. Ethan glared and stalked towards her. Nang iilang sentimetro na lang ang kanilang mga mukha, agad na umatras si Marishel na para bang natataranta. 'A sign of guilt, indeed.' Ethan mused and grabbed her chin, forcing her charcoal black eyes on him.

"Miss Patricio, anong plano mo? Bakit mo gustong buhayin ang Project Beta?"

Naramdaman ni Ethan ang panginginig ng dalaga sa galit. Her eyes are endless pools of misery and mystery. Kahit yata ang metaphysics ay hindi kayang alamin ang iniisip ni Marishel Patricio.

"Forcing the information out of me is useless, Erolle. Alam nating dalawa na ayokong kinokontrol ako ng ibang tao." Asik nito.

Pero hindi natinag si Ethan. Sa tagal na nilang magkakilala, alam rin niyang madalas ay nagtatapang-tapangan lang si Marishel. She tends to play brave in order to save herself from the pain. 'But playing brave isn't always a good choice.'

"Ayaw mong kinokontrol ka ng ibang tao, kaya sila ang kinokontrol mo, ganoon ba? If I'm not mistaken, you're using Levi for your plans. In fact, you are indirectly admitting that he's smarter and more capable than you are." Ethan smirked when he saw her frustration. Lalo niyang inilapit ang mukha sa dalaga hanggang sa mabulungan niya ito sa tainga, "I'm a tad bit jealous, Mari. Bakit si Levi pa? Nandito naman akong handang magpagamit sa'yo."

Pagak na natawa si Marishel. Ilang sandali pa, mabilis na niyang naitulak papalayo si Ethan. Inayos niya ang suot na laboratory coat at sinamaan ng tingin ang binatang henyo, "That won't work on me, Erolle. Umalis ka na dito sa Eastwood bago ka pa patayin ng nakaraan."

Bumalik ang pagiging professional ni Marishel. Ethan chuckled and immediately cornered her.

"We'll see about that."

At nang akmang mahahalikan na sana ni Ethan si Marishel, binulabog sila ng malakas na pagkatok.

"Miss Patricio? Hinahanap kayo nina Dr. Cervantes sa biology lab!"

Epi's voice came from behind the door. Napasimangot si Ethan at mahinang napamura nang pagbuksan ni Marishel ang pobreng assistant. Walang emosyon niyang pinasabi na agad niya itong pupuntahan. After that, Marishel glanced at Ethan and gestured the open door.

"Pwede ka nang umalis, Mr. Pascua. You're assistance is no longer needed." She formally stated and ushered him out. Napabuntong-hininga na lang si Ethan at lumabas na ng opisina ni Head Scientist Marishel Patricio.

The door slammed shut.

Napuno ng katahimikan ang paligid. Ilang sandali pa, naiinis na binalingan ni Ethan si Epi. Alam niyang kasapi ito sa The Society.

"Sinadya mo 'yon, 'no?"

Ninenerbyos na tumawa si Epi at may inabot na papel kay Ethan. "S-Sorry, boss! Napag-utusan lang... P-Pinapabigay niya." At mabilis na itong tumakbo papalayo.

Ethan unfolded the piece of paper and read the note:

I'M WATCHING YOU.

Walang-ganang sinilip ni Ethan ang CCTV camera na nakatuon sa kanyang direksyon. He emotionlessly ripped the piece of paper in front of the surveillance camera and raised a middle finger.

"Damn you, Magno."

Huminga nang malalim si Ethan at mabilis na tinahak ang daan papunta sa entrance ng underground laboratory ng Project Beta. "Sana lang ay hindi pa tinatamaan ng kamalasan sina James."

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon