DTU2: TREDECIM

612 38 0
                                    

"Meow?"

Nabigla ako nang biglang bumungad sa'min si Newton sa may sala. The black cat had a questioning gaze, his blue eyes almost glaring at the woman I carried. Natataranta akong nagpaliwanag sa pusa ko, "Look, buddy.. I-It's not what you think! Hinimatay si Marishel kanina, at masyadong malakas ang ulan para---!"

"Meow.."

Hindi ko alam kung naniwala ba si Newton sa sinabi ko o sadyang wala na talaga siyang pakialam. My pet just hissed at Marishel's figure and walked back into the kitchen. Napabuntong-hininga na lang ako't kinarga si Marishel sa guestroom. Mabuti na lang talaga at may lakad ngayon si mama.

Baka nagwala na rin siya sa oras na makitang may inuwi akong ibang babae dito. 'Si mama talaga ang number one fan ng love team namin ni Algea,' I smirked at the thought.

Napatingin ulit ako sa babaeng buhat-buhat ko. Still unconscious.

"Pasalamat ka't bukod sa pagiging henyo, Good Samaritan din ako. Tsk!"

The storm raged outside as I laid Marishel on the bed. "Shit!" Nang mapagtanto kong basang-basa nga pala siya, mabilis akong kumuha ng tuwalya at ipinunas sa kanya. I averted my eyes away from her chest area when her clothes stuck onto her skin.

I felt myself blush in embarrassment when the outline of her underwear showed.

'Anak ng protons naman! Bakit ba ngayon pa siya nawalan ng malay?!'

Napalunok ako't ipinatong ang tuwalya sa dibdib ni Marishel. Huminga ako nang malalim at napasimangot, "Basang-basa ka tuloy. Tsk! I'll just have to call Algea to change your clothes or something."

Napatingin ako sa orasan. It was three in the afternoon. Mga ganitong oras, tapos na ang klase niya. Pabago-bago na talaga ang panahon. Parang kaninag umaga lang maaliwalas pa ang kalangitan. Now, it's raining as if an apocalypse is coming.

"To top it all, I still have a night shift at ESO later. Just my luck." Akmang tatayo na sana ako para makapagpalit ng damit at matawagan si Algea nang biglang nagsalita si Marishel.

"...h-hindi! A-Ang Project Beta ay..."

I waited intently. Ano bang sinasabi niya? Ano ba talaga ang meron sa Project Beta, at bakit niya gustong buhayin ang organisasyon na 'yon? Damn it. My curiosity is getting the best of me again. "Ang Project Beta ay ano? Marishel!"

Umasa akong baka may sabihin pa siyang posible naming maging clue sa misteryong ito, pero hindi na siya muling umimik. Napakamot na lang ako sa ulo ko at tumayo para umalis.

"Ang alam ko talaga, ako lang ang mad scientist sa istorya ko. Damn it! Can't you even---?!"

"Levi, kailangan kita."

Nagulat na lang ako nang biglang nagsalita ulit si Marishel. I yelped in surprise when she grabbed my hand. Her charcoal black eyes glared at me. Muntik pang malaglag ang salamin ko. "G-Gising ka naman pala!"

Marishel smiled sadly and tightened her hold on my hand. Doon ko ulit nakita ang determinasyon sa kanyang mga mata at ang kalungkutang hindi ko alam kung saan nagmumula.

"Levi, please.. Pamunuan mo ang Project Beta. Ikaw na ang magtutuloy sa mga pag-aaral ni Professor Samuel Castillo!"

Umiling ako. Damn it, bakit ba ikinukumpara pa rin ako sa isang 'yon?! I've stopped idolizing Professor Samuel when I found out about his twisted human experiments. Bakit ba hanggang ngayon, minumulto pa rin niya ako sa mga ganitong pagkakataon?

"Tigilan mo na ako, Marishel. Baka mawalan pa ako ng respeto sa'yo bilang head scientist ng ESO."

"Pero---!"

"Damn it! Just shut up so I can save what little respect I have for you as a higher authority, okay? Ms. Patricio, salamat sa pag-aalok, pero hindi ko pamumunuan ang grupo ng mga siyentipikong halang ang mga bituka!" Napasigaw na ako sa inis. I adjusted my eyeglasses and tried to pry my hand away when she suddenly laughed.

"Bibigay ka rin, Levithian James."

Bago pa man ako makaangal, mabilis niya akong hinila. The force suddenly caught me off guard. Bigla akong na-out-balanced na naging dahilan para aksidente akong dumagan sa kanya. I cursed under my breath. Nang magmulat ako ng mga mata, I found Marishel smirking seductively at me.

I have a bad feeling about this.

"A-Ah, L-Levi... D-Dahan-dahan lang---aah!"

WTF?!

"What the heck are you---?"

"Nerd?"

Nanlaki ang mga mata ko. 'Shit!' Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa boses na 'yon. I spun around, just in time to see Algea with a shocked expression by the doorway. Halatang gulat na gulat at hindi malaman ang gagawin.

Just then, her expression turned into disgust and anger. "Sorry, mukhang nakakaabala ako. Want a tip, nerd? The next time you cheat on me, make sure to lock the goddamn door!"

Mabilis akong umalis mula sa pagkakapatong ko kay Marishel at nagtaas ng mga kamay, "A-Alge---I mean, Angel! You got it all wrong! H-Hindi kita---!"

Pero mabilis na siyang naglakad papalayo. Mahina akong napamura at sinamaan ng tingin si Marishel. Inosente lang siyang nakangiti sa akin. "That's your girlfriend? Hm..  She seems familiar."

Hindi ko na narinig ang iba niya pang sinabi dahil mabilis na akong tumakbo para sundan si Algea. Pero dahil minamalas na talaga ako noon pa man, hindi ko na siya naabutan. I stared out the window and saw the hindlights of her aunt's car driving away.

I punched the door in frustration and sighed. Hindi ko na pinansin ang dugong dumaloy sa kamao ko.

"Why do I always screw things up?!"

Beside me, Newton sat ontop of several books. Hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin, pero mukhang nakikisimpatya naman siya sa sitwasyon ko.

"Meow."

Napasalampak na lang ako sa sahig. Noong mga sandaling 'yon, biglang nag-ring ang telepono namin. Inis kong sinagot ang tawag, "Hello?"

"James. Mukhang bad mood ka ah? Girlfriend issues?"

Lalong sumama ang timpla ko, "Tsk! I'll just pretend you never said that, Pascua. Bakit ka ba tumawag?" I'm pretty sure I haven't even given him any of my contact information. Siraulo talaga ang isang 'to.

Mahina siyang natawa sa kabilang linya bago sumeryoso, "May nahanap na naman silang bangkay kanina. A former Project Beta scientist was found dead in jail."

"And?"

"Binalatan siya."

Napapikit na lang ako sa narinig. I sighed and ended the call. Ang alam ko talaga isa akong manunulat slash scientist slash zombie fighter. Pero sa kasong ito, mukhang kailangan ko na ring magpaka-paranormal expert slash detective. Ang kumplikado talaga ng buhay ng isang Levithian James!

"Meow."

---

Edited.

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon