QUADRAGINTA TRES

1.3K 90 0
                                    

Our bodies were drenched in the middle of the monstrous storm. Halos wala na kaming makita sa dinadaanan namin. Nanuot sa balat ko ang lamig at pakiramdam ko hindi na kakayanin ng katawan ko kung magpapatuloy pa ang ganitong sitwasyon namin. That, and the fact that the deep wound on my palm throbbed with blood and pain. Damn this.

Tumakbo lang kami ni Algea.

Sa gitna ng nakapangingilabot na bagyo at kadiliman ng paligid. Walang tigil kaming tumakbo sa mga kalyeng namantsahan ng dugo. May ilang mga bangkay sa paligid, lasug-lasog at nakaluwa ang mga bituka. Bata, matanda, babae man o lalaki. The zombies didn't give a damn whoever they attacked.

I wish this is all just a fucking nightmare.

I wish Diana didn't have to sacrifice herself for my sake. Pilit kong binura sa alaala ko ang walang-buhay na hitsura ng kapatid ko, but it stuck on my mind like a name carved on stone. Permanente na akong gagambalain ng imahe ng kanyang pagkamatay. Habambuhay.

Well, if we ever live long enough to survive this night, that is. Dahil sa sitwasyon namin ni Algea ngayon, mukhang di malayong magkita kami kaagad ni Diana sa kabilang-buhay.

Sumilong kami ni Diana sa isang bahay. I haven't even noticed that we were already near the Eastwood cemetery. I struggled to catch my breath and turned to Algea. Kasalukuyan siyang nakatanaw sa pinaggalingan namin. Nanginginig na rin ang katawan niya dahil sa lamig at nakunot na lang ang noo ko nang makita ang kanyang mga kamay.

Nangingitim na ang balat niya. This isn't a good sign..

"I think we lost them. Mukhang wala na tayong magagawa, Levi." She smiled at me, "Atleast we lured them out of your house. L-Ligtas na ang mama mo.. I know she is."

"...."

"I-I'm sorry about what happened to Diana.."

Dumungaw ako sa daang tinahak namin papunta dito. Para na akong nawawalan ng pag-asa. Paano nga ba nagkaganito ang istorya ko? All I ever wanted was to be part of ESO and have my name written in books. Gusto ko lang naman na kilalanin ng mundo ang mga imbensyon ko.. Gusto ko lang na kilalanin ng Eastwood ang pangalang "Levithian James" dahil sawang-sawa na akong itinuturing na para bang hindi ako nakikita ng mga tao.. Masama ba yun?

No.

But life just has to fuck up everything.

At walang scientific explanation ang makapagliligtas sa amin ngayon.

"I'm losing everything." Mapait akong napangiti. Pagak akong natawa na para bang ngayon ko lang talaga nari-realize ang mga bagay na ito. Tahimik lang na nakatitig sa akin si Algea. Soon enough, I felt myself being wrapped in her embrace. Mainit ang kanyang mga bisig, pero napansin kong nag-iba ang temperatura ng kanyang katawan. She's slightly colder than she was yesterday. At hindi dahil sa lagnat o ulan iyon.

"I'm still here."

Napasimangot ako. "B-But, you're going away.."

"Yup."

"A-Algea, I..."

Nawalan na ako ng boses. Tangina talagang buhay 'to. Huminga ako nang malalim at tinitigan ang sementeryong nasa tapat namin---teka, ano yun? Agad akong napalunok at marahang tinulak ang dalaga. Kumunot ang noo ni Algea sa ginawa ko pero agad ko lang pinunasan ang salamin ko (na hindi naman talaga masyadong nakatulong) at pinagmasdang maigi ang mga libingan. Fear crept into my system again. This is impossible..

"Levi! Ano bang tinitingnan mo?!"

I pointed to the direction of the graveyard. Sa gitna ng kadiliman, maaaninag mo pa rin ang nakapangingilabot na paggalaw sa pagitan ng mga puntod. Kanina nagtataka ako kung bakit dumarami ang mga bangkay na umaatake sa amin, kahit na mukha namang hindi nagiging zombies ang mga taong pinapatay nila---ayun ang naobserbahan ko nang makita ang mga parte ng katawan ng tao sa kalsada kanina.. But now, I think I know where these zombies are coming from.

Nanlaki ang mga mata ni Algea sa nakita.

"Shit!"

The dead were rising from their graves. At kasabay ng malakas na kidlat na gumuhit sa madilim na kalangitan, ang pagbangon ng daan-daang bangkay mula sa kanilang pagkakahimlay. I felt my pulse quicken its pace at bago pa man nila kami maatake, agad kong hinila si Algea papalayo. This is crazy! Ano nang gagawin namin?!

There are too many of them. And it wasn't even interesting anymore!

Nagkatinginan kami ng kasama ko.

"Nerd, shall we?"

Tumango ako.

And so we ran again. Kahit na halos bumigay na ang mga paa ko sa kakatakbo at wala na akong makita dahil sa tindi ng buhos ng ulan, nagpatuloy lang kami. Mas gugustuhin ko pang mamatay ng hypothermia o fatigue kaysa ang mamatay na hapunan ng mga zombies! Psh.

Nang marating namin ang main road, halos mabuhayan kami nang loob nang makita namin ang mga sasakyang nakaparada sa gilid ng kalsada. The red lights on the roof of the car flickered amidst the storm. It almost seemed like the beam of a light tower calling for stranded ships at sea. Napangiti ako. The police.. Maliligtas na kami!

"HELP! ANYONE?!"

Algea started shouting while running towards the cars. Agad akong sumunod sa kanya nang walang bumaba mula sa mga sasakyan. Pero habang papalapit kami sa police cars, agad kong napansin ang kakaibang pulang logo sa harapan nito. Napahinto ako sa paglalakad..

Why does that look familiar?

"HOY! MAY TAO BA DIYAN? WE'RE BEING CHASED BY A HOARD OF FUCKING ZOMBIES! CAN SOMEONE HELP US?!" Natatarantang sigaw ni Algea at pinagsisipa ang gulong ng isang kotse. The water droplets dripped from her frustrated face. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Hindi malayong mahanap kami ng mga zombies kung hindi kami makakaalis dito agad. Where are the police?

And then, realization hit me.

"ALGEA, LUMAYO KA DIYAN!"

I grabbed Algea by her wrist and pulled her away from the cars. Agad siyang napasimangot sa ginawa ko at marahas na kinalas ang kapit ko sa kanya. "What the fuck, Levi?! Can't you see I'm busy asking for help? Kung magagawa ng pulis na dalhin tayo sa-------"

"Damn it! HINDI PULIS ANG MAY-ARI NG MGA SASAKYAN NA YAN!"

Narinig ko ang mahinang pagpalakpak ng isang lalaki na maglakad mula sa likuran ng isang sasakyan. Nakapayong sa kanya ang isang lalaki na mukhang assistant. His dark eyes found Algea's. "Come with us quietly and we'll resolve this. Oh, and," dumako ang mga mata ng lalaki sa direskyon ko at sa tingin ko, para bang tuluyan na akong nawalan ng hangin, "let's dispose this pathetic excuse for a genius, shall we?" At ngumisi ito nang malademonyo.

Nakatulala lang ako sa lalaki. Hindi lang dahil sa nakasuot siya ng laboratory coat o dahil kabilang siya sa Project Beta.

Kundi dahil siya ang taong hindi ko kailanman lubos maisip na makikita ko nang personal. Hindi sa ganitong sitwasyon. Dahil ang mas nakagugulat pang isipin bukod sa pagkakaroon ng isang zombie outbreak sa Eastwood, ay ang laitin ka ng lalaking lubos mong iniidolo.

A man that was suppose to be dead a long time ago.

"P-Professor Samuel.."

---

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon