DTU2: TRES

889 47 0
                                    

"Good morning, Mr. James!"

"...."

"Mr. James? Boss?"

Walang-gana akong tumango kay Epi, ang trainee ko sa research compound. Agad niyang tinigil ang pagkaway sa'kin at kumunot ang noo niya. "Mukhang bad mood ka ngayon, boss ah! Anong nangyari? Nakipag-break na ba sa'yo si Miss Angel?"

Napahinto ako sa paglalakad at mabilis ko siyang binalingan.

'What in the name of atoms is he talking about?'

"Stop talking nonsense. Masama lang ang gising ko."

Ngumisi si Epi. He crossed his arms over his chest and huffed, "Eh, mukhang hindi ka nga natulog, Mr. James. Sa laki ng eyebags mo, pasado ka nang maging zombie!"

Zombie? Tsk. Kung alam niya lang sana. Huminga ako nang malalim at pinilit na ngumiti. I'm his superior and I need to set a good example for him. Baguhan lang siya sa ESORC at wala pa siyang kaalam-alam sa sistema rito.

"Mr. James! Sabi mo sa'kin ilibre mo 'ko ng shake ngayon? Ay, tapos alam niyo ba...." Blah blah blah blah.

'Sino bang nagsabing madaling maging henyo?!'

Minsan talaga subok na subok na ang pasensya ko. I need to smile even though I've been planning to unleash a nuclear bomb since yesterday. Even though Epi is annoying the cell out of me again!

Huminga ako nang malalim. "Ayos lang ako. Ako pa ba? I'm Levithian James, and a mere lack of sleep won't stop me from ordering you to clean up Lab 43!"

"Ah, buti naman kung gano---t-teka! M-Maglilinis po ako ng laboratoryo?!"

I smirked and glanced at my wristwatch, "Oo naman. Paki-linis na rin ang comfort room sa floor na 'yon. After that, I need you to do an inventory on the equipment, take out the trash, and organize the files on my desk."

Para siyang namutla sa sinabi ko. "P-Pero---!"

"This is a challenge. Lahat ng mga apsiring scientists ay dumadaan muna sa paghihirap. Can you handle it, Epi?"

Lumunok siya't sumaludo sa'kin, "Yes, Mr. James! Masusunod po!" At mabilis na siyang nagmartsa papunta sa kabilang dulo ng pasilyo. Mahina akong natawa, "Minsan talaga ang sarap maging boss!"

'Ililibing talaga ako nang buhay ni Algea kapag nalaman niyang inaapi ko ang batang 'yon.'

Not that I plan to tell her, of course. I still value my life.

Inayos ko ang laboratory coat ko at nagpatuloy sa paglalakad. Napadpad ako sa work station kung saan aligaga na naman ang ilang mga tauhan ng ESO sa pag-aayos ng mga dokumento. I passed by several glass windows where robotics and chemical testings took place.

Napangiti ako. The smell of camomile tea and disinfectant spray lingered, bringing a sense of peace to my very soul.

'Scientific paradise.'

Lumiko ako sa isang corridor at mabilis na pinuntahan ang opisina ni Dr. Burnham. Magmula nang pumasok ako noon sa ESORC, siya na ang naging pangalawang magulang ko (especially after the death of Prof Lopez). I still have an hour left before the formal announcement of ESO's new head scientist.

'Psh. Baka namali lang sila. Sino naman ang magiging mas qualified kaysa sa'kin?'

Damn it, Levi. Stop being bitter about it!

Knock! Knock! Knock!

"Dr. Burnham?"

Nang walang sumagot, sinubukan ko nang pihitin ang seradura. To my surprise, it wasn't locked. Nang makapasok na ako sa loob, agad kong napansin ang kawalan ng liwanag sa silid. Tanging ang lava lamp lang ang nakasindi.

Creepy.

"Dr. Burnham?"

Umalingawngaw sa katahimikan ang pagtama ng sapatos ko sa sahig. Doon ko napansin ang bulto ng isang taong nakatayo sa may sulok---nakatingin sa'kin at nakahalukipkip.

Bigla akong kinabahan. Lumakas ang pintig ng puso ko nang lapitan ako ng lalaki.

"D-Dr. Burnha---?"

"Hello, Levithian James. Are you glad to see me again?"

'What the heck?! I-Imposible 'to!'

Biglang umurong ang dila ko. Para akong tinakasan ng kaluluwa nang maaninag ko ang mukha ng yumaong propesor. Mala-demonyo itong nakangiti sa akin, at bigla na naman akong binalikan ng mga alaala ng nakalipas na taon. I felt my skin crawl in fear as the nightmares came back.

Dahil nakatayo sa aking harapan ang siyentistang naging puno't dulo ng lahat.

"P-PROFESSOR SAMUEL CASTILLO?!"

---

Edited.

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon