UNUM

3K 176 41
                                    

This chapter is dedicated to Ms. MarahWicked. Thanks for the support.

---

"Levi?"

Malapit na itong matapos. I grinned like an idiot at my masterpiece. It's small aluminum framework flashed suggestively at me. Sa wakas, matatapos ko na rin ang ilang buwan ko nang pinagpupuyatan!

"Levi?!"

I'm such a genius! Kailangan ko na lang i-connect ang ilang wirings at---

"LEVI!"

Agad kong nabitawan ang hawak kong plais at lumingon sa nakaawang na pintuan. I squinted and adjusted my eyeglasses a little. Nang makilala ko ang taong masama ang tingin sa'kin, agad kong ibinalik ang atensyon sa pinagkakaabalahan ko. "Ma, bakit ba kayo nandito?"

It's not that I hated my mother, it's just that her shrilly voice irritated me whenever she barged into my room a.k.a. my awesome "laboratory"---with a bed. Puro na lang kasi siya reklamo sa mga "kalat" ko raw at noong isang linggo, halos himatayin ako nang sabihin ng kapatid ko na nilinis ni mama ang kwarto ko. Who knows what important specimens she might've discarded!

Tumalim ang tingin sa akin ni mama. Shit, this woman is creepy!

"Kanina pa naghihintay sa baba si Vanesa! Ano na naman ba 'yang pinagkakaabalahan mo?"

Vanesa?

Ilang segundo kong inisip kung sino yun nang bigla kong naalala...damn. Girlfriend ko pala yun! Pero bakit naman siya nandito? Napatingin ako sa orasang nakapatong sa study table ko at halos mapamura ako. My eyes widened in horror and I immediately rushed to comb my hair and throw a pair of decent clothes on.

Binitbit ko ang paper bag na nakapatong sa kama at nagmamadali akong bumaba ng hagdan.

And there, in the living room, I saw my angry girlfriend glaring daggers at me. She's probably plotting ways on how to murder me. So cute.

Ngumiti ako nang magkaharap kami. "Y-You look beautiful, Van! Nagpaayos ka ba ng buhok? T-Tapos ang sexy mo pang tingnan sa damit mo!" Kinakabahan kong pagbati sa kanya.

Pero mukhang wala talaga siya sa mood. Akala ko ba ganun ang dapat sinasabi sa mga babae para mawala ang galit nila? Psh.

"Do you have any idea on how long I've been waiting here? Two hours, Levi! Two goddamn hours! My gosh!" And she even crossed her arms over her chest. Napakamot na lang ako sa ulo ko.

"Sorry na--"

"SORRY? Matapos mong ma-late sa date natin na dapat sinundo mo ako sa bahay, sorry lang ang masasabi mo?!"

"P-Pero---!"

"YOUR APOLOGY WON'T CHANGE THE FACT THAT MY MAKE UP IS NOW RUINED!"

Napalunok ako. Para na naman siyang dragon na anumang oras ay bubuga na ng apoy. Ganito ba talaga ang lahat ng mga babae? Ngayon alam ko na kung bakit mas pinipili ng ibang lalaki ang mamuhay nang single. Kung hindi ko lang mahal 'tong babaeng ito. Hay. Love really makes people stupid, right?

Ngumiti ako nang matamis at hinuli ang kanyang kamay. "Remember last week when you wanted me to take you to my bedroom?" At what I said, Vanesa immediately faced me with a raised eyebrow. "So?"

Napabuntong-hininga ako. "I'll take you there..if that's what you want."

"OMG! TALAGA?!" Nakita ko ang pagningning ng kanyang mga mata. What in the world?

Napatili sa saya si Vanesa. Para bang tuluyan nang natunaw ang galit niya at hinila ako papaakyat ng hagdan. Naramdaman ko ang pamumula ng mga tenga ko dahil sa hiya. Sa totoo lang, ni hindi ko alam kung bakit gustong pumasok ng babaeng 'to sa kwarto ko. But since I've already been a jerk for making her wait, the least I could do is obey her wishes.

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon