QUADRAGINTA UNUS

1.4K 83 0
                                    

Isang bagyo ang nananalasa sa Eastwood sa kabila ng nangyayaring kababalaghan. Umihip ang malakas na hangin at nagparamdam ang nakapangingilabot na bugso ng ulan. Madilim ang kalangitan, at para bang dumating na ang trahedyang tatapos sa buong bayan. It was a storm that no one expected. Not even in the middle of a zombie attack.

"AAAAAAAAHHH!!"

Bumasag sa ingay na likha ng marahas na pagpatak ng ulan ang kaliwa't kanang sigawan. Their voices sounded helpless and tormented. Terrified and broken at the same time.

"T-Tulong.."

Nanghihinang sabi ng isang lalaki ngunit alam niyang walang makakarinig sa kanya. At kung meron man, hindi nila tatangkain na tulungan siya ngayong pinagpipistahan na siya ng mga bangkay. Nanoot sa ilong niya ang naagnas nilang amoy at ang nakaririmarin nilang hitsura.

Rotten and empty.

That's what they are. They were a bunch of fucking zombies.

Walang kalaban-laban niyang hinayaan ang mga ito na punitin ang kanyang tiyan at kainin ang kanyang laman. Dumanak ang dugo sa kalye na agad namang hinugasan ng tubig mula sa ulan. Namanhid ang buong katawan niya sa lahat. At sa huling sandali ng kanyang buhay, nakahilig ang kanyang ulo sa mga kabahayan.

Kung saan nakikita niyang inaatake ng mga bangkay ang mga bahay. The other zombies were already breaking in through the glass windows and forcing the locked doors to open. At maging ang Eastwood Police, walang magawa sa mga nangyayari.

Not even guns can save them now.

At sa kasagsagan ng bagyo at ang kadiliman ng paligid, namayani ang takot sa buong bayan.

*
"Darn it.."

Mahina akong napamura pagkatapos kong ulitin ang ginawa kong timpla. Tsk. Malapit na talaga akong maubusan ng buntot ng daga. I frustratedly raked a hand through my hair and sighed. Kailan ba ako matatapos dito? How many times do I have to do these procedures again and again? Malapit na talaga akong mawalan ng pag-asa.

Napasimangot ako at tiningnan si Newton na tahimik lang na nakamasid sa'kin. His cerulean blue eyes were encouraging me. I smiled.

"I must really look like an idiot now.. Don't you think?"

"Meow."

Oo daw, sabi ni Newton. Psh.

Pinasadahan ko ng tingin ang nagkalat na mga botilya at test tubes sa study table ko. Maging ang Bunsen burner na gamit ko, pakiramdam ko mauubusan na ng laman. I eyed the peculiar ingredients at my table. Mga kemikal na hinaluan ng mga kakaibang sangkap. Kamuntikan ko na talagang makalimutang bukod sa pagiging scientist, isa rin akong avid fan ng paranormal movies at literature. A bad combination, I know.

"Nerd? Ilang oras ka na dyan, ah! Buhay ka pa ba o gusto mong ihatid na kita sa Eastwood cemetery?"

Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino ang bigla na lang pumasok sa silid ko. I concentrated on mixture again. Umuusok na pala yung nilalaga kong rare mushrooms. Why couldn't I make this work?! Damn it!

"Levi.."

Algea neared me. Nang lingunin ko siya, nakita ko ang pagsimangot ng kanyang mga labi. Inilapit niya ang mukha niya sa akin. She traced her fingers over my cheeks and under my eyes. Napapikit na lang ako sa sensasyong hatid niya. Malamang, namumula na ang mga tainga ko sa hiya. Damn this girl!

"You look more like a zombie than I was! What the heck are you even doing?"

I opened my eyes and saw her studying the ingredients and chemicals I was working on. Mas lalong kumunot ang noo niya at itinaas sa ere ang platito na naglalaman ng mga paa ng palaka. I watched her face twist in disgust. "LEVI! NABABALIW KA NA BA TALAGA?! PARA SAAN BA 'TO?"

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon