DTU2: UNDETRIGINTA

559 34 1
                                    

Strange things are always happening in Eastwood. Nasaksihan ko mismo ang mga kababalaghang nangyari noon. 'Lumalala ang nakaraan. Mukhang nauubusan na kami ng oras,' inis kong isip habang sinusundan sina Dr. Burnham at isa pang siyentista pababa ng underground chambers.

"Is it even necessary to keep him here?" Tanong ko nang mapansin ang paligid. Mas malala pa ang lugar na ito kaysa sa isang asylum.

It was quite disturbing, even for a paranormal enthusiast like myself.

Tiningnan ako ni Dr. Burnham na para bang 'di makapaniwala sa sinabi ko. "Anong ibig mong sabihin, hijo?"

Inayos ko ang salamin sa mata ko. "Kung naging zombie nga si Epi, baka naman may posibilidad na nasa katinuan pa siya. Maaari pa natin siyang hanapan ng lunas. Why keep him locked up in these chambers?"

"Levi, that man just bit off a police officer's ear."

Nanahimik na lang ako.

Wala nang nagtangkang magsalita sa amin. The underground chambers is a secluded place inside the main ESORC building. Iilang eksperto lang ang napapadpad rito. Dito nila dinadala ang mga test subjects nilang may "depekto". Lungga ito ng iba't ibang klase ng  mutant animals. One-eyed horses, chickens with three legs, frogs that can live a year without food---you name it, the chambers have it! Awesome, right?

Bawal kasi nilang i-test sa mga tao ang mga kemikal na nililikha ng mga resident chemists ng ESO. Kaya't napagdesisyunan na lang nilang ikulong sila rito.

'Ito ang unang beses na nagkulong sila ng tao rito---'

"AAAAAAAAAHHH!"

Napaatras kami nang bigla na lang umalingawngaw ang sigaw na nagmumula sa dulo ng hallway. Kasabay nito ay ang paglitaw ng isang pamilyar na mukha sa salaming naghihiwalay sa amin.

Dead eyes.

Dried blood.

Insanity in his eyes.

"E-Epi..."

Siya ba talaga ang dating assistant kong mahilig akong batiin tuwing umaga? Mahirap paniwalaan. But somehow, beyond those dirty clothes and rotten appearance, nakikilala ko ang batang minsan na ring nangarap na makatulong sa Eastwood.

Humakbang ako papalapit sa salamin. Nakatitig lang sa akin si Epi, ngunit walang emosyon ang mababakas sa kanyang mukha. He started pounding on the thick glass, trying to attack us. Malas nga lang niya na plexiglass ang salamin. It's tensile strength and durability is almost as reliable as bullet-proof vest.

"Anong nangyari sa kanya?"

Napabuntong hininga si Dr. Burnham na para bang kanina niya pa iniiwasang sagutin ang tanong na 'yan. He looked at Epi, disappointment in his eyes. "Hindi na kayang kontrolin ng mga pulis ang pagkalat ng virus, Levithian... Nang dalhin siya dito sa ESO, sinubukan niya kaming kagatin. He was like an...animal---too violent and dangerous. Kahit ang mga eksperto natin, hindi na kayang bigyang-paliwanag ang ginagawa ng virus sa body cells niya."

"Let me guess, it kills his brain? Katulad ba ito ng zombie disease ng mga hayop? I've read an article about it a few months ago," ibinalik ko ang atensyon ko kay Epi na ngayon ay paulit-ulit na inuuntog ang ulo sa pader. Blood smeared the white wall. "Baka pwede natin 'yon gamiting 'link' para makahanap ng lunas, or atleast a vaccine to prevent it."

True enough, some researchers discovered a type of fungus that infects cicadas. Sa oras na makapasok ang mga ito sa katawan ng insekto, awtomaking nakakalas ang mga paa at ari ng cicadas. Kahit na ganon, tumataas ang libido ng mga apektadong insekto at sinusubukan nilang makipag-siping sa kahit na anong bagay o insektong ma-"encounter" nila bago mamatay.

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon