DTU2: VIGINTI DUO

588 37 3
                                    

"A-Anong nangyayari?!"

My heart pounded wildly against my ribs as I watched the dots multiply as each second passed. Dumarami ang nasasagap na paranormal energies ng Paranometer, at hindi lang ito basta-basta. Sa huli kong bersyon nito, nakakaya lang niyang i-detect ang malalakas na enerhiya ng mga maligno. Vampires, werewolves, witches, and even...

"Z-Zombies."

"Meow."

Binalingan ko si Newton na nakatitig pa rin sa screen ng Paranometer. Pagak akong natawa, "Baka may sira lang ang Paranometer, Newton. H-Hahaha! Alam mo namang matagal na rin 'tong 'di nagagamit, 'di ba?"

"...."

"H-Hindi ba?" Anak ng protons! Kinakabahan na talaga ako sa mga pangyayari.

BEEEEEEEEEEEEEEP!

Huminga ako nang malalim at mabilis na pinatay ang imbensyon ko. Ngayon ko lang napansin na nanginginig na pala ang mga kamay ko nang ipatong ko muli sa desk ang Paranometer. For a few seconds, I stared blankly at the screen.

'Gumana ito nang maayos kanina sa halimaw... At hindi pa ito nagloloko mula nang maimbento ko ito.'

Huminga ako nang malalim at marahang inuntog ang ulo sa lamesa. Hindi na ako nag-abala pang mag-angat ng tingin habang kinakausap ko ang alaga ko. "What the fuck are we gonna do, Newton? Wala akong ideya kung bakit nagkakaganito ang lahat. Ang daming misteryo. Nakakagago na talaga... I'm a scientist, not a detective, for pete's sake!"

Yup. May galit talaga sa'kin ang mundo.

"Meow."

Naramdaman ko na lang ang pagtapik sa'kin ni Newton. Ilang sandali pa, dinambahan niya ako sa ulo na agad kong ikinairita. I frowned and lifted him up until we were at eye level.

"Hoy, sabihin mo... May alam ka ba sa mga nangyayari ngayon?"

Nakatitig pa rin sa'kin ang misteryosong mga mata ni Newton. Ganito ba talaga tumitig ang mga pusa? Parang may gusto talagang sabihin sa'kin si Newton eh.

"Meow!"

Lalo akong napasimangot. At sa hindi inaasahang pagkakataon, napadako ang mga mata ko sa magulo kong lamesa. There, I recognized something from the pile of papers. Mabilis kong ibinaba si Newton at kinuha ang disenyo sa isang imbensyong naisip ko noong isang araw. It was a rough sketch, and the list of materials were illegibly written at the bottom.

"Meow."

Napalingon ulit ako kay Newton. Napabuntong-hininga na lang ako at lumawak ang ngiti ko, "Newton, puntahan mo sa baba si mama. Sabihin mo sa kanyang timplahan ako ng kape dahil magpupuyat ako ngayong gabi!" I pumped my fist in the air. The fire of passion and determination surging through me.

'Kaya 'to! Walang imposible!'

Para bang gusto na akong irapan ni Newton, "Meow..." At naglakad na siya papalabas ng silid.

Kung paano niya kakausapin si mama sa pamamagitan ng "meow", hindi ko na muna gustong alamin. Sa ngayon, poproblemahin ko muna itong panibago kong imbensyon.

*

"Algea?"

Nagtakip lang ng unan sa ulo ang dalaga.

"Psst! Algea!"

"Damn you, Levi... Five minutes pa." Sabay hikab at pilit akong sinisipa paalis ng higaan. I smirked and turned to my cat, "Newton? The secret weapon, please?" Walang imik namang inusog ni Newton papalapit sa'kin ang megaphone na nakita ko sa kabinet ni mama kanina habang naghahanap ako ng alambre.

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon