UNDEVIGINTI

1.6K 109 8
                                    

Algea told me everything.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga natuklasan ko. I always wanted to find out how this girl died two years ago, but something was definitely wrong. Napaisip ako noong sinabi niyang sira ang brakes ng sasakyan kaya hindi niya nagawang huminto. Ang nakakadismaya pang isipin, mayroon siyang pagkakataong makaligtas.

If only the brakes worked, hindi sana siya namatay noong gabing iyon. Buhay pa sana siya sa mga sandaling ito..

"Meow."

Napatingin ako sa pusang nakapatong sa study table ko. Newton sat in front of me, his cerulean blue eyes were haunting. Para bang nangungusap ang mga ito. Napangiti ako nang balingan ni Newton ang orasan.

"You're right.. I need some rest. It's a big day tomorrow, afterall."

Mabuti na lang wala rito sa kwarto ko si Algea. She decided to lock herself in the guest room and spend some time alone. Hindi ko alam kung gusto niya lang talagang magpahinga o gusto niya lang talagang mapag-isa matapos niyang maalala ang pagkamatay niya. Hindi ko na alam. At hindi ko na kailangang malaman pa. I yawned and headed to the bed.

Napatingin ako sa Paranometer na nakapatong sa kama ko.

She doesn't need to know about this..

Bukas, dadalhin ko siya kay Professor Lopez.

I will be famous in no time.

*

"Sino ba ang hinihintay natin dito, Levi?"

Dumako ang mga mata ko kay Algea na nakaupo sa tabi ko. She had a jacket with its hood on, and some light make-up to conceal her paleness. Delikado na, at baka may makapansin sa kanya. The last thing I want is having civilians find out that there's a zombie in the coffee shop. Baka tuluyan na silang magwala dahil sa takot.

Confusion graced her face and I had to push away the guilt in my stomach. "A friend of mine. He just wanted to see you."

Nanlaki ang mga mata niya sa gulat. "SEE ME?! Are you fucking insane?! Malalaman niyang isa akong----"

"Shh!" Mabilis kong tiningnan kung may nakakarinig ba sa amin. Napabuntong-hininga ako at hininaan ang boses ko, "Stop asking too many questions. You trust me, right?"

Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata ni Algea. Pero kalaunan, napabuntong-hininga siya at marahang hinawakan ang kamay ko. Bahagya akong napaurong sa ginawa niya. This is..awkward. Napalunok ako at nagtama na naman ang mga mata namin. I felt her hazel eyes distorting my thoughts again. Those sinfully gorgeous hazel eyes.

"I trust you, Levi."

Well, I don't trust myself anymore, Algea. And you shouldn't too.

Umiwas ako nang tingin dahil pakiramdam ko mali 'tong paglilihim ko sa kanya. Natatakot akong kapag nalaman niyang gagamitin ko ang existence niya para mapatunayan kina Professor Lopez na gumagana ang imbensyon ko at kalaunan ay sumikat, baka mas lalo lang siyang hindi makipag-cooperate sa'kin. And I can't allow that. Kailangan ko siya para matupad ang pangarap ko.

Tutal, pagkatapos naman ng lahat ng ito, tutulungan ko siyang mamatay ulit. She wouldn't even suspect anything. At siguro nga, may dahilan kung bakit kami pinagtagpo ni Algea.

At iyon ay para matupad ko ang pangarap ko. Simple as that, right?

'You are fucking selfish, Levi', a part of my brain said.

Napasimangot ako. I don't fucking care anymore. There is no time to show weakness.

Nang tumunog ang bell sa may pintuan, kaagad kong nakita ang bultong papalapit sa amin. Professor Lopez clumsily stumbled into the coffee shop and made his way towards our direction when he saw me. Lumawak ang ngiti ko. Ito na. Ito na ang pagkakataon kong patunayan ang sarili ko!

"Good morning, Professor!"

"Ah. Levi, I see you're here early.. Nasaan na yung-----"

Napahinto siya sa pagsasalita nang mapansin ang babaeng katabi ko. Halos lumuwa ang kanyang mga mata nang matitigan nang maayos si Algea. Algea frowned, clearly uncomfortable with the way Professor Lopez examined her.

Nakita ko ang takot at pagkamangha sa mukha ng propesor. Natataranta siyang naupo sa tapat namin. He leaned in and studied Algea on a closer view.

"LEVI! I-Is she really...?" Baling niya sa akin na para bang hindi pa rin makapaniwala sa nakikita. I nodded happily and cleared my throat. Masama ang tingin sa akin ni Algea. Para bang naghihinala na siya sa mga ikinikilos ko. Psh.

"Professor Lopez, I would like you to meet Algea Castillo.."

Pinindot ko ang "power botton" ng Paranometer na nakapatong sa mesa. Tulad ng inaasahan ko, biglang umilaw ang screen nito. It sensed Algea's paranormal energy at inilahad ang coordinates ng coffee shop. I even made modifications, making the Paranometer beep loudly when a paranormal entity is near.

Sa kasong ito, halos mabingi kami sa tunog na nililikha ng Paranometer ko.

Alam kong naiintindihan ng lalaking kaharap namin ang nangyayari.

Napanganga si Professor Lopez.

"H-Hindi maaari...t-totoo nga.."

I grinned triumphantly and adjusted my eyeglasses. Ayoko mang magyabang sa harapan ni professor, pero sa pagkakataong ito, hindi ko talaga maiwasan. "Well, professor? What did I told you?" Hindi ko na pinansin ang nagtatakang tingin na ipinukol sa akin ni Algea. "Levi, what's happening here?" Her opinion is the least of my worries now.

Biglang sumeryoso ang mukha ni Professor Lopez. Hinawakan niya ang gilid ng mukha ni Algea na ikinagulat naman ng dalaga. Maging ako, nagtaka. He then tilted her head and exposed the black veins on Algea's neck. Ngayon ko lang napansin na mas lumitaw na pala ang ugat niya roon.

Ano bang ginagawa ni professor?

He sat back down in his chair and smiled approvingly at me. At para bang nakita ko na ang pintuan papasok sa ESO sa kanyang mga mata. Kinakabahan kong hinintay ang mga susunod niyang salita.

I turned off the Paranometer.

"Congratulations, Levi. Your invention made a spectacular discovery that will be the breakthrough of scientific and medical advancements.."

Tinapik niya ako sa balikat.

"Would you like to work with us in the ESO Reaserch Compound?"

Walang mapaglagyan ang tuwang nararamdaman ko. Sa wakas! Nagbunga na ang ilang taon kong paghihirap. I am finally being admitted into the Eastwood Scientific Organization. Magiging isang tunay na scientist na ako! Shit.

"Y-Yes, professor!"

Sa gilid ng mata ko, nakita kong kahit na naguguluhan si Algea, she forced a smile at me.

But I was too happy to give a damn about her. Sisikat na ako..

So why should I care?

---

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon