DTU2: VIGINTI QUINQUE

530 33 1
                                    

Footsteps and silence.

Those are the only sounds I can hear in this godforsaken place. Huminga ako nang malalim, kaso parang wala pa rin itong silbi. It feels as if somebody took all the oxygen away. Inayos ko ang salamin ko sa mata at tinitigan ang mga makinaryang nadaraanan ko.

Several robot drones battled each other inside a chamber, while a human-like robot monitored them. Hahanga na sana ako, kaso paano ka kikilos kung nakasunod sa bawat galaw mo ang CCTV cameras na nagkalat sa paligid?

'I've read all the paranormal crap, but I have to admit, this place is a bit too creepy for my beloved Science.'

Napasimangot ako, "At kailan mo nga ulit nilagyan ng side extension ang ESORC? This place isn't in the research compound's floor plan."

Bahagyang huminto sa paglalakad si Marishel at kumindat sa'kin. "It's for me to know, and for you to just shut up, Levithian. Malapit na tayo sa bago mong opisina." Her charcoal eyes held mischief in them. The kind that I should honestly be avoiding at a time like this.

"Tsk. A head scientist shouldn't be keeping secrets from her employees."

"Oh? Well, as much as I'm concerned, you shouldn't even be questioning me in the first place."

Huminga na lang ako nang malalim at walang imik na sumunod sa kanya. 'Wala rin namang saysay ang makipagtalo.' Her black stilettos made an eerie noise on the tiled floor. Habang papalapit na kami sa destinasyon namin, 'di ko maiwasang maalala ang mga nangyari kanina.

My mom's alive---miraculously.

Nagpapasalamat na lang ako't hindi pa ako binabawian ng karma sa buhay. The moment she was transferred to the ICU, I received a call from the head scientist of ESO, the cunning and manipulative Ms. Marishel Patricio...

"You have thirty minutes to meet me at my office, Levithian. Don't make me wait."

Iyon mismo ang sinabi niya kaya't nang masigurado kong nasa stable na kalagayan na si mama, nagmadali akong bumalik sa opisina ng dalaga. From there, she led me to the southern-most part of the building---na isa palang extension ng buong research compound.

'Bakit ba wala sa mapa ang lugar na 'to?' It's fucking frustrating to think that I've studied all about ESORC, only to find out that it has more secrets to offer.

A scientific paradise...not anymore.

Humikab ako't walang buhay na sinilip ang cellphone kong kanina pa nagvi-vibrate sa bulsa ko. Napailing na lang ako nang makita kong si Algea pala ang tumatawag. Anong oras na ba? Just when I was about to answer it, Marishel stopped me.

Her sharp eyes pinned me in place, "Alam nating dalawa na masamang ideya ang magkaroon ka pa ng koneksyon sa babaeng 'yan. She'll hate us for what we know.."

Tinutukoy niya panigurado ang laman ng file. The Human Patchwork experiment. Huminga ako nang malalim at sinamaan ng tingin ang head scientist, "She's my girlfriend."

"Don't give me that shit. Alam kong kanina mo pa dine-decline ang mga nauna niyang tawag..." Marishel smirked, "You're having doubts, aren't you? Poor Levi... Akala ko ba matalino ka? Akala ko ba mahal mo siya?"

"Wala kang alam, si---!"

"Wala? Oh, please, I wasn't chosen the head scientist for nothing. Makakasira sa samahan ninyo ang impormasyong alam natin, Levi. It can emotionally kill Angel Constantino...if that's her real name, that is." Isang makahulugang tingin ang ipinukol sa'kin ni Marishel bago siya pumasok sa loob ng isang silid.

'Alam ni Marishel... Alam niya ang lahat.'

I cursed under my breath, and emotionlessly stared at the screen.

[Angel calling...]

DECLINE.

'I'm sorry, love.'

Huminga ako nang malalim at pumasok sa loob. Madilim ang paligid at halos hindi ko na maaninag ang tatlo pang lalaking nakaupo sa may sopa. Matatanda na sila't halatang matagal na sa larangan. Marishel smiled at me and handed me a laboratory coat---this time, with a red logo embroidered on the left chest area.

The fabric felt foreign under my touch. Is this really happening? Well, bullshit.

"Welcome to the re-established Project Beta, Levithian James. Professor Samuel Castillo would be proud of you."

A round of applause almost made my ears bleed.

Sa sinabi niyang iyon, nakumpirma na ang hinala ko. Ang extension na ito ng ESORC nga ang magiging panibagong kuta ng Project Beta, habang mga dating kasapi nito ang mga lalaking nakaupo sa sopa na abala sa iniinom nilang tsaa.

At nang matitigan kong maigi ang nakaburdang logo sa labcoat, noon ko lang napansin ang mga salitang:

PROJECT BETA HEAD SCIENTIST
CASTILLO, SAMUEL

Mukhang bukod sa mga problema, mamamana ko na rin ang lumang laboratory coat ng taong minsan ko nang inidolo.

Oh, the irony.

---

Edited.

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon