QUINQUE

2.1K 146 13
                                    

Now, this is troublesome.

Hindi ko pwedeng ipuslit si Algea sa front door dahil may 70% chance na makita kami ni mama. Kung sa back door naman kami dadaan, maaaring mahuli rin kami. Gusto ko sana sa bintana na lang ng second floor, ang kaso wala naman kaming aakyatan at wala ako sa mood na magpaka-Spiderman.

"Well, this sucks."

I sighed heavily and grabbed Algea's hand. Hindi ko na pinansin ang panlalamig ng kamay niya. I doubt there's any blood left in her body anyway.

"Saan tayo dadaan?" She inquired.

"Back door. It's the lesser evil." Sana nga lang hindi maisipan ni mama ang paglilinis ng kusina namin. She has this weird habit to do house chores at the crack of dawn and it's irratating!

"Meow." Oo daw, sabi ni Newton.

Halos mangapa kami sa dilim habang naglalakad kami papunta sa likuran sa pinto. Para kaming mga secret agents na sinisilip si mama mula sa bintana, sinisigurado naming hindi niya kami mapapansin. Pakiramdam ko akyat-bahay ako sa sarili kong pamamahay. Psh.

"Why can't we just walk through the front door?"

I frowned at Algea. "Great idea! And you should even tell the whole world that you're suppose to be dead two years ago!" Kindly note the sarcasm.

Sumama ang tingin niya sa akin. Mukhang nagiging hobby na niya yan.

"Stop being such an idiot! Pwede naman kasing sa harapan na lang tayo ng bahay dumaan. Hindi naman tayo mapapansin ng mama mo."

I narrowed my eyes at her. Why is she so stubborn?! Mas kumplikado pa siya kaysa sa Periodic Table of Elements!

"Are you not listening to me? Mahuhuli nga tayo ni-----!"

"Levi? Anak, ikaw ba yan?"

Shit. Shit. Shit!

I frantically pushed Algea down behind a rose bush beside me, making sure that she was out of view. Nilingon ko ang direksyon ng pinto na ngayon ay pinagmumulan ng liwanag na nanggagaling sa kusina. My mother stood at the door frame, squinting her eyes to see me better.

Napalunok ako. Bahala na.

"M-Ma.. O-Opo."

Nakita ko ang gulat at pagtataka sa mukha ni mama. I must really look like an idiot now. Ikakahiya na talaga ako ni Aristotle.

"Eh, bakit ka nandyan? Anong ginagawa mo sa labas ng ganitong oras?"

Think, Levi..think!

"Um.. Nagpapahangin lang po ako. Bigla kasing nag-decrease ang oxygen sa hangin doon sa kwarto k-----ARAY!"

Napadaing ako sa sakit nang maramdaman kong kinagat ni Algea ang kamay ko. She was concealed behind the roses so I haven't noticed. Agad ko siyang sinamaan ng tingin. What the heck was that for?! Pero isang pilyang ngiti lang ang tinugon niya sa akin.

"May kasama ka ba, 'nak?"

Bigla na naman akong kinabahan nang marinig ko ang tanong ni mama. My mother eyed me suspiciously and walked closer to where I stood. Napalunok ako. "A-Ah, ma.. Wala po.."

Pero huli na ang lahat.

With my mother a few feet away from us, Algea stood up from her hiding place and flashed her the sweetest smile I have ever seen--well, for a zombie. Patay na talaga!

"Hello, Ma'am. You must be Levi's mother. It's a pleasure to meet you, tita. I'm Angel."

WHAT ARE YOU DOING ALGEA?!

Inihahanda ko na ang pag-amin ko at pagpapaliwanag ng tungkol sa mga zombies, nang biglang sumilay ang isang ngiti sa labi ng mama ko. She extended her arm and shook hands with Algea. "Hello, Angel! Kanina ka pa ba itinatago ng anak ko diyan? Naku, pagpasensyahan mo na."

"Okay lang po."

Literal na akong napanganga.

Pakiramdam ko hindi na kayang mag-process ng utak ko sa mga nagaganap ngayon. Mayamaya pa, si Algea na mismo ang humingi ng paalam na pumasok muna sa bahay namin dahil pagod siya. At tulad ng inaasahan ko (kapag may kinalaman sa babae), pumayag si mama. At habang naglalakad kami papasok ng bahay, narinig ko pang bumulong si mama sa'kin, "Buti na lang nakipag-break ka dun kay Vanesa! Mas boto ako kay Angel, 'nak."

'Ma, si Vanesa ang nakipaghiwalay sa'kin'. Gusto ko sanang itama, pero hindi na lang ako sumagot. Hanggang ngayon, nabibigla pa rin ako sa mga nangyayari.

Nang paakyat na kami sa may hagdan (na pinapangunahan ni Newton), I grabbed Algea's wrist and asked her, "Paano mo nakontrol ang nanay ko?" Paturo naman please.

She smirked. "It's not controling, you dimwit. It's, 'using common sense'."

Siguro mukha pa rin akong batang naliligaw ng landas, kung kaya't nagpaliwanag pa si Algea, "Habang sinisilip natin ang mama mo kanina sa mga bintana, I noticed she was struggling to read a letter she was holding. I concluded that she had poor eyesight at mas nagtugma ang hinala ko nang mapansin kong nakapatong sa ulo niya ang eyeglasses niya. Nakalimutan siguro niyang doon niya nailagay."

Oo nga pala. Madalas nga palang mangyari kay mama ang bagay na yun.

Algea scoffed. "Looks like 'frogetting where your eyeglasses are' runs in the family.. Anyway, that's how I saw an opportunity to talk to your mom. Madilim ang paligid at wala siyang suot na salamin, kaya sa paningin niya, I'm just some random human girl who's hitting it with her son in the backyard."

Napabuntong-hininga ako. To say that I'm relieved was clearly an understatement. Kamuntikan na kami dun. We made it out this time, but next time won't be too easy. I need to prevent my family from discovering that I'm hiding Algea here.

I led her to a guest room. Nang buksan ko ang pinto, Algea broke the silence, "Nasaan ang kwarto mo?"

Pakiramdam ko namula ang mukha ko. What is it with girls wanting to see my bedroom-laboratoy?!

"That question is irrelevant."

She raised me an eyebrow. "How can I eat your brain while you sleep if I don't know where your room is?"

Napaatras ako. Oh shit! KAKAININ NGA NIYA ANG UTAK KO?! Pero bago pa man ako makatakbo papalayo, biglang tumawa si Algea. "HAHAHAHA! Your face is priceless!"

Nang mapagtanto kong nagbibiro lang siya, naiinis ko siyang iginiya sa loob ng guest room. I adjusted my eyeglasses and pointed towards the door of the bathroom. "Use all the soap and shampoo you need. Seriously. Kahit nga ubusin mo na."

Algea frowned at what I said. "Wow. Thanks for implying that I smell like the apocalypse, nerd."

Tumalikod na akong naglakad papunta sa kwarto ko. "Yeah. Don't mention it." I heard the guestroom's door closed behind me.

Nang makarating ako sa kwarto, agad akong nagtungo sa laptop ko at hinanap ang website ng ESO o ang Eastwood Scientific Organization. When I was I kid, I've been writing letters to them, specifically to Professor Samuel. Gusto kong sumali sa research nila kahit na alam kong halos imposible.

Pero ngayon, mukhang matutupad na ang mga pangarap ko.

---

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon