DTU2: VIGINTI QUATTOUR

565 36 2
                                    

Ethan Pascua hated walking down the busy streets of Eastwood on a Tuesday afternoon. Palagi kasing abala at nagmamadali ang mga tao tuwing ganitong oras. 'Mga taong ayaw huminto at laging nagmamadali. Poor souls, they don't even know what they're missing..'

"They don't even know what's happening." Alertong sinuri ni Ethan ang mga nilalang sa kanyang paligid. Nakatayo siya sa gitna ng sidewalk at pinapanood ang mga aninong dumaraan sa kanyang harapan.

Nahinto lang siya sa pagmamasid nang mapansin ang isang nilalang na paika-ika ang lakad. Black veins coming out of his neck as he inched out of an alley. Sa tapat ng eskenitang iyon, naglalaro nang mag-isa ang isang batang babae.

The zombie walked towards his victim. A look of hunger as he grabbed the girl.

"AAAAAAHHH"

"Damn protons!"

Mabilis na kumilos si Ethan at tinakbo ang distansya. Maliksi siyang umilag sa mga taong nakaharang at pawang naglalakad nang nakasalpak pa ang earphones sa kanilang mga tainga. 'Bullshit! They can't hear anything!' Kitang-kita ni Ethan ang pagpalag ng batang babae habang kinakaladkad siya ng bangkay papasok sa eskinita. Mahina siyang napamura at kinuha ang stun gun sa bulsa niya.

"Die, you fucking zombie!"

Marahas niya itong sinaksak sa noo ng bangkay na naging dahilan upang lumikha ito ng malalim na sugat. Kinuha ni Ethan ang batang umiiyak at pinalayo ito. "Stay there!" Ethan Pascua then pressed the button and a shock of electricity surged through the undead.

Kitang-kita ni Ethan ang panginginig ng buong katawan ng zombie kasabay ng pagbagsak nito sa lupa. Kinuha niya ang stun gun at pinunasan ang dugong nagmantsa rito. Ethan glared at the corpse when it started moving again.

"This is exactly why I hate zombies."

Mabilis niyang kinuha ang double-edged knife na nakatago sa kanyang combat boots at sinaksak ang dibdib ng bangkay. Ibinaon niya pa ang patalim hanggang sa makita niyang hindi na ito kumikilos. Napangiwi pa ang binata nang makita ang paglabas ng mga uod sa bibig ng zombie. Naaagnas na ang amoy nito at para bang may tapyas pa ng kuko ang gilid ng kanyang mukha.

Huminga nang malalim si Ethan at hindi na nag-abala pang kunin ang patalim. "This situation is getting out of hand. What the fuck is Levi doing, anyway?!"

'Pero parami na sila nang parami.. hindi magtatagal at kakalat na ang virus sa buong bayan. In short, we're all gonna die.. Tsk!'

Magmula nang makatakas ang halimaw mula sa laboratoryo, unti-unti nang napansin ni Ethan ang pag-iiba ng paligid. Unti-unti nang umaatake ang mga bangkay at parami na rin nang parami ang mga ito. Hindi pa ito nababalitaan sa media, but Ethan Pascua knows that it's just a matter of time before another zombie outbreak happens.

"Another zombie apocalypse and our hero, the almighty Levithian Albert James, is missing in action! Damn that bastard." Naikuyom na lang ni Ethan ang kanyang mga kamao. Akmang tatawagan na sana niya sina Levi at Algea nang marinig niya ang malalalim na paghingang nagmumula sa sulok ng madilim na eskinita.

"Huh?"

Agad niyang nilingon ang batang babae. Umiiyak na ito at para bang hindi mapakali. "Ayos ka lang, bata?" Nilapitan ito ni Ethan at sinuri. Just then, he noticed the bite on her arm.

Blood.

Nanlaki ang mga mata ni Ethan. Humakbang siya papalayo sa batang nagmamakaawa na. Her dull eyes stared at him as she said in a shaky voice, "K-Kuya, w-wala namang mangyayari sa'kin, 'di ba?" Habang pinipilit niyang indahin ang sugat.

"...."

"Kuya?"

Huminga nang malalim si Ethan at naglakad papunta sa bangkay ng zombie na umatake sa bata. Hinugot niya ang patalim sa dibdib nito at muling nilapitan ang bata. Isang malungkot na ngiti ang bumakas sa mga labi ni Ethan.

The little girl's eyes widened in horror as she saw the bloody knife.

"P-Para saan po 'yan? W-Wag po! Please..." Humahagulgol na siya ng iyak. Unti-unti nang kumakalat ang itim na mga ugat sa kanyang braso.

Ethan nonchalantly said, "Ilang sandali lang mula ngayon, makikigulo na naman ang mga pulis. We don't want them to have any trouble, do we?"

"P-Pero---!"

"I've seen this before. There is no antidote... I-I'm sorry."

Kasabay nito ay ang pagsaksak niya sa batang babae. Napapikit na lang si Ethan habang sumisigaw sa sakit ang bata. The blade burried deeper into her heart as her life slowly seeped out of her in droplets of blood. Nang mawalan na ng buhay ang bata, mabilis niyang kinuha ang maliit na bote sa bulsa at pinuno ito ng dugo.

He needed this for samples.

'I just wish I won't do something like that again.'

*

Kanina pa nagpapalakad-lakad si Levi sa labas ng emergency room. It has been two hours since the doctor called him up in ESORC. Kahit noong kinakausap siya nito, the aspiring scientist couldn't comprehend anything he was saying aside from the fact that his mother was severely injured.

'Kung nandito sana si Diana, alam niya kung anong gagawin.'

"I've messed up.. wala akong kwentang anak." Bakit nga ba kasi hindi niya inasikaso ang stock ng pagkain nila sa bahay? He should've realized sooner that his mother was sick and was in no condition to go out yet.

Ayan tuloy at naaksidente pa si Mrs. James nang dahil lang sa gusto nitong mamili ng pagkain nila sa hapunan.

'Bullshit, Levi! You're a fucking idiot!' paulit-ulit niyang mura sa sarili.

Napabuntong-hininga na lang ang binata at nanghihinang naupo sa waiting area. He couldn't lose his mother. He couldn't lose the only family he has left. Kumalam ang kanyang sikmura, pero hindi niya maatim na kumain habang ang kanyang ina ay inooperahan.

"Ano nang gagawin ko ngayon?"

Napahilamos na lang siya ng mukha gamit ang nanginginig niyang mga kamay. Levithian James stared blankly at the white walls. Tanging ang ingay na nagmumula sa maliit na telebisyong nakasabit ang maririnig sa buong pasilyo.

"---the police have found two corpses in an alley. The bodies were identified as Robert Dela Cruz, an elderly man who had been reported missing since yesterday while the other was an orphan living in the residential area. What's odd, is that both victims have black veins leaking throughout their bodies. However, the rotten smell caused investigators to doubt their time of death. As of now, the Heraldic Eastwood Local Police is clueless about---"

Black veins? Rotten smell?

Sandaling nag-angat ng tingin si Levi at pinagmasdan ang mga larawang ipinapakita sa flash report. He smiled bitterly.

"Zombies... Mukhang kumakalat na ang virus." Pagak siyang natawa kahit na alam niyang wala namang nakakatawa sa sitwasyon. Mukhang parami na nang parami ang mga biktima.

'That's the irony. You're trying to be the good guy, but life just has to fuck up everything.'

Naalala muli ni Levi ang file na nabasa niya kanina. Alam niyang hindi niya kakayaning sabihin ito kay Algea, not with everything she's been through. Naikuyom na lang ni Levithian James ang kanyang mga kamay at napabuntong-hininga.

Unconsciously, he fetched his phone from his pocket and dialed a certain number.

"I knew you'd call me."

Levi smiled.

"Ms. Patricio, I accept your offer."

---

Edited.

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon