DTU2: QUINDECIM

720 41 0
                                    

After my classes, I immediately waited outside Algea's classroom. Napatingin ako sa relo ko. Thirty minutes pa pala bago matapos ang last period nila. Huminga ako nang malalim. "Now, what am I gonna do by then?"

Biglang lumitaw ang imaginary lightbulb sa utak ko. Mabilis akong lumingon nang kaliwa't kanan para masiguradong walang tao. When I made sure the coast is clear, mabilis akong sumalampak sa gilid ng hallway at kinuha ang laptop sa bag ko. After switching it on, I clicked my way towards a certain document and grinned at the screen.

"Levi, the writer muna ako ngayon!"

I barely have time to write these days. Ganoon siguro talaga kapag pabalik-balik ka sa ESO para asikasuhin ang mga public release ng mga imbensyon at files ng ibang senior scientists. Speaking of which, may booksigning event pa nga pala ako next week!

'Wala na talagang pag-asa ang schedule ng isang henyong katulad ko.'

Huminga ako nang malalim at hinayaang dumaloy ang mga ideya ko sa istorya.

This story features a dystopian society ruled by demons. Sa kwentong ito, isang ex-convict ang bida na piniling mamuno sa rebelyon. The plot is a bit complicated, but with a little luck, this might just be the next biggest hit after my success with "Dating the Undead"! Huminga ako nang malalim at binasa ang gawa ko...

"...the demons chained him to the wall and laughed at his suffering. Just then, several witches swooped down and set their torches ablaze, scattering a flare of vibrant colors in the process. The sky above was a gloomy hue of black and gray, with spots of red that resembled blood. He sighed and gazed up the heavens for---"

"OMG! KUYA LEVI! Pa-autograph naman!"

"Hala! Kuya Leviiiiiii! Fan mo po ako! Pwedeng pa-picture?!"

Nanigas ako sa kinauupuan ko nang bigla na lang akong pinalibutan ng mga estudyante. Nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang nila akong dinumog. I smiled nervously at them when they started pushing for an autograph. "Err.. Punta na lang kayo sa event next week?"

"KUYA LEVIIIIIII!"

Pero mukhang wala talaga akong kawala sa kanila. Napabuntong-hininga na lang ako. 'Damn it! I knew I should've just waited outside the campus!' I clutched my laptop at my side when they started "attacking" me. Kinukuyog nila ako na parang zombies na pinag-aagawan ang huling utak sa mundo! Okay, not the best comparsion, but I think you get the idea.

NASAAN NA BA KASI SI ALGEA?!

"Tulong! T-Tulong!"

Wala man lang bang sasagip sa isang hamak na henyong katulad ko?!

Bago pa man ako madaganan ng mga nagpapa-autograph, naramdaman ko na lang na hinahatak na ako papalayo. Tumakbo kami papalayo hanggang sa tuluyan na naming matakasan ang fans ko (awesome, I know). Nang makita kong maigi ang tagapagligtas ko, lumawak ang ngiti ko nang bumungad sa'kin ang nakasimangot na mukha ni Algea. She crossed her arms over her chest and rolled her eyes at me, "Mukhang famous ka na talaga ah. Dapat na yata kitang ikadena, nerd. Ayoko ng kaagaw."

I smiled in appreciation, "Nah. I'm all yours, zombie girl. By the way, what took you so long? Kanina pa ako kinukuyog ng fangirls ko doon!"

Algea sighed as I took her bag from her, "Kinausap pa ako ng prof namin. Sinasama nila ako sa Science Fair bukas. Getting away from them won't be easy considering Hazel will be keeping watch on me 24/7, but I can manage. Naayos mo na ba ang plano natin bukas?"

"Bukas?" Teka, anong petsa na ba? Nang hindi umimik si Algea, ninenerbyos akong tumawa habang naglalakad kami sa may lobby. "Ah, oo naman! Um.. I just need to fix a few things first." Bakit ba parang ang bilis lumipas ng mga araw?! Anyway, magagawa ko 'yan ng paraan. Hindi ako tinaguriang henyo nang para sa wala!

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon