DTU2: DUO

1.1K 59 1
                                    

The drive went by faster than I expected. Ganoon siguro talaga kapag lumilipad ang utak mo sa ibang dimensyon. All throughout the trip, I kept glancing at my cellphone as if it were a nuclear bomb ready to explode.

Napabuntong-hininga na lang ako. 'I'm just being paranoid. It's not like Professor Samuel's gonna come back from the dead and take his revenge on us, right?' No matter how much of a twist that is, malabong mangyari. Pwera na lang kung mabubuhay ulit ang tumiwalag nang Project Beta.

"Nerd, konti na lang at magseselos na 'ko sa cellphone mo. Ano ba talagang problema?"

Namutla ako nang bigla akong nilapitan ni Algea. The stern look on her face made me even more nervous. "May inaasikaso lang ako sa trabaho. Alam mo naman ang buhay ng isang henyo, dinaig pa ang mga celebrity," pagak akong natawa.

Hindi na niya kailangang malaman na may nagbabanta na naman sa'min. Baka naman wrong sent lang 'yong nagtext? Imposible nilang malaman na si Angel Constantino ay ang namatay nang si Algea Castillo!

Sikreto lang ang kanyang identity. Kapag nalaman ito ng buong Eastwood, malamang ay magkagulo na naman ang lahat.

Hazel eyes glared at me. "Levi, ayan na nga ba ang sinasabi ni tita eh. Can't you try to not worry about ESORC for once and just relax?" Biglang gumuhit ang pilyang ngiti sa mga labi niya. Napalunok ako nang pinadausdos niya ang kanyang kamay sa dibdib ko---downwards.

"...or do you have another idea of relaxation, Mr. Levithian James?"

Sigurado na akong pulang-pula na ang mukha ko ngayon. 'What in the name of atoms? Akitin ba naman ako?!' Damn this attractive woman!

She inched closer until I can feel her hot breath against my cheek.

"A-Algea, lumayo ka muna sa'kin.." My voice was strained.

"Hmm? What if I don't want to, love?"

"A-Algea, isa!"

"Dalawa, tatlo, apat. Marunong ako magbilang, nerd."

Mahina akong napamura at ako na mismo ang humakbang papalayo. Natawa nang malakas si Algea nang makita niya ang hitsura ko. Ngumiti siya nang inosente sa'kin at inilahad ang kanyang kamay, "No technology. Kalimutan mo muna ang reyalidad habang nandito tayo sa Genesis."

Tumango ako. May magagawa pa ba ako? Hay.

"Pasalamat ka't girlfriend kita."

"Aw. Salamat, nerd."

I reluctantly handed her my phone and watched her turn it off. Nang maitabi na niya ito sa dala niyang bag, nagsimula na kaming maglakad papasok sa teritoryo ng bahay-ampunan.

All my worries suddenly vanished when I heard the laughter coming from the playgrounds. Napangiti na lang ako nang makita ko ang mga batang naglalaro sa di-kalayuan. Nang makita nila kami, agad silang tumakbo papunta sa direksyon namin.

"ATE ALGEA! KUYA LEVI!"

Natawa na lang ako nang dambahin kami ng mga paslit. They all had these angelic smiles, free from the pain of reality. 'Maswerte sila. Hangga't nasa loob sila ng orphanage na 'to, matatakasan nila ang kalupitan ng mundo.'

"Uy, kamusta na? Ang tatangkad niyo na ah! Baka bukas makalawa, mas matangkad pa kayo sa'kin." Pagbibiro ko sa kanila. Kinarga ko naman ang pinakabata sa kanila. Stephanie giggled at what I said, "Kuya naman! Two weeks pa lang naman po kayo nawala. Na-miss namin kayo!"

The three-year-old kissed my cheek. Niyakap naman ako ni Emmanuel at hinatak patungo sa playground. "Kuya Levi! Tara, laro tayo!"

Inayos ko ang salamin ko sa mata, "H-Ha? Hindi ako----!"

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon