DTU2: VIGINTI UNUM

587 38 0
                                    

Nang makabalik kami sa Science Fair, nakahinga ako nang maluwag. In fact, I was too relieved to bother about the insulting theme and red balloons. Napalingon ako kay Algea na halatang hindi pa rin nakakabawi sa mga nangyari.

I smirked, "Well, that was fun, wasn't it?"

Sinamaan niya ako ng tingin. "What the fuck? Levi, pinasok natin ang underground laboratory ng Project Beta, nagnakaw ng flashdrive sa lumang opisina ni daddy at naka-one-on-one ang isang halimaw! Anong parte ang masaya dun, ha?!"

Nagkibit-balikat ako, "Yung parteng nakaligtas tayo." Totoo naman 'di ba? I mean, how many humans are given a chance to go on an awesome paranormal adventure and survive  the tell the tale? Well, not that I have any plans to tell anyone.

Pero baka gawin kong inspirasyon sa bago kong nobela. Yup, I'm a genius like that!

She sighed. "Point taken."

"Nababaliw ka na nga, James. Do you really find enjoyment in crazy things?" Nakasimangot na sabat ni Ethan the virus. Muntikan ko na talagang makalimutan na nabubuhay nga pala siya sa planetang ito.

"Tsk! Why wouldn't I? I've spent a good portion of my life studying paranormal phenomena!"

"Exactly the reason why you can't be a successful scientist," pang-aasar ng hudas naming kasama. "Walang scientist na half-paranormal geek."

Kalmado akong ngumiti---pero inaalala ko na kung saan ang address ni Ethan nang maregaluhan ko siya ng nuclear bomb mamaya. This creature irritates the hell out of me!

"Meow!"

Naantala lang ang pag-iisip ko nang biglang sumulpot sa pagitan namin si Newton. Para na namang may gustong ipahiwatig ang kulay asul niyang mga mata. Our feline companion hissed at Ethan before Algea picked him up. "Kawawa naman si baby Newton." Sabay kamot sa tainga ng pusa.

"Meow."

Napasimangot ako.

'Lucky cat. Very lucky, indeed...'

Nabulabog lang kami nang biglang magsalita ang master of ceremony ng programa. Being a stout scientist with a beard that resembled Santa Claus, Professor Llavore announced in a jolly voice, "Good day, young scientists! Bilang selebrasyon sa ating Science Fair, tinatawagan ko ang mga batikang local scientist natin para sa public release ng mga bago nilang imbensyon. First off, we have..."

Lumawak ang ngiti ko. Ito ang pinakamasayang parte ng programa. Taun-taon, lagi kong inaabangan ang mga bagong imbensyon ng mga scientist ng Eastwood. Last year, a physicist invented a device that can reduce air pollution within the ten-mile radius! Awesome, right?

At kung hindi ako nagkakamali, ngayon na rin ipapakita ni Dr. Burnham ang camouflage slash "Carmelion mask" na ginawa niya! I can't miss this---!

"Levithian James!"

Kaso bago pa ako nakapuslit papalayo, bigla kong naramdaman ang paghigit ni Algea sa kwelyo ng damit ko. She pulled me back, a stern look in her eyes. "At saan ka naman pupunta, nerd?"

"Err... I was about to do nerdy stuff, so if you mind---!"

"Levi, kailangan pa nating alamin ang laman ng flashdrive. You still have it, don't you?"

Napalunok ako nang maalala ko ang maliit na bagay na 'yon. Para bang bumigat ang laman ng bulsa ko. 'Ang files. Ang mga dokumentong itinatago ni Professor Samuel.' Napabuntong-hininga na lang ako. Ang hirap talaga maging nerd. Pero mas mahirap palang isakripisyo ang sariling kaligayahan para sa kapakanan ng Eastwood.

"Fine. Let me check on Magno, first." Pinindot ko ang maliit na button sa communication device. Pero lumipas ang ilang segundo na puro static lang ang narinig ko.

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon