DTU2: DUODETRIGINTA

510 33 3
                                    

"M-Magno?"

It was the leader of the Eastwood Paranormal Experts Society---Charlemagne "Magno" Augustine.

Hindi siya maaaring magkamali. 

'Pero anong ginagawa ng lider ng EPES dito?!' Naguguluhang isip ni Algea habang nakamasid sa tagapagligtas niya. The man clad in black outstretched his hand to her, "Tumayo ka na diyan kung ayaw mong malapa ng mga bangkay. Believe me, being a meal for those corpses is worse than suicide." 

'Tsk. Nagta-Tagalog naman pala siya.'

Napasimangot ang dalaga at sinamaan ng tingin ang lalaki. Her bitchiness is taking over again. "Bakit naman kita pagkakatiwalaan? Bigla mo na lang kaming iniwan  noong tumakas sa laboratoryo ang halimaw na may gawa nito!" Naalalang bigla ni Algea ang panibagong problema nila. The heartless monster that escaped Project Beta's underground laboratory.

Kinilabutan si Algea nang mabalikan ang hitsura ng halimaw. 'Pero---'

"Pft! Do you still want to live, miss?!"

BANG! 

Algea didn't even flinch when another bullet flew through the air behind her. Alam niyang nasa malapit na ang ibang zombies. Malamang ay naalerto ang mga ito sa tunog na likha ng baril kanina. Her lungs took in shallow breaths.

'Gusto ko pa nga bang mabuhay?' Napapikit sa inis sa Algea at tinanggap ang alok na tulong ng binata.

"Wag mong asahang pagkakatiwalaan pa rin kita pagkatapos nito!" Asik ni Algea habang tinatahak nila ang masukal na daan papunta sa sentro ng sementeryo. 'I can't believe I'm doing this. Ugh!' 

Behind her, the zombies were still chasing them. Nahihirapan mang tumakbo dahil sa lalim ng sugat, pinilit ni Algea na makalayo sa kanila. Nanoot ang sakit ng pagkakabaon ng ngipin ng bangkay sa kanyang binti. Dumanak ang dugo sa lupa.

"Takbo!"

BANG!

Mabilis silang nagtago sa likod ng isang lapida. Sinilip ni Magno ang kinaroroonan ng mga halimaw. Makalipas ang ilang sandali, napabuntong-hininga ang binata at ibinalik ang atensyon sa kasama. "The coast is clear---for now. We're not safe here with those fucking zombies roaming the cemetery. Tsk! Damn it."

Pero hindi na nakikinig si Algea. Mahihinang pagdaing ang kumawala sa bibig niya habang pilit pinipigilan ang pagdaloy ng dugo sa binti niya. Nahihirapan na ring siyang huminga. 'Ano ba 'tong nangyayari sa'kin?'

Tumalim ang tingin ni Magno sa kanya nang mapansin ang sugat. "You're bitten."

"W-Wala 'to..."

'Shit. Napansin niya...' 

Umiling ang binata at tinuro ang binti ng dalaga. Noong una ay hindi malaman ng dalaga kung ano ang gusto nitong ipakita, pero nang sumilay ang liwanag ng buwan sa kanila, noon lang napagtanto ni Algea ang  kulay itim na mga ugat sa paligid nito.

Black veins.

'No.'

Bumigat lalo ang kanyang nararamdaman.

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon