SEX

2.2K 152 11
                                    

Last night, I've search up Algea Castillo in the obituaries of my old collection of Eastwood newspapers. Nang sa wakas ay nahanap ko na ang pangalan niya, agad na kumunot ang noo ko nang malaman kong namatay siya sa isang car accident.

I stared at her picture in the obituary and realized how innocent she looked. But the way her eyes focused on the camera still bothered me. She was merely smiling in the picture, and yet it didn't even reached her eyes.

"Meow."

Newton was resting on my lap. I reached for my cup of coffee and took a long sip. I need to do some examination on Algea. Hanggang ngayon, misteryo pa rin sa akin kung paano siya nabuhay mula sa pagkakahimlay niya sa ilalim ng lupa. As much as I don't want to offend her or anything, she's still a paranormal creature--no matter how human she had been when she was still alive.

*

Lumabas ako ng kwarto ko. I still had time before my morning classes start. I knew I had hideous dark circles under my eyes from the lack of sleep. Mabuti pa ang alaga ko, nakatulog ng maayos.

Habang naglalakad ako sa may hallway, agad kong napansin ang isang pigura sa di kalayuan. Akala ko si mama, pero nang makita kong medyo paika-ikang maglakad, napatakbo ako papalapit sa kanya.

"Darn it! Bakit nasa labas ka? Shouldn't you be in the guest room?!" Natataranta kong sabi habang palinga-linga ako sa paligid. Mabuti na lang at wala pa dito ang kapatid ko.

Algea scowled, "I got bored."

Naningkit ang mga mata ko sa kanya. "So, if my mother or sister accidentally found you roaming around the hallways, ang isasagot mo lang 'I got bored'?!"

Nagkibit siya ng balikat. And I couldn't help but notice that she smelled nice--well, nicer than last night.

"Yeah."

Napasapo ko ang noo ko. She's officially annoying the brain cells out of me! Naglakad na ako pabalik ng guest room at naramdaman ko naman ang pagsunod niya. We passed by the pictures framed on the wall. For a instant, I knew she was silently studying them.

"Puro mukha mo naman ang nakikita ko."

Nagreklamo pa talaga siya. Actually, most of the photos are of me, winning various competitions throughout the years. My mom calls it, "The Wall of Fame" or whatever. Wala naman talaga akong pakialam.

It'll never be enough.

Pero balang araw, magiging tanyag din akong scientist. Makikilala ako ng buong mundo dahil sa imbensyon ko.

Nang makapasok na kami sa silid, Algea sat by the edge of the bed. Suot niya ang spare clothes ng kapatid ko na malamang ay nahanap niya sa kung saang kabinet. I raised the pen and mini-notebook I was holding and sat next to her. Bahagya siyang nagtaka sa ginawa ko.

"Don't worry. I'll just need to study you."

Algea glared at me. The intensity of those hazel eyes were nerve-wrecking. "I thought you weren't gonna make me your lab rat?"

I met her gaze and gave her a reassuring smile. "Hindi kita idi-dissect kung yun ang iniisip mo. I'm a scientist, and I need to examine your body for further analysis. Trust me."

"Why the fuck should I trust you? For all I know, baka ikaw ang may gawa sa'kin nito."

Napasimangot ako. "Believe me, ni hindi ko nga kayang buhayin ang namatay kong goldfish, tao pa kaya? Gusto ko lang alamin kung anong nangyari sa'yo. Think of this as a little check-up."

Ilang segundo ng katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa. Pero kalaunan, tumango rin naman si Algea. "Fine. I-I trust you.."

I smiled and held her hand. Doon ko lang napansin na nanginginig ito. Kinakabahan ba siya? Natatakot? It looks like aside from her appearance, she's still human..well, partially.

Nang i-examine ko ang katawan ni Algea (hindi ko siya pinaghubad, of course), natuklasan ko ang ilang nakakamanghang bagay tungkol sa kanya. Her body is still in one piece. Nothing missing. Ang kapansin-pansin lang, ay ang malaking tahi sa kaliwang sentido niya. Paniguradong galing iyon sa aksidente noong namatay siya. Her skin was partially decomposing. May ilang mga parte ng balat niya ang medyo naaagnas o nagkakaroon ng konting discoloration (tulad ng sa mga kamay niya at paa) pero bukod doon, mukha namang maayos ang kanyang balat. Though, overall, she'll still pale. Sobra ang putla niya, dahil na rin sa walang dugo ang dumadaloy sa katawan niya. Kita na rin ang ilang ugat sa leeg at mukha niya. Her lips weren't even pinkish anymore.

Isa pang napansin ko ay para bang hindi siya nabawasan ng timbang. Nang timbangin ko siya kanina, she was still the same weight as before. It's honestly amazing. Paano nangyari yun? I wish I can examine if her internal organs are still fresh, pero syempre sasapakin niya ako kapag ginawa ko yun.

Aside from her skin issues, mukha namang normal pa rin siya. Well, that, and the fact that she doesn't need food anymore.

But when I searched for a pulse, doon ko nakumpirma ang hinala ko.

"Wala kang pulso." Deklara ko. No radial pulse (wrist), carotid pulse (side of the neck), kahit brachial pulse sa braso niya, wala!

Parang hindi naman siya nagulat. Mapait siyang ngumiti sa akin. "I don't feel any heart beat either." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I hesitantly inched my hand over her chest. Napalunok ako. Her breasts were really tempting.

Sumilay ang isang ngiti sa mga labi ni Algea and she grabbed my hand, guiding it gently over her chest. I had to muster all the control I have to concentrate on her heartbeat..pero wala. Mas idiniin ko ang kamay ko sa dibdib niya. Wala talagang tibok ang puso niya.

And no heart beat means--

"You're really.."

Algea nodded even though pain and sadness washed over her eyes. "Yes, I'm really dead." Inialis ko ang kamay ko sa dibdib niya. Edi ano ang bumubuhay sa kanya ngayon? The mental gears inside my head started turning, but no answer came.

It's still a mystery. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya.

Sinara ko na ang mini-notebook ko at tumayo. Pero bago pa man ako makapaglakad papalayo, hinula niya ulit ang kamay ko. "S-Saan ka pupunta?"

Sheesh.

Ngumiti ako. "I have classes. I need to go."

"Anong oras uwi mo?"

I sighed. I understand that this must be hard on her part, having no one else to trust now that she's in the world of the living again. Kahit nga siguro bumalik sa pamilya niya, hindi niya pwedeng gawin. Pero kahit na gusto ko siyang samahan sa pagtuklas ng mga panibagong misteryo, I have college to attend to.

"Look, Algea.. Bahay ko 'to. Uuwi ako dito mamaya. No need to be too clingy. Baka isipin kong crush mo ako..sabagay, crush ko rin naman ang sarili ko. I'm irresistable!" I winked.

At tila na nahimasmasan na siya sa sinabi ko. She let go of my hand and rolled her eyes. Bumalik na ang pagiging mataray niya.

"Get out of here! Nagiging kasing-kapal na ng mukha mo ang salamin mo. Tsk."

Natawa ako.

---

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon