DTU2: QUADRAGINTA QUINQUE

529 32 1
                                    

"Mari, where the fuck are you? Let's end this, baby.. Let me kill you!"

Umalingawngaw sa loob ng gusali ang malamig na boses ni Adrien. His eyes scanned the surroundings. 'Hindi mo na ako maloloko.. hindi mo na ako matatakasan ngayon.' The smell of chemicals didn't bother him. Marahan siyang umakyat sa metal walkway sa ibabaw ng mga malalaking drum ng kemikal.

His bare feet made noise against the old steel path.

The soft red glow coming from the toxic wastes gave off an eerie feel. A bitter reminder of his past.

Pagak siyang natawa at pinilas ang nakausling balat sa braso niya. Walang gana niyang hinulog sa drum ng kemikal ang balat hanggang sa tuluyan itong matunaw sa ilalim.

Ramdam niyang nasa malapit lang ang dating kasintahan.

"Do you remember the story of Frankenstein's monster?" Panimula ni Adrien habang kalmadong iniisa-isa ang mga posibleng pagtaguan ni Marishel. Nagtungo siya sa dulong bahagi ng floor kung nasaan ang storage area. Isa-isa niyang sinilip ang laman ng mga kabinet. Nadurog pa ang ilang test tubes nang apakan niya ang mga ito.

Isang nakapangingilabot na ngiti.

"Isang malaking pagkakamali ang ginawa noon ni Dr. Victor Frankenstein. He tried to replicate God, but instead of making a human, he made a monster..." Tandang-tanda pa ni Adrien ang istoryang 'yon sa world literature class nila noong high school.

Ngayon ay nauunawaan na niya ito.

CRACK!

Binasag niya ang ilang beakers na nakakalat sa sahig. Pwersahan niyang binuksan ang sumunod na kabinet ngunit agad rin siyang nadismaya nang makitang wala itong laman.

'You can't hide forever, Marishel.'

Adrien laughed like a madman. Walang emosyon niyang pinulot ang basag na mga piraso at nagsimula nang maglakad papalapit sa susunod na kabinet.

The shards of glass scratched the metal railing like the claws of a hopeless creature lost in an abyss of insanity.

"Naaalala mo pa ba, Mari? The monster he created was rejected by humans. The poor monster was rejected by the society.. ito mismo ang dahilan kaya't napilitang pumatay ang halimaw. All that pain and loneliness turned him ito a real monster. A zombie who struggled to survive in this cruel world in order to fucking kill the scientist who created him!"

Umalingawngaw sa katahimikan ang pagsuntok ni Adrien sa kabinet. Nayupi ang metal nitong pinto kasabay ng pagmantsa ng dugo mula sa kamay ng binata.

Ngumisi siya nang makarinig ng impit na tunog sa loob nito.

'Gotcha.'

"Everyone hated the monster, Marishel... Pero ni minsan ba, naisip nilang hindi ang halimaw ang antagonista ng kwento?" He licked the blood from his knuckles and slowly opened the next cabinet. Unti-unting pumasok ang liwanag na naging dahilan upang maaninag niya ang loob nito.. Lalong lumawak ang ngiti sa mga labi ni Adrien.

Marishel Patricio sat inside the cabinet, cowering in fear.

"You know who the true antagonist of this story is?" His smile vanished, "YOU!"

Pwersahang tinanggal ni Adrien ang pinto at mabilis na kinaladkad ang dalaga. Marishel started screaming in terror as Adrien dragged her towards the center of the walkway. Nasa ilalim nila ang malalaking drum ng kemikal. Sinindi ni Adrien ang flourescent lights at mabilis na hiniwa ang pisngi ni Marishel gamit ang bubog.

"P-Please. Stop! H-Hindi ko alam na ganito ang mangyayari s-sa'yo..."

"Too late. Four years too late!"

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon