QUADRAGINTA QUINQUE

1.4K 92 2
                                    

"Levi! Ano ba 'yang hawak mo? Aren't you even ashamed of presenting that to my class?!"

It was only seven in the morning, but Mrs. Hernandez's anger already echoed throughout the four corners of the room. Tahimik lang na nakamasid sa kanya ang kanyang mga mag-aaral habang pinipigilan namang matawa sa kung anuman ang naka-display sa harapan ng klase.

Sa kabilang dako naman, inayos ni Levi ang kanyang salamin at iminuwestra sa guro ang hawak niya. Halos hindi mahawakan ng maliit niyang mga kamay ang container na naglalaman ng parang gelatin na bagay. It was colored blue, and it's gooey consistency made his elementary classmates burst into laughter.

Sino ba naman kasi ang magdadala ng gelatin para sa kaniyang Science project?

"HAHAHAHAHA!"

"Bobo! Anong gagawin namin sa gelatin na yan?! HAHAHAHA!"

"Sana nagdala ka na rin ng kutsura!"

"Yuck."

Napasimangot ang bata. Sanay na siya sa panlalait nila, pero sa pagkakataong ito, hindi niya palalampasin ang pangbabatikos nila sa pinaghirapan niyang project.

"This isn't gelatin, you narrow-minded humans! This is my Anti-Electric Gel! It may look like jelly, but it's not! Isa itong highly synthesized chemical compound! Kapag pinahid 'to sa surface ng kahit anong bagay o kahit sa balat ng tao, ire-repel niya ang kuryente. This way, electricians won't have to fear getting electrified to death whenever they work!"

Pero mas napasimangot ang kanyang guro. At mukhang wala rin namang nakinig sa kanyang pagpapaliwanag.

"Sit down, Levithian! Wala ka talagang kwenta. And stop making up stories! Akala mo ba ipapasa kita sa ganyan?!"

Nanlaki ang mga mata ng batang si Levi. Akala ba nila gawa-gawa lang ang paliwanag niya?! This is crazy! Ilang linggo niyang pinagpuyatan ang proyektong ito..

"But----!"

A glare stopped him.

"No buts!"

At muling nagtawanan ang buong klase nang makitang pula na ang mga tainga ni Levi. Kung dahil sa kahihiyan o galit, hindi na niya alam. Huminga nang malalim si Levi at nakayukong naglakad pabalik ng upuan niya. Hindi na niya ininda ang pambabato ng mga papel at masasakit na salita ng ibang mga bata sa kanya. Sanay na siya.

Sanay na sanay.

Nakatulala siyang umuwi. Nang may madaanan siyang basurahan, agad niyang itinapon doon ang proyekto niya. Mapait siyang napangiti at tiningnan ang madalim na kalangitan. Para bang umaayon ang panahon sa nararamdaman niya.

He wanted to be someone.

Someone...anyone. Basta kilala.

Little Levithian James wanted attention and recognition from his peers so much, that he knew that someday, when the time comes, gagawin niya ang lahat para maging sikat. Para kilalanin siya ng Eastwood. Para tanggapin siya ng ibang tao..

Dahil sawang-sawa na siyang mag-isa.

*

Marahang iniling ni Levi ang kanyang ulo dahil sa mga alaalang bumabalik sa kanya. He focused his attention to the girl getting weaker in his arms. Nasa tabi siya ni Algea, at ilang sandaling katahimikan ang namayani sa kanila. Sa pagkakataong ito, hindi na niya alam ang gagawin. He couldn't even make a fucking formula to save her! Napahinga siya nang malalim.

No. She can't die. Not yet.

Napatitig siya sa mga mata ng dalaga. Algea had been staring at him for some time now. Tahimik lang siyang nakamasid sa binata na para bang nalulunod sa kanyang mga alaala. And she knew for a fact that his memories weren't good. Nakikita niya ang lungkot at sakit sa mga mata ni Levi.

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon