NOVEM

1.9K 130 9
                                    

They say that breakfast is the most important meal of the day. Which is, scientifically true. Pero kung maaabutan mo ang nakakairita mong kapatid sa hapag-kainan, tingnan natin kung hindi ka magdadalawang-isip.

Nang pumasok ako sa kusina--still wearing my space printed pajamas--I was expecting my mother yell at me for being late again. Pero iba ang sumalubong sa'kin sa umagang ito.

"Good morning kuya!"

Kinusot ko ang mata ko at inayos ang salamin sa ilong ko. Sitting by the table, my younger sister's taunting eyes bore holes through me. Naka-suot siya ng unipormeng pamasok at nakaipit ang mahaba niyang buhok. Napasimangot ako. "What in the name of atoms are you doing here, Diana? Akala ko ba next week pa ang uwi mo?"

Mula sa pagpiprito ng itlog, sumigaw si mama, "LEVI! Ang aga-aga, inaaway mo na ang kapatid mo---" blah blah blah. Hindi ko na naintindihan ang mga sinabi ng mama ko. I was too busy ignoring my sister's annoying grin while I munch on a toast.

"Kaya nga kuya! Hindi mo ba ako na-miss? What kind of brother are you?" Pag-iinarte niya.

I smirked, "The kind of brother that doesn't give a damn if you extended your vacation. Tahimik ang bahay noong wala ka, and I'd prefer it that way."

Sumilay ang iritasyon sa mukha ni Diana. She's only a year younger than me. She's graduating her senior high school this year, pero hindi pa rin nagbabago ang ugali niya. Diana is still a brat who thinks she can manipulate the people around her. Psh. Nalate siya ng pasok sa school dahil sumama siya sa boyfriend niyang nagbakasyon sa Palawan. I haven't even met the guy. She changes boyfriends as often as she changes the color of her nails.

"Well, nandito na ako. So better live with it, kuya."

"Welcome back, baby sister. Can I eat my toast in peace now?" Walang gana kong sagot sa kanya.

Nanahimik lang kami sa pag-aaway nang naupo sa tabi namin si mama.

*

Bago ako pumasok, sinilip ko muna ang guest room kung nasaan si Algea. I used the spare key (binilinan ko siyang i-lock ang pinto) and peeked inside. Nang nakita kong tulog siya, marahan akong pumasok sa loob. As I neared her bed, I noticed how lifeless she looks.

Para akong nakatitig sa isang bangkay sa lamay.

When I was at the edge of her bed, pinagmasdan kong maigi ang mukha niya. Kahit na zombie siya, kapansin-pansin pa rin ang ganda niya. Hindi na ako nagtataka kung bakit marami siyang naging boyfriend noong nabubuhay pa siya.

"Staring is rude, you know."

Nagulat ako nang magmulat siya ng mga mata. Her eyes shifted on mine and I immediately backed away. Napakamot ako ng ulo ko. "G-Gising ka na pala."

She sighed. "I couldn't sleep. I guess my body doesn't need it."

"Talaga?! I'll have to take note of that later----I mean, baka naman may insomia ka lang?"

Algea sat up and rolled her eyes at me. "Thanks for the concern. Tsk. Papasok ka na?"

Ngumiti ako. "Yeah. Mag-iiwan na lang ako ng picture ko. So if you'll miss me, you can still see my awesome face!"

Algea glared at me but I can see she was surpressing a smile on her lips. "Awesome my ass! Oh, and buy me some make up from the department store, 'kay?"

Nawala bigla ang ngiti ko. Teka, ano daw? Make up?! Hindi naman ako nagkamali ng dinig di ba?

"Make up?! What are you gonna do with those ...things?"

Kailan pa kinailangan ng mga zombie ang make up?! Siya yata 'tong nababaliw eh. Psh. Pero gaya ng inaasahan ko, Algea's bitchiness took over, "Stop asking too many questions, it's fucking annoying! Just buy me some make up."

"Pera ko?!"

"Malamang! Mukha ba akong may pera ngayon?"

"Pero---!"

"Male-late ka na, Levi! Shoo! Alis!"

Kumunot ang noo ko. Ginawa niya pa talaga akong aso?! I'm a genius here! Isa akong aspiring scientist na magiging tanyag sa mga imbensyon kong makakapagligtas sa sangkatauhan! Magiging alamat ako!

"Hoy, babae-----"

Magsasalita pa sana ako pero nang makita ko ang pamatay na tingin ni Algea, umurong na naman ang dila ko. Psh. I raised my hands in defeat and walked out of the room.

"Good boy!" Pahabol pa ni Algea habang tumatawa nang mapang-asar.

Teka, ako dapat ang nasusunod di ba?! Pasalamat na lang siya at anak siya ni Professor Samuel. Hay.

*

The day went by in a blur. Bukod sa pakikipagsapalaran ko pilahan at pakikipagbangayan ko sa mga babaeng namimili sa cosmetics section ng mall, halos wala namang bago sa buhay ko.

The moment I reached my room, I saw Algea already on my bed. Indian sit. Hindi ko na tatanungin kung paano siya nakapasok. Insert my evil cat.

"Welcome home, nerd."

In normal circumstances, I should be happy to have a girl on my bed, but knowing that this girl is suppose to be dead years ago, I think I'll just act normal. Si Levi na cool. Di ba?

"Meow." Cool daw ako sabi ni Newton.

Iniabot ko kay Algea ang paper bag na naglalaman ng mga pinabili niya. Nagpapasalamat na lang talaga ako at may laman pa ang bank account ko. Kamuntikan na akong namulubi dito!

Algea stared at me for a good minute. Napapailing siya. "Ang sabi ko bilhan mo 'ko ng make up.. I didn't ask you to test it for me." Tapos tumawa siya.

Nag-iwas ako tingin. "W-What the heck are you talking about?!"

"You still have lipstick on. In fairness, bagay mo yung kulay."

Shit!

Sunod-sunod akong napamura sabay takbo sa banyo para maghilamos. Akala ko natanggal ko na kanina?! Kasalanan kasi nung sales lady eh! Sabi niya kailangan raw munang tingnan kung bagay ba sa kulay ng balat yung make-up na bibilhin ko! Psh! Stupid sales lady! Dinudungisan niya ang pagka-henyo ko!

Nang makalabas ako ng banyo, hindi ko pinansin si Algea at naupo na ako sa tapat ng laptop ko.

I knew she was still smirking at me.

"Levi?"

"WHAT?!"

"Haha! Chill ka lang.. Thank you nga pala."

Hindi na ako kumibo. Ayoko nang maalala ang kahihiyan ko. My precious dignity! Kaya pala ako pinagtitinginan nina mama at Diana kanina pagkauwi ko?! Damn. I must really look like an idiot..

Lumipas ang kalahating oras ng pagbababad ko sa internet. I was too busy reading an article about corpses when a knock on the door echoed in my room.

"Kuya? Papasok na ako ha!"

Ah. Si Diana lang naman pa----PAPASOK DAW SIYA DITO?! Shit! Natataranta kong binalingan si Algea na abala pa rin sa paglalagay ng kolorete sa mukha niya. Wala ba siyang pakialam na makikita siya ng kapatid ko?! Bigla akong kinabahan. Kapag nakita ni Diana si Algea, paniguradong masisira na ang mga pangarap ko. I'm done for!

Then, I heard the doorknob being opened... Patay na talaga!

"Meow."

---

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon