DECIM

1.8K 131 4
                                    

"Ku------"

Bago pa man bumukas ang pinto, mabilis pa sa alas-kwatrong humarang ako. I flashed my sister a--what I hope is--normal smile. Agad na kumunot ang noo ni Diana sa'kin. "Hey, baby sis! Need anything?"

Pero sino bang niloko ko? My sister's the gossip queen of Eastwood and I'm pretty sure she can sense my nervousness. Shit. Hindi niya pwedeng makita si Algea. At all costs!

Naningkit ang mga mata ni Diana. "I was gonna borrow your headset. Nasira yung akin.. Ako na lang ku----"

"WAG! I-I mean, ako na ang kukuha. Magulo ang laboratory ko."

Mas niliitan ko ang siwang sa pinto kung saan ako nakasilip sa kanya. Napasimangot ang kapatid ko and when she crossed her arms over her chest, I was pretty sure this isn't gonna end well.

"Let me in. May itinatago ka ba dyan, kuya?"

Napalunok ako. I have to admit, my hell of a sister has this intimidating aura that can put monsters to shame! And I'm not exaggerating. Tumawa ako nang pagak. "H-Haha! A-Ano naman ang itatago ko?"

Diana smirked. "Either you're gonna let me in, or sasabihin ko kay mama na itapon yung pinakamamahal mong atomic models? You choose!"

That hit a nerve.

My jaws clenched. She's fucking evil! Inorder ko pa online ang mga atomic models na yun na imported pa! Damn her. Ano nang gagawin ko ngayon?! Huminga ako nang malalim. "I already told you.. I'm not hiding anything."

Noong akala kong lulubayan na ako ng anghel kong kapatid, mas lumawak lang ang nakakaloko niyang ngiti.

"I don't believe you."

And she did the impossible.

"PUCHA! ARAAAAAAY!"

Namaluktot ako sa sahig. Sinipa ba naman ng kapatid ko ang hindi dapat sinisipa?! Tangina lang! I glared daggers at her and mentally cut off her precious hair. Gaganti talaga ako sa kanya! Hintayin niya lang na matapos ko ang nuclear bomb na ginagawa ko! Kwarto talaga niya ang pasasabugin ko!

Tumawa si Diana at mabilis na binuksan ang pinto. My eyes widened in horror. Si Algea! Shit!

Sinubukan kong tumayo para palabasin si Diana, pero huli na ang lahat. She was already in my room. I closed my eyes and prayed to all the gods in heaven.

But just when I thought my whole life has ended...

"Tsk. Fine. Magulo nga ang kwarto mo."

From the floor, I watched my sister pick up my headset and scanned the room. Pero kahit ako nagtaka nang wala akong nakitang zombie sa kwarto ko. Kumunot ang noo ko. Teka, nasaan si Algea?

Diana scoffed and slammed the door shut, leaving me still on the floor. Nanghihina akong napaupo sa sahig. "Algea?"

Just then, a hand emerged from under my bed. Agad kong sinilip ang ilalim ng kama at nakita ko siyang nakasiksik sa ilalim. Her hazel eyes stared innocently at me. Napangiti ako. Mabuti na lang at mabilis siyang nakapagtago.

After helping her out, agad kong napansin na para bang nag-iba ang hitsura niya. I furrowed my eyebrows and adjusted my eyeglasses. "You look a little less dead. What happened?"

Umirap siya sa'kin. "Power of make up, idiot."

So, that's what it's for. Tinitigan kong mabuti ang mukha ni Algea. Her lips now had a pinkish color and her cheeks were rosy. Nabawasan na ng konti ang pamumutla ng mukha niya and she even smelled nice. Baka naligo ulit siya kanina habang wala ako.

She looked pretty. Honestly.

Pero hindi ko aaminin sa kanya ng harapan.

I was pulled out of my reverie when Algea held my hand. Malamig pa rin ang kamay niya. I guess make up couldn't hide the fact that she's still a walking dead.

"Samahan mo 'ko."

"Saan?"

Tinuro niya ang bintana ko. Napasimangot ako. "Kung plano mong mag-suicide, wag mo na akong idamay. Kailangan ng mundo ang utak ko."

She smirked and pulled me towards the window. Hindi na ako nagpumiglas dahil sa higpit ng hawak niya. Akala ko nagbibiro lang siya. Pero nang bigla siyang lumabas ng bintana, halos mapamura ako. "Algea!"

Namatay ba ulit siya?!

Mabilis akong dumungaw sa labas. Pero umalingawngaw sa madilim na paligid ang pagtawa niya. And that's when I realized that she was just sitting on the tiled roof of our house. Oo nga pala. You see, my room is at the second floor and I almost forgot that the ground floor's roof was extended out my window.

Nginitian ako ni Algea. "Come on, nerd! Natatakot ka ba?"

I adjusted my eyeglasses and smirked. "Si Levithian James? Takot? Psh. Not even in your wildest dreams, sweetheart."

At umakyat na ako palabas ng bintana ng kwarto ko. The cool night breeze hit my face and I accidentally stumbled on my way to her. Tawa lang siya ng tawa sa katangahan ko. Nang makaupo ako ng ayos sa tabi ni Algea, I glared at her.

"HAHAHAHAHA!"

"Sige, tawa pa."

"HAHAHAHAHAHAHA!"

"Not funny!"

Algea grinned, "Well, hindi ka nga takot pero lampa ka naman.. Nice one, nerdy." At kinindatan niya ako.

Pakiramdam ko namumula na naman ang mga tainga ko. Damn this zombie girl! But instead of thinking of a witty comeback, I sighed and laid my back on the roof. Nakita kong nahiga na rin sa tabi ko si Algea.

We laid there side by side. On the tiled roof of my house. The endless nightsky felt a blanket above us, seeming to be filled with twinkling little stars on it. Billions and billions of stars, out there. Watching over me and Algea. Huminga ako nang malalim. Everything just feels so peaceful.

Kailan ko na huling naranasan ang ganito?

"Levi?"

Algea turned her head to me. Those mysterious hazel eyes were hypnotizing me again.

"Can you take me to my family?"

Kumunot ang noo ko. "Pero hindi ka nila pwedeng makita---"

"Alam ko. I'm a dead.. Pero gusto ko lang silang makita. Promise, magtatago ako.. I just want to see them," nag-iwas siya ng tingin sa akin, "Namimiss ko na sila.."

Napabuntong-hininga ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Kalaunan, pumayag rin ako. Dadalhin ko si Algea sa bahay nila sa Biyernes. I can't really blame her. Kahit naman kung ako ang nasa sitwasyon niya, gugustuhin ko pa ring makita ang mga mahal ko sa buhay---kahit na gaano pa kamaldita ang kapatid ko.

But as I contemplated on how to get her to her family, napansin ko ang bulto ng isang tao sa di kalayuan. It was dark so I couldn't be too sure. Pero bago ko pa man matitigang maigi ang taong iyon, bigla na lang itong naglaho sa dilim.

Why do I have a bad feeling about this?

---

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon