DTU2: UNUM

1.1K 72 2
                                    

I'm Levithian James; half-paranormal writer, pure genius.

A year ago, I've met Algea Castillo. Isa siyang zombie noon. Nahukay ko siya sa Eastwood Cemetery. Romantic, isn't it? Well, the bottomline of our story is that I'm a genius and an awesome aspiring scienti---!

"LEVI! Gumising ka na nga diyan! Susmaryosep, batang 'to! Kanina pa naghihintay si Angel sa baba!"

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig kong sumisigaw na naman si mama sa labas ng kwarto ko. I'm just glad she didn't barge in like she usually does. Naisip na siguro ni mama na baka aksidente niyang mabunggo ang mga chemical compounds dito sa laboratory-bedroom ko tapos biglang sumabog ang buong bahay namin.

'Cool, but I don't think my mother can clean up after a massive explosion.'

"Anong oras na ba?" Walang-gana kong tiningnan ang orasan sa pader at mahinang napamura.

"Damn it, not again!"

Nagmamadali na akong nag-ayos at sinilip ang sarili ko sa salamin. My hair was still dripping wet from the shower. Gusot-gusot pa ang damit ko at magkaiba pa pala ang nasuot kong medyas! 'Paniguradong ikakahiya na ako nina Albert Einstein nito!'

But of course, I couldn't care less. 'Di naman 'to nakabawas sa pagiging henyo ko...sana.'

"Meow!" Biglang sumulpot sa kung saan si Newton at binalingan ang cellphone ko. I smiled at him and grabbed my phone, just in time to see a text message flashing on its screen.

Kumunot ang noo ko nang makita ko ang number. Hindi ako pamilyar dito.

Nang mabasa ko ang text, bigla akong nanlata. My eyes widened at the words.

"LEVI!"

'Baka naman na-wrong send lang?'

Nagmamadali akong bumaba ng sala at nginitian ang babaeng masama na ang tingin sa'kin ngayon. Algea's hazel brown eyes is enough breakfast for me.

"Good morning, love! Gumaganda ka yata ah?" Inosente kong sabi at inayos ang salamin ko sa mata, "You must be made out of Selenium, Xenon, and Yttrium."

"What the heck?"

"Dali, tanungin mo kung bakit!"

Kahit na halatang naiinis pa rin sa'kin si Algea, kitang-kita ko naman ang pagpipigil niyang ngumiti, "Fine. Bakit?"

I wiggled my eyebrows, "Because you're SeXY. Gets? Se-X-Y?"

She rolled her eyes at me, "Nerd."

Ouch. Hindi niya talaga naalis ang palayaw kong 'yon. I don't know whether I should be flattered or not. Napabuntong-hininga na lang ako, "Ano, tara na? Matagal-tagal pa ang biyahe natin at sabi sa balita 50-50 daw ang tyansa ng pag-ulan sa hapon." I'm not usually into weather forecasts, but today is special.

Extra special.

Bago pa man kami makaalis, bigla kaming hinarangan ni mama. Masama ng kutob ko rito! I know her well enough to figure out she's up to something! Plus, nakangiti lang siya kay Algea---err, Angel.

"Take care of my son for me, Angel! Pagpasensyahan mo na ang pagiging lampa 'minsan' ni Levi."

Napanganga ako. 'HINDI AKO LAMPA!'

"Hahaha! Opo, tita." Ngiting-ngiti rin naman si Algea. Her long brown hair was pulled into a braid. Bigla namang bumulong si mama kay Algea, "Ilayo mo muna siya sa trabaho niya sa ESO. Stressed na stressed. Mas mukha na tuloy siyang gurang kaysa sa'kin.."

"MA!"

Natawa silang dalawa sa reaksyon ko. I frowned and dragged Algea out of the house while bidding goodbye to my mother. Great! Mukhang nagkasundo talaga sila para tapakan ang dignidad ng isang Levithian James, ang pinakamatalinong binata sa Eastwood! 'Oh, my poor dignity!'

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon