DTU2: QUATTOUR

886 48 0
                                    

"P-PROFESSOR SAMUEL CASTILLO?!"

Scientifically speaking, I did the first impulse any "normal" human being would do when faced with the undead...

Hinimatay ako.

Oo, nakakahiya mang aminin, pero sa kauna-unahang pagkakataon, hinimatay ang henyong si Levithian James.

"Levi? Hala, Levi!"

*

The moment my body decided to wake up, I found myself lying on a sofa. Nasilaw ako sa liwanag na bumungad sa'kin nang magmulat ako ng mga mata. I was half-expecting Newton to be there, but instead of my devilish cat, Dr. Burnham's amused face startled me.

"Akala ko naman 'di ka na magigising. Ipapadala pa man din sana kita sa Biology department dahil kailangan raw nila ng bangkay na idi-dissect."

Sa gulat ko, napabalikwas pa ako ng bangon---na naging dahilan para mahulog ako sa sopa. "ARAY! Damn it..." Napahimas pa ako sa likuran ko. I feel my butt aching from the impact.

Natawa si Dr. Burnham sa akin at tinulungan akong tumayo. The elderly man who looked like Santa Claus smiled at me, "Clumsy as usual, Levithian. Mukhang may mga bagay na hindi na mababago."

Hindi ko alam kung pinupuri ba niya ang pagiging lampa ko o sadyang gusto niya lang mang-asar? I'll bet on the latter.

"Err... Salamat, doctor." Tapos biglang bumalik sa alaala ko ang dahilan kung bakit ako hinimatay kanina. Kinakabahan kong pinasadahan ng tingin ang opisina at nagtago sa likod ni Dr. Burnham. "N-Nakita mo ba 'yon?! Nandito si Professor Samuel! H-He's haunting me! Ilabas na natin ang atomic bomb at electronic machine gun!"

Bakit ba siya nandito?!

Baka hindi siya boto sa pag-iibigan namin ni Algea? Kung sabagay, mahirap nga namang tanggapin na ang binatang pumatay sa'yo ang boyfriend ng unica hija mo.

Yup, he wants me dead.

Pero imbes na ipagtanggol ako o tumawag ng resbak, natawa si Dr. Burnham at tinapik ako sa balikat, "Sa takot mong 'yan baka maihi ka pa sa salawal, Levi... He's not here."

Napasimangot ako. "Pero nakita ko siya kanina! Professor Samuel is alive."

Umiling ang doktor at kinuha ang bagay na makapatong sa kalapit na coffee table. Inangat niya ito para makita ko nang maigi ang maskarang may samu't saring mga kable at sensors. This is the first time I've seen such invention.

"This is the Camouflage Mask. Matagal ko nang dine-develop ang prototype na 'to. Its facial sensors are sensitive to muscle contraction while it automatically molds onto your face. Kapag nai-download mo na sa micro-chip nito ang imahe ng mukhang gusto mong gayahin, maaari mo na itong i-set para panandalian nitong baguhin ang hitsura mo."

Napanganga ako sa paliwanag niya. Tinitigan kong maigi ang maskara---simple and skin-toned. Kung nagagawa nitong ibahin ang hitsura ng isang tao, ibig sabihin niyan... "Suot mo 'yan kanina at ginaya mo ang mukha ni Professor Samuel para takutin ako. Tsk! What in the name of elements, doc?! Muntik na akong atakihin sa puso kanina!"

"Sus. Hinimatay ka nga eh. HAHAHA!"

Lalo akong sumimangot. My cheeks burned in embarrassment.

Ilang sandali pa, napabuntong-hininga si Dr. Burnham at malungkot na ngumiti sa'kin. "I was just testing it. Mapanganib ang imbensyong ito kaya hindi pa ito maaaring isabay sa public release this month. I still have to change some features."

Tumango ako. Kahit ano namang imbensyon, may kalakip na kabutihan at panganib. I remember my Paranomter and how it almost got us killed. My own creation used against me.

"It's a great invention, doc. Pero bakit mo 'to naisipang gawin?"

Nag-iwas ng tingin si Dr. Burnham, "Hindi na mahalaga 'yon. Male-late ka na sa proclamation ng panibago nating head scientist. You wouldn't want to give him a bad first impression, would you?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Mahina akong napamura nang mapansin ko ang oras. Darn it, thirty minutes na akong late!

"I gotta go! Balik na lang ako mamaya, doc!" At nagmamadali na akong lumabas ng opisina. Hindi ko na pinansin ang mga wirdong tinging ibinigay ni Dr. Burnham sa imbensyon niyang maskara.

Every scientist has his reasons for creating something out of nothing.

Ano pa man ang dahilan ni Dr. Burnham, hindi niya ito maitatago nang matagal. 'Let's just hope its for the greater good.'

*

"Sorry I'm late!"

I gasped for air as I barged into the conference room. Gusot-gusot at nasunog pa ang labcoat ko kanina nang madaan ako sa fire chamber. Halos malaglag na ang salamin ko sa ilong at aksidente pa akong nalagyan ng baking soda sa buhok. Who in their right mind would bring baking soda to the Eastwood Scientific Organization Research Compound?!

I am a hundred percent sure I look like a mess.

Nakatingin silang lahat sa akin na para bang isa akong bagong species ng bacteria. Sumimangot si Madam Agapito, ang acting-head scientist ng ESORC, at iminuwestra ng bakanteng upuan sa harap. "You may sit down, Mr. James. Paki-ayos na lang ang sarili para hindi nakakahiya sa bago nating head scientist."

Napayuko na lang ako at tahimik na umupo sa unahan. Alam kong pinagtitinginan pa rin ako ng ibang scientists, pero mabuti na lang at mas pinili nilang itikom ang kanilang mga bibig. 'Professionals, indeed.'

Madam Agapito cleared her throat and addressed the small crowd.

"Tulad nga ng sinasabi ko kanina, the ESO admin had already came to a decision---"

Sumandal ako sa upuan at bugnuting ginulo ang magulo ko nang buhok. "Sigurado namang malakas ang kapit sa politika ng bagong head scientist kaya siya napili ng admin. The bastard must've came from an influential family," bulong ko sa sarili.

Lumingon sa'kin ang katabi ko. Her deep set of charcoal eyes met mine. "Sinasabi mo bang sumipsip siya, kaya siya napiling head scientist?"

I huffed, "Of course! Paano pa ba niya makukuha ang pabor ng admin? Malamang ay masungit na gurang ang bagong head scientist. Ano sa tingin mo?"

Tipid na ngumiti ang dalaga sa'kin. Magsasalita pa sana ako nang biglang naagaw ang atensyon ko ng announcement.

"---our new head scientist, is our very own microbiologist and local expert in the field of medicine, Miss Marishel Patricio!"

M-Marishel?

Muntik na yatang malaglag ang panga ko sa pamilyar na pangalan. Bukod doon, tuluyan na akong nailang nang tumayo ang kausap kong babae kanina at nagtungo sa harap. 'S-Siya si Marishel?!' Napalunok ako nang 'di oras. 'Anak ng protons! Siya pala 'yong nilalait ko kanina!'

Yup. Malamang bukas ay ipatapon na niya ako sa fire chamber dahil sa mga sinabi ko. Damn, Levi! You should've just shut up!

Napuno ng palakpakan ang silid.

Marishel stood in front and met my eyes. A teasing smile on her face, "Thank you, my fellow scientists. This is an honor for me, despite having flaws myself. I assure you all, hindi ako masungit, sipsip, o gurang." Lalong lumawak ang ngisi sa mapupulang mga labi ni Marishel.

Her attention was directed towards me.

Nag-iwas ako ng tingin. Bakit ba ang malas ko lagi?

---

Edited.












✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon