DTU2: TRIGINTA QUINQUE

480 28 0
                                    

Hindi inakala ni Marishel Patricio na magiging ganito kagulo ang buhay niya. All she ever wanted was to prove to ESO that she's better than Professor Samuel. Gusto lang naman niyang patunayan na kaya niyang higitan ang tinaguriang "greatest mind" ng Eastwood.

A few hours ago, she thought it was gonna be alright.

Akala niya ay prenteng uupo na lang siya ng first-class sa kanyang flight papuntang Canada. Akala niya ay matatakasan na niya ang lahat ng sakit at problemang idinulot ng Eastwood sa kanya. Akala niya ay tuluyan na niyang makakalimutan ang mga mata at ngiti ng lalaking minahal niya noon...

"Pero heto ako ngayon ay tinatali sa poste para ipain sa halimaw na 'yon." Mahina siyang napamura at sinubukang kumalas sa pagkakagapos sa kanya nang pasakan siya ng tela sa bibig ng isang gwardiya. Ito 'yong guard sa lobby ng ESORC na palagi siyang sinusungitan.

'Damn guard! Patay ka sa'kin 'pag nakakawala ako dito!'

"Sorry, Miss Patricio. We need to shut you up until the monster appears. It's an order from ESO's new head scientist."

Hindi nakakawala sa pandinig ni Marishel ang pang-aasar sa tono niya. Agad niyang sinamaan ng tingin ang lalaki at nagsisigaw kahit pa hindi nila marinig ang boses niya.

Matapos kunin ni Levithian James ang trono bilang bagong head scientist ng ESO, agad siyang nilitis sa admin's office. Tulad ng inaasahan, nadismaya at nagalit sa kanya ang mga ito. In the end, those old hags decided to use her as bait to lure out the monster. Hangga't hindi nila napapatay ang pinagmulan ng virus, mahihirapan silang solusyunan ang zombie apocalypse sa bayan.

"Tie her to the post near Night Raven's park. Tapos hintayin niyong lumapit sa kanya ang halimaw. Magsama kayo ng back-up. I'll instruct you afterwards." Bilin ni Levi habang walang emosyong nagbabasa ng mga papeles.

"Pero sigurado ka bang darating ang halimaw na 'yon?" Kabadong tanong ng isang baguhang gwardiya.

But Levithian James only adjusted his eyeglasses and smirked. "Believe me, he'll come to her.. she's his prey, afterall."

Matapos 'non ay kinaladkad na ang dalaga palabas ng compound.

Nanginginig sa galit si Marishel tuwing naaalala niya ang mga pangyayaring 'yon. 'You'll fucking pay for this, Levithian!' Pero agad ring napawi ang galit niya nang iwanan na siyang mag-isa ng mga gwardiya. Kabadong sinilip ni Marishel ang dumidilim nang kalangitan.

No one's outside.

'Pero bakit masama ang kutob ko rito?'

Pinilit niyang lunukin ang takot. She scanned the empty streets and felt a chill crawl up her spine. Nakatali siya ngayon sa isang poste, sa gitna ng dumidilim na lansangan. Huminga nang malalim si Marishel. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang bulto ng isang lalaking paika-ikang maglakad papunta sa kanya.

Noong una ay akala niya ito na ang halimaw ng kanyang nakaraan... But upon closer inspection, she saw it was a zombie.

A hungry one.

'Shit!'

Nagpupumiglas si Marishel. Her heart pounded wildly inside her chest as she tried to break free from her bonds. Kabado niyang sinilip ang bangkay na papalapit na nang papalapit sa kanya. Umalingasaw ang masangsang at nabubulok nitong amoy. It was enough to make Marishel want to vomit the wine she drank a few hours ago.

Screaming is useless. Kahit anong sigaw ni Marishel, mukhang walang maglalakas-loob tumulong sa kanya. Sinadya siyang iwan dito para mamatay. 'Damn you, Levi!'

Iilang pulgada na lang ang layo sa kanya ng zombie.

Nanlaki ang mga mata ni Marishel at halos mag-hysterical na siya. Ilang segundo bago siya sakmalin ng bangkay, bigla na lang itong natumba sa kanya. Nanginginig na tinitigan ni Marishel ang pagkalat ng dugo nito sa kanyang laboratory coat. Eventually, it dropped dead---with a large whole in its head.

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon