DTU2: TRIGINTA QUATTOUR

529 32 0
                                    

Matapos ang kanilang pag-uusap, Head Scientist Marishel Patricio excused herself to use the restroom. Nanghihina niyang tinungo ang daan papunta sa dulo ng pasilyo at agad na ikinulong ang sarili sa isang cubicle. There, Marishel let the tears fall.

Frustration. Pain. Hopelessness...

It's amazing how a woman can feel so many emotions all at once. 'Then again, Science can't explain everything.' isip-isip ng dalaga at huminga nang malalim. Bahagya pa rin siyang nahihilo sa ininom. "Damn it, Marishel.. may flight ka pa mamaya!" Inis niyang sabi sa sarili at pinilit ayusin ang kanyang hitsura.

She stood in front of the mirror and scowled at herself. Mabilis niyang inayos ang gusot niyang laboratory coat at tinali ang buhok. She'll have to retouch her damn make-up later. 'Mamaya na, kapag malayo na ako sa isinumpang bayan na 'to.'

Lumaki si Marishel na laging isinasaalang-alang ang "impression" niya sa mga taong nakapaligid sa kanya. As an aspiring scientist in her high school days, Marishel took advanced classes and became the youngest Microbiologist admitted in the Eastwood Scientific Organization Research Compound.

Kasabayan niya noon si Erolle at ang naging nobyo niya...

'Adrien.'

The thought of her dead boyfriend still kills her. 'Sinong mag-aakalang hahantong kami sa ganito?'

It was a mistake.

Kailangan na niyang takasan ito bago pa man mahuli ang lahat. Marishel faked a smile and walked out of the restrooms. Taas-noo niyang pinagmasdan ang iba pang scientists na aligaga sa kanilang mga ginagawa. Ramdam niya ang namumuong tensyon sa lugar dahil sa mga balita.

"Tayo na naman ang sinisisi ng mga tao."

"What the heck? Kapag ba zombie apocalypse, lagi na lang ESO?"

"I heard some are already migrating to other cities."

Natigil lang ang pag-uusap nila nang makita ang head scientist.

Alam ni Marishel na apektado ang buong ESO sa pagkalat ng zombie virus. The old admins are probably trying to fix ESO's mess---like they always do. 'Bullshit with those admins,' naiinis niyang isip at nagpatuloy na sa kanyang opisina.

Hindi na niya pinansin ang ilang empleyadong bumabati sa kanya.

What for? A few hours from now, she'll leave them to rot in this hellhole.

Nang mapadaan si Marishel sa storage room ng gusali, nakarinig siya ng kakaibang tunog. The clicking of her heels against the clean tiles stopped. Agad siyang nagtungo sa storage room at kinatok ito, "May tao ba diyan?"

Napapitlag na lang ang dalaga nang makarinig siya ng malalakas na kalabog na nagmumula sa loob. Naiinis niyang ginamit ang access card at binuksan ang pinto.

Pero hindi niya inasahan ang makikita niya sa loob...

"N-Ninong?!"

Sa loob ng storage room, nakatali ang mga paa at kamay ni Dr. Burnham habang nakabusal ang kanyang bibig. The old scientist's eyes asked for help. Kumunot ang noo ni Marishel... 'Kung nandito siya, eh 'di sino yung kausap ko kanina sa office?!'

Tumalim ang mga mata ni Marishel. Anger and disbelief flooded her system.

Kaya't imbes na tulungan ang ninong, agad niyang isinara ang pinto ng storage room at tumakbo papunta sa kanyang opisina.

'I was tricked!'

He heart pounded nervously inside her chest. Hindi niya malaman kung nangingibabaw ba ang galit o kaba sa mga emosyong narararamdaman niya, but one thing's for sure: she's in danger. May nakaalam ng sikretong matagal na niyang pinaka-iingatan.

"H-Hindi pwede!"

Mabilis na binuksan ni Marishel ang pinto ng kanyang opisina. Natataranta niyang hinanap ang taong nakausap niya kanina. Her blood ran cold when she spotted a certain Levithian James sitting casually on the sofa. Iniikot-ikot pa nito ang isang maskara habang nakangisi sa kanya.

"Isn't it amazing how one small invention can turn the tables, Ms. Patricio?"

Nanlaki ang mga mata ni Marishel nang mapagtanto ang ginawa nito. 'Ginamit niya ang camouflage mask na likha ni Dr. Burnham!' huminga nang malalim si Marishel.

Alam na ni Levi ang sikreto niya. Damn it..

'Stay composed. Walang mangyayaring masama, Marishel.' Pilit niyang pinakalma ang sarili. "Get out of my office, Mr. James."

"Too bad. It's not your office anymore."

"A-Anong sinasabi mo?!"

Pasimpleng tinuro ni Levi ang desk ng dalaga. Ngayon niya lang napansin na kanina pa pala nakabukas ang intercom ng buong gusali. Everyone inside the building heard about their conversation...including the admins.

"No..."

Biglang nanlata si Marishel. Mukhang dito na magtatapos ang kanyang career.

Levithian James stood up and walked towards the desk. "Nakasulat sa rules ng head scientist selection ng ESO na kung hindi nagagampanan nang maayos ng napiling head scientist ang kanyang posisyon, he or she will be replaced by the next possible candidate as the new head scientist, immediately. And since you just carelessly told the world about your secret, I believe that the admins won't be too happy about this..."

Sumiklab ang takot ang galit sa damdamin ni Marishel. How dare he talk to her like this?!

"You bastard! W-Wala ka sa posisyon para sabihin sa'kin 'yan!"

"Actually, I am. I'm taking over ESO."

Panandaliang natigilan ang dalaga nang maalala ang isang mahalagang bagay---ang henyong si Levithian James nga pala nakalinyang kapalit ni Marishel Patricio sa pagiging head scientist. He's the new ESO Head Scientist, whether she likes it or not.

"It's a shame. You were never meant to rule ESO, Marishel.. And this is what you get for stealing my position."

Isang mapang-asar na ngiti ang pumunit sa bibig ng binata. Levithian James sat down behind her desk, as calm as the devil.. Ngayon ay nakikita na mismo ni Marishel ang pagkakatulad nila ni Professor Samuel. A deadly genius.

Ilang sandali pa, nagsalita sa maliit na microphone si Levi. The speakers within the compound buzzed to life as his voice was heard everywhere.

"Guards, as the new head scientist of ESORC, I command you to take Ms. Patricio away. Let the monster kill her!"

Mahinang napamura ang dalaga. Pero nang akmang tatakbo na sana siya palalayo, bigla na lang sumulpot ang ilang gwardiya sa kanyang gilid. Sinubukan niyang magpumiglas, ngunit sadyang mas malalakas ang mga ito. They dragged her away into the dim hallways.

Not before Levi smirked one last time..

"Or should I say, 'let her ex-boyfriend kill her'?"

---

Edited.

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon