DTU2: QUADRAGINTA SEPTEM

567 31 0
                                    

There was a defeaning splash.

Nanlaki ang mga mata ni Algea nang marinig ito. Ilang sandaling pinroseso ng kanyang utak ang mga nangyayari. She cursed under her breath and ran towards the edge. "L-Levi! Damn it..."

Kabado niyang inisip ang mga posibilidad. 'P-Please, don't die..' Nanghihina ang kanyang mga binti. Hinihingal niyang tinungo ang lugar kung saan nahulog sina Levi at Adrien. Algea Castillo weakly watched the toxic chemicals below.

Tuluyan na nitong nilamon ang anumang nahulog dito, na para bang isang karagatang handang hilahin pailalim ang sinumang magtatangkang gumulo rito.

It's over.

Shallow breaths and heavy tears. Naikuyom na lang ni Algea ang kanyang mga kamao. Nanginginig na ang kanyang buong katawan. Her heart ached as she watched the calm surface of the toxic wastes below.

'Levi...'

"BULLSHIT NERD! YOU C-CAN'T LEAVE ME..."

He risked his life to save Eastwood.

Anupaman ang sabihin ng iba, isang bayani si Levithian James. Hindi na napigilan ni Algea ang mga hikbing kumawala sa kanyang bibig.

That was the only sound amidst the silence.

Mukhang natapos na ang zombie apocalypse sa labas.

Tahimik na lumapit si Ethan Pascua. He reached out to touch her shoulder, in an attempt to calm her down, pero agad ring nagdalawang-isip si Ethan at binawi ang kamay. Alam niyang walang sinumang makakapagpatahan kay Algea sa sitwasyong ito.

Maging si Marishel ay hindi makapagsalita. She avoided eye contact.

Yes, she's fucking guilty.

Napabuntong-hininga naman si Professor Lopez. "Kailangan na nating umalis. We'll just honor him back at ESO." Walang emosyon nitong sabi.

Nang marinig ng dalaga ang mga salitang 'yon, mabilis na bumaling si Algea sa propesr at galit na dinuro ito. "What the hell?! Namatay ang dati mong estudyante pero ayan lang ang masasabi mo?! Tuluyan na bang nawala ang puso mo, Prof Lopez?!"

"Hindi natin hawak ang tadhana, hija. It's best now that Levi's dead. Believe me, this is for the greater good."

Algea glarred daggers at him. Hindi ganito ang pagkakakilala niya sa dating prof ni Levi! "How the fuck can you say that?!"

There's something really odd about him. Pinagmasdang maigi ni Ethan ang propesor at napasimangot. 'Why isn't he dead yet? Akala ko ba maibabalik ang balanse ng Eastwood kung mamamatay si Adrien?' Sinilip ni Ethan ang mga pangyayari sa unang papalag ng ETCRC.

Several corpses laid motionless on the ground.

Patay na ang mga zombies.

'Dapat patay na rin si Professor Lopez! Ano bang nangyayari rito?'

Natigil lang ang tensyon sa pagitan nina Algea at Professor Lopez nang makarinig sila ng mahihinang pagkatok. Someone was tapping the metal walkway! Nagkatinginan sina Algea at Ethan at mabilis na nagtungo sa dulo.

"C-Could it be...?"

Pigil-hiningang sinilip ni Algea ang ilalim ng metal platform. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang pamilyar na mukha ni Levithian James! He was suspended in the air with the help of several electric cords.

Tap.

Tap.

Tap.

Pagtapik nito sa metal para mapukaw ang atensyon nila. His eyes were closed and sweat trickled down his face. "T-Tulong..."

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon