EPILOGUS

1.7K 126 15
                                    

One year later...

THE END.

I leaned back on my swivel chair and saved the ending of "Dating the Undead". Sa wakas, tapos na ang ilang linggo kong pinagpupuyatang nobela. I adjusted my glasses and stared at the screen of my laptop. It was already past midnight, but I don't feel the need to sleep. Napadako ang mga mata ko kay Newton na mahimbing na natutulog sa kama ko.

The memories came flooding me again. Napapikit na lang ako.

Isang taon na ang nakalipas magmula nang makilala ko si Algea. Nang mamatay siya, aaminin kong hindi naging madali para sa'kin ang tanggapin ang lahat. How could anyone expect me to cope up with everything that has happened in my fucking life?

Of course, I didn't try to cover the pain up with suicide. Hindi ko pwedeng iwan si mama, lalo na't ngayong wala na si Diana. Ang besides, Algea would probably kick my ass for even thinking such thing. Alam kong mas gugustuhin niyang ipagpatuloy ko ang buhay ko.

And I will.

"Promise me you'll continue your dreams of being a scientist, Levithian.. Never follow the path my father took. Never follow in his footsteps.. Create your own journey, my love. Can you do that for me?"

Parang naririnig ko pa rin ang boses niya hanggang ngayon. And those words stuck on me like glue. Mapait akong ngumiti.

I did as she said.

Pagkatapos ng rehabilitation ng Eastwood sa nangyaring zombie outbreak, agad na pinasibak ang mga tauhan ng Project Beta. The ESO admins discovered Project Beta's underground compound and laboratories. Kalaunan, unti-unti nang bumalik sa normal ang lahat.. Pero syempre, hindi na natin maibabalik pa ang buhay ng mga namatay dahil sa pag-atake ng mga bangkay. Kaya ngayon, kinailangan nilang gawan ng extension ang Eastwood cemetery dahil sa dami ng mga namatay.

Anyway, I've applied to be an assistant at ESO Research Compound. Umaasa ako na sana, wala nang mangyaring masama. I was accepted in ESORC six months ago, at hanggang ngayon, part time ko pa rin ang i-assist ang mga senior scientists. But unlike before, I wasn't desprately aiming to be famous.

I've learned my lesson. Balewala na ngayon para sa akin kung ibinabalita man nila ako sa telebisyon at ipina-publish sa mga dyaryo ang pangalan at mga imbensyon ko. Masaya akong nakatutulong ako sa mga tao.

Bukod sa part time ko sa ESORC at pagiging college student, napagdesisyunan ko na ring gamitin ang nalalaman ko sa paranormal phenomenas sa pagsusulat ng mga nobela. I wanted people to know that there are things that Science can never explain. At gusto kong iparating sa kanila ang mesaheng iyon sa pamamagitan ng pagsusulat.

So basically, now, I'm an author of several books.

Pero sa lahat ng mga gawa ko, itong nobela kong ito ang pinakamahalaga para sa'kin. I've started writing our story. Yes, pinili kong isulat ang lahat ng mga nangyari sa buhay ko magmula nang makilala ko si Algea. I wanted people to know about her, and how my heart still longs for her hazel eyes.

Hindi nila alam na totoong nangyari ang lahat.

Hindi nila alam na hindi lang basta "coincidence" ang pagkakapareho ng pangalan ko sa pangalan ng protagonist o na ang "Algea Castillo" sa nobela ko ay ang totoong Algea Castillo na nakalibing sa Eastwood cemetery.

Hindi nila alam na isinusulat ko mismo ang istorya naming dalawa..

..ang istoryang hindi nabigyan ng magandang wakas.

And even if I wanted to change the ending, I couldn't. Dahil ito talaga ang nangyari. This is my true story.

Huminga ako nang malalim at isinara ang laptop ko. There's no point on pondering over the things I can never rewrite. May klase pa ako bukas.

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon