DTU2: QUADRAGINTA DUO

519 34 2
                                    

"P-Professor Lopez?"

The last time I checked, I've been human for 24 years...pero ngayon lang ako nakaranas ng ganitong klaseng kababalaghan sa buhay ko. Nanginginig ang mga kamay ko nang tanggalin ko ang salamin ko't paulit-ulit itong pinunasan gamit ang panyo sa bulsa ko. I was silently praying that this was just a figment of my imagination. Baka nga naging "mad" scientist na talaga ako.

'Magpa-schedule ka na ng check-up sa mental hospital, Levi.' The logical voice in my head reminded me.

But when I wore my eyeglasses again, my blurred vision of the undead man only became clearer. Isang tipid na ngiti ang ipinakita ni Professor Lopez bago siya mahinang natawa, "Hijo, hindi ka nagdedeliryo. Yes---no matter how crazy this sounds---I've crawled out of my grave, Levithian."

Napaatras ako.

"T-This is impossible!"

Napabuntong-hininga si Algea sa tabi ko. "Wala nang imposible sa Eastwood, nerd. Alam mo na dapat 'yan."

Natuod ako sa kinatatayuan ko.

Binuhat nina Magno at Algea si Ethan para ihiga sa sopa. The bastard really fainted like a girl. Hindi pa rin ako umaalis sa pwesto ko. Newton stood beside me, staring at the zombie at the doorway. Kalaunan, nagsalita ulit si Professor Lopez. Damn, he looks just like how I last saw him!

"Hindi mo ba ako papapasukin?"

"Paano ako makakasigurado na hindi mo ako aatakihin? Zombies tend to lose control of themselves--both mentally and physically. Baka mamaya kainin mo pa ang utak ko," walang-gana kong sabi habang pilit iniisip ang mga posibleng dahilan kung bakit matino si Professor Lopez. Why the protons isn't he aggressive like the rest? Ano ang ipinagkaiba niya sa ibang zombies?

Mukhang napansin ng yumaong propesor ang pag-aalinlangan ko.

"Levi, I have no idea why this happened. Namalayan ko na lang kanina na gumapang na pala ako mula sa ilalim ng lupa. The other dead people crawled out of their own graves, as well... Some of them lost control and started attacking the police." Puno ng sinseridad ang mga mata ni Professor Lopez.

"Paano mo nalamang nandito ako? At anong kailangan mo sa'kin?"

"I'm here to help, Levi. At nakita kita kaninang nagmamaneho ng armored van na para bang gusto mo nang basagin ang laws of physics.."

I cursed under my breath. This doesn't make sense at all! "And you expect me to believe what you just told me?"

"Yes. Because I'm doing this for the greater good."

That's the same fatherly look he used to give me whenever I asked his feedback on my experiments. Napalunok ako. 'Can I trust a zombie?'

I did trust Algea before, didn't I?

At saka mukha namang wala siyang planong atakihin ako o ang henyo kong utak, so I guess it's safe. Tumango ako't humakbang papalayo para bigyan siya ng daan. Professor Lopez smiled at me and walked inside. "Salamat, Levithian."

"So, you're not gonna eat my awesome brain? Sayang 'to. Utak ito ng henyo ng Eastwood. Rich in Vitamin Nerd." Paninigurado ko.

Napapailing na lang si Newton sa sinabi ko. Anong mali doon? Tsk.

Napabuntong-hininga naman si Professor Lopez, "Hindi ka pa rin nagbabago." Sabay tapik niya sa'kin sa balikat. His face then turned serious. "Listen... Nawawalan na ng balanse ang mundo, Levithian. The dead becomes the living and the living becomes the dead. At sa ilang taon kong pagtuturo noon sa ECU, I could only ask you one question: Ano na naman bang ginawa mo, hijo?"

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon