TRES

2.1K 161 9
                                    

Napatalon ako sa sobrang saya. Nang mahimasmasan ako, agad kong sinundot ang pisngi nung babae. Mas tumalim ang tingin niya sa akin and I had to raise my hands up in defense, still grinning like an idiot. Gusto ko lang naman masiguro na totoo siya. Pero siguro dapat pa rin akong mag-ingat dahil baka kagatin niya ako o kainin ang utak ko gaya nung ginagawa nila sa Plants vs Zombies.

"Zombie ka nga! This is unbelievable! Shit!"

Kumunot ang noo ng dalaga sa'kin. Base sa hitsura niya (at kung maliligo siguro siya) halos magkasing-edad lang kami. She opened her mouth to speak, and even her voice sounded raspy.

"L-Look, I know that I look like a disaster dahil sa hindi malamang dahilan, nagising akong nasa ilalim ng lupa...but what the fuck are you saying? Hindi ako zombie, okay?!" pagtataray niya sa'kin.

Napakurap-kurap ako. "Psh. Are you trying to say that you have no idea why you woke up in a coffin underground?"

"Nope. Nagulat nga ako eh. How on earth can they bury me alive?! Hindi makatao ang ginawa nila! Tatawagan ko ang abugado namin!"

"Talaga lang ha.."

"May gusto ka bang sabihin?!"

Pinigilan kong matawa dahil sobrang seryoso ng mukha niya, but I couldn't help myself. Napahagalpak ako ng tawa at mas nairita ang kausap ko.

"HAHAHAHA!"

"THIS IS NOT FUNNY!  Someone wants me dead! Kaya siguro nila ako ibinaon sa lupa!"

"HAHAHAHAHAHA!"

"Damn it! Ano bang nakakatawa?!"

Napahawak ako sa tiyan ko. She has to be kidding me! Hindi niya alam na patay siya? Now, I wonder if death has something to do with messing up your memories or something. Huminga ako nang malalim at pinasadahan ng tingin ang kapaligiran. It was still raining lightly over us, yet the moon shone bright enough to illuminate the headstones in the graveyard. Madilim pa rin ngunit mas mainam na ito kaysa kanina.

I adjusted the eyeglasses on my nose and pointed to where she came from.

"I hate to break it to you, Miss.. but you're already dead. Matagal ka na dapat nawala sa mundong ito." Simple kong sabi na ikinabigla niya. Nanlaki ang kanyang mga mata at umiling-iling siya.

"N-No.. A-Ano bang sinasabi mo?! Hindi ako patay!"

I shrugged. "Take a look for yourself."

Nakita ko ang takot at pagkabahala sa mukha niya. It's a shame she doesn't recall her death. Mas mapapatibay sana ang pagsikat ko kung maiku-kwento niya sa iba ang kanyang pagkamatay. But I guess scientists wouldn't mind. At long last, we have a missing link on paranormal creatures. Malulutas na ng Science ang mga misteryong nangyayari sa mundo. And it's all thanks to me, Levi the genius!

Nakita ko ang paghakbang niya papalapit sa lapida. Her white, flowy dress that is now stained in mud and dirt, showed off her curves. Napaiwas ako ng tingin. Heto ang nagagawa ng walang girlfriend eh. Pati tuloy bangkay, sinisipat ko. Psh.

I picked up the flashlight and stucked the Paranometer in my pocket. I can't wait until the others hear about this!

Pinanood ko ang pagluhod ng dalaga at ang panginginig ng katawan niya. Nang lapitan ko siya, napansin kong nakatulala lang siya sa lapida niya.

Elegant letters were curved onto the slab. Namatay siya noong 2016. Dalawang taon na ang nakalipas, ngunit hindi pa rin nabubulok ang katawan niya. I knew other scientists will be thrilled to study about this.

"N-No... H-Hindi ako patay..hindi 'to pwedeng mangyari.."

"It's not that bad."

"Not that bad?! Kung ikaw kaya ang patayin ko, anong mararamdaman mo?!"

Oops. Nagalit ko na naman siya.

"Well, how am I suppose to know? Ikaw itong bangkay."

At ngayon, sigurado akong galit na ang dahilan ng panginginig niya. Well, she started it! Hindi ko kasalanan kung maldita naman pala ang zombie na 'to.

"You're a fucking heartless nerd, you know that?!"

Nagkibit ako ng balikat. "Patay ka na. Tanggapin mo na lang." Walang gana kong sabi dahil sa totoo lang, gusto ko nang umuwi at i-celebrate ang success ng Paranometer Version 2.0 ko.

Lumingon sa akin ang dalaga. Her hazel eyes now filled with pain and anger.

May nasabi ba ako?

"Teka! Saan ka pupunta?!" Natataranta kong sigaw nang bigla na lang siyang tumakbo papalayo. I tried to run after her, but she's too fast! Akala ko ba mabagal lang ang kilos ng mga zombies?! Tsk. Marami pa nga akong kailangang malaman sa kanila.

Napahinga ako nang malalim at pinasadahan kong muli ng tingin ang lapida sa tapat ng hukay kung nasaan dapat ang bangkay niya.

Algea Castillo
(June 20, 1998 - June 12, 2016)

I instantly felt guilty for the girl. Ano kaya ang ikinamatay niya? Psh. But I guess, whatever her cause of death was, it will never change the fact that she's not human anymore.

Kailangan ko siyang hanapin.

---

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon