TREDECIM

1.8K 112 7
                                    

Nagising ako.

Katabi ko si Algea.

And before any green-minded warriors jump to a dirty conclusion, walang nangyari sa'min. She just asked me if she could sleep--actually, she's not asleep; nakapikit lang siya at nagkukunwaring tulog---in my room. At dahil bukod sa pagiging henyo, pinalaki ako ng aking butihing ina bilang isang "gentleman", pumayag na ako.

Pero kahit anong tanggi ko sa sarili ko, alam kong hindi lang iyon ang rason. I don't know, maybe I just pity her. Nakakaawa naman kasi siya. Ikaw ba naman ang nananahimik sa ilalim ng lupa tapos bigla na lang mabubuhay ulit.

And even though I still have no idea why she's alive, I knew for sure that someone did this to her. Someone messed her up, that's why she's still in one piece.

Mukhang tama ang hinala niya.

Hindi ito nagkataon lang.

"Meow!"

Nagulat ako nang biglang tumalon sa pagitan namin si Newton. Algea opened her hazel eyes and smiled at my cat. "Good morning Newton!"

Napasimangot ako nang maalala kong lahat ng naging girlfriend ko, naaliw kay Newton. Why do the ladies love my freakin' cat?! Ang daya talaga. Sana pala naging pusa na lang ako. Psh.

"Hoy, what's with the frown?"

Algea's back to her bitchy self. Good.

Naupo ako sa kama at isinuot ang salamin ko. Walang gana ko silang tiningnan. Newton was resting on Algea's lap, staring at me. Para bang nang-aasar ang demonyo kong pusa. Evil cat.

"I just can't help but notice how attached you are to my cat. Ampunin mo na kaya si Newton? Isama mo na rin siya kapag namayapa ka na ulit."

Newton hissed at me.

Natawa si Algea sa sinabi ko. She cuddled my cat and stuck a tongue out at me. "I'm a cat lover. Can't help myself." Well, that explains everything. Tumayo na ako't iniwan sila sa kama. After preparing myself, I made my way downstairs.

Nakita ko ang magaling kong kapatid sa sala, nagbabasa ng magazine habang nakapatong ang kanyang mga paa sa coffee table. Newly pedicured. Psh. I ignored her presence and walked pass her, pero mukhang hindi magiging mapayapa ang umaga ko.

"Kuya!"

I sighed in frustration. "What?"

Nakita ko ang pag-ngisi niya. That's not a good sign. Evil sister.

"Di ba pangarap mong mabansagang 'Youngest Scientist' na nagtatrabaho para sa ESO?"

Biglang nagpantig ang tenga ko. Oo, ayun mismo ang gusto kong mabasa sa Eastwood newspapers balang-araw. I want to be the youngest genius to have made it to work at the prestigious ESO Research Compound. Gusto kong mabalitaan ng mundo ang tagumpay ko at maging headlines ng bawat dyaryo. Pero ano naman ang kinalaman nito kay Diana?

I eyed her suspiciously. "Yeah. What about it? Susuportahan mo na ba ang pangarap ko?"

She laughed wickedly and threw a newspaper at my face.

"Hate to break it to you, kuya.. Pero mukhang iba ang nakatupad ng pangarap mo! HAHAHAHA!"

Nang masalo ko ang dyaryo, kumunot ang noo ko sa sinabi niya. She's fucking crazy!

Pero nang buklatin ko ang latest issue ng The Eastwood News, pakiramdam ko biglang gumuho ang mundo ko. Nanginginig kong binasa ulit ang headlines ng pahayagan at tinitigan ang larawan ng isang lalaki na nakikipagkamay kay Dr. Wilbert Cortez, ang head scientist ng ESO.

Wanna know what the headlines printed out in big, bold letters?

ETHAN PASCUA--YOUNGEST GENIUS ADMITTED IN ESO!

---

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon