DTU2: TRIGINTA DUO

525 35 3
                                    

Tahimik na pinagmasdan ni Mrs. Leonora James ang dalagang nakaupo sa tabi niya. Naigagalaw na niya ang kanyang kanang kamay matapos siyang mabalian ng buto sa aksidente. Her internal wounds are also on the process of healing. Huminga nang malalim ang ginang at ngumiti kay Algea Castillo, "Maraming salamat sa pagdalaw mo, Angel. Pero baka naman nakakaabala na ako? May klase ka pa ngayon, 'di ba?"

Algea smiled while peeling oranges. "Walang anuman, tita. Alam mo naman na love na love kita! Hahaha! Mamaya pa naman po ang next class ko."

Tumango si Mrs. James at sandaling nanahimik. Kalaunan, naglakas-loob na siyang tanungin ang kanina pa gumugulo sa isip niya, "Nakita mo na ba si Levi? Ilang araw nang hindi dumadalaw sa'kin ang isang 'yon."

Panandaliang napahinto sa pagtatalop ng prutas ang dalaga. Hindi pa nga pala alam ni Mrs. James na wala na sila ni Levi. At mas lalong hindi nito alam ang kaguluhang naghihintay sa kanya sa labas ng ospital. Huminga siya nang malalim at pinilit ngumiti, "May inaasikaso po kasi siya sa ESO. Alam niyo naman po 'yon. Laging busy! Hahaha! Malapit na talaga akong magselos sa trabaho niya eh."

'Kung may karapatan pa akong magselos.'

Mrs. James laughed, "Hahaha! Naku, pagpasensiya mo na, hija. Mula noon talaga, first love na niya ang Science niya. He's a passionate scientist, but that does not mean he's not passionate for you, too. Mahal ka niya, Angel. At laking pagpapasalamat ko na nananatili ka pa rin sa tabi ng anak ko."

"Um... O-Opo." Hindi na lang ulit umimik si Algea at inabot ang platito ng prutas.

'Hindi naman ako nagdududang mahal niya ako tita eh.. kaso hindi naman pwedeng gawing panakip-butas ang pagmamahal sa kawalan ng tiwala.'

It still hurts that he doesn't trust her enough. Alam niyang may mabigat pang rason si Levi...

Wala sa sarili niyang pinagmasdan ang papalubog na araw sa labas. It's been two days since she heard about the news of Genesis' zombie attack. Isang himala nga't nakaligtas si Mother Theresa at ang mga bata sa bahay-ampunan. Nakakalungkot lang isipin na tuluyan na silang nawalan ng tahanan ngayon. They're temporarily staying at a rest house near the city hall until reconstruction is finished.

Isa pang ipinagtataka ni Algea, sa kabila ng lahat ng ito, ay ang katotohanang dalawang araw na rin nilang hindi nakikita si Levithian James.

Bigla na lang siyang naglaho na parang bula.

*

Inside his office, Levithian James was barely visible behind the stacks of books and papers on his desk. Magulo ang buhok at malalim ang eyebags. His tired eyes skimmed the files inside Professor Samuel's flashdrive for the hundredth time. Paulit-ulit niyang binasa ang narrative reports tungkol sa Human Patchwork Experiment.

'Mukhang hindi alam ni Professor Samuel ang tungkol sa virus, that's for sure.'

Pero bukod sa iilang descriptions, wala nang mas detalyadong narrative tungkol sa naganap na eksperimentasyon.

He clicked the attached video.

Ipinapakita nito ang ilang sandali bago isagawa ni Professor Samuel ang experiment. Behind him, laid a dead man as the first test subject---ang halimaw na nilikha ni Professor Samuel na ngayon ay nananalasa sa bayan. Madilim ang pagkakakuha ng video at halos hindi marinig ang audio.

"Good day, I am Professor Samuel Castillo and this is the first part of the Human Patchwork Experiment."

Levi watched as Professor Samuel spoke to the camera. Para bang nakatitig sa kanya ang kaluluwa ng taong dati niyang hinangaan. The devil of a mad scientist smiled.

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon