DTU2: PROLOGUS

1.2K 78 3
                                    

Alam mo 'yong pakiramdam na parang ang bilis ng panahon? Parang kahapon lang nagkaroon ng zombie apocalypse sa bayan namin at tinuring pa akong kriminal. Ah, and who could forget about that fateful day at the cemetery? When my awesome Paranometer worked and---

"Are you done staring at me, nerd? Parang gusto mo na akong pakasalan eh."

My eyes met hazel brown and her smile was somewhat teasing me. Nahihiya akong ngumiti kay Algea at inilapit ang mukha ko sa kanya. "Pakasalan na kaya kita? Doon din naman ang punta natin, so why prolong the agony?"

She blushed. Crush talaga ako ng isang 'to! Damn. Kung alam ko lang na mahuhukay ko ang babaeng magmamahal sa'kin ng wagas, sana noon pa ako naghukay-hukay doon sa sementeryo. Err.. Okay, that sounds creepy, but my freaking life is full of creepy things!

Tumalim naman ang tingin sa'kin ni Algea, "Levi, I'm trying to work on my assignment here! Sige nga, paano ako makakasagot kung puro nerdy mong mukha ang nakikita ko?"

I grinned, "Easy. Eh 'di sagutin mo 'ko! 'I do' na agad para mas masaya." Ngumuso pa ako para halikan siya pero nagulat na lang ako nang isinupalpal niya sa'kin ang hawak niyang texbook!

"ARAY! What in the name of atoms is that for?!"

Umupo na ako nang ayos at hinimas ang bibig ko. Umirap naman sa'kin si Algea at sumandal sa kanyang silya, "Levi, as much as I want to kiss you and forget this stupid homework, I can't. Unlike you, I'm not a genius."

"You are!"

"You're just saying that," ngumisi si Algea at itinuro ang direksyon ng kama ko, "si Newton na lang ang kulitin mo. Kanina ka pa niya nilalambing."

I averted my eyes towards the black cat lying on the bed. Abala na naman ito sa paglalaro ng paborito niyang puting yarn. Nang mapansin ako ni Newton, "Meow!"

Sa tinagal-tagal ko nang kasama ang isang 'to, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maunawaan ang ibig sabihin ng 'meow'. Isa kaya itong code na kailangan ko pang i-decipher? O isang alien language na matagal nang kinalimutan ng kabihasnan?

Ah, the mystery of "meow". Magawan nga ng nobela!

"Meow..."

"Hey, buddy. Solo time muna tayo. Ayaw akong pansinin ng mommy mo dahil sa lintek na Math na 'yan." Naupo ako sa tabi ni Newton at nakipagtitigan sa kanya. Makalipas ang ilang sandali, "Meow!" bumaba ng kama si Newton at iniwan akong mag-isa.

Lalo akong napasimangot. 'What the protons is wrong with them?! Hindi porke't sanay akong iniiwan, lagi na nila akong lalayasan!'

Huminga ako nang malalim at tiningnang maigi ang kwarto ko. Kung tutuusin, wala naman halos nagbago sa hitsura nito. It's the same old bedroom, but it feels different. Nagkalat sa sahig ang mga test tubes at beakers na ginamit ko kanina. Naroon pa rin ang sandamakmak kong Periodic Table of Elements at imported planetary models na naka-display. Posters of John Dalton, Albert Einstein, Gregor Mendel, and other scientists were plastered on the walls.

But one poster caught my attention.

Naikuyom ko ang mga kamao ko nang makita ang mukha ni Professor Samuel Castillo malapit sa ulunan ng kama ko. Magkano nga ulit ang nagastos ko para bilhin 'to? Kinalimutan ko na.

"The man whose madness became the  driving force of my paranormal love story."

Si Professor Samuel Castillo ang scientist na inidolo ko nang sobra. Pero siguro nga, lahat ng sobra nakakasama. Turns out, the man I idolized was a heartless monster who even experimented on his own daughter for the sake of Science! How twisted can that be?

'Ang kabaliwan niya ang ugat ng lahat ito.'

But if I were given the chance to go back in time, I wouldn't change anything. Kung hindi ito nangyari noon, malamang hindi ko rin makikilala si Algea. One disaster can lead to a blessing. One paranormal event can change everything.

'Some things are better left unexplaine---'

CRASH!

"Meow!"

"Anak ng protons! Newton, 'wag mo nang kalkalin 'yan!" Natataranta kong hinabol si Newton nang bigla niyang ginulo ang mga lumang kahon na naka-stock sa gilid. Nasabi ko na bang (medyo) natututo na akong maglinis ngayon?

CRASH!

"SIR ISAAC NEWTON JUNIOR! GET BACK HERE, YOU EVIL CAT!"

"Meow..."

Nagkalat ang mga lumang dyaryo at files ko kay Professor Castillo. Newspaper clippings flew everywhere while Algea glared at me. "LEVI! How the heck can I concentrate with you running around the room?!"

"What in the name of atoms?! Bakit ako? Si Newton ang nauna, love! I'm innocent!"

"And I don't care! Just keep quiet!"

Napasimangot ako sabay ayos ng salamin sa mata ko. 'Ang alam ko talaga next week pa ang red days ng girlfriend ko, pero bakit parang inaraw-araw na niya ang pagiging moody?' Ah, yes. The female species will always be a mystery to me. Wala yatang scientist ang makakalutas sa mga kababalaghang hatid nila sa buhay naming mga lalaki.

'I wonder if Einstein had girlfriend troubles too?'

Huminga na lang ako nang malalim, ginulo ang magulo ko nang buhok, at naupo sa gilid ng kama. "Wala bang zombie apocalypse diyan? Ang boring eh." Sinimulan ko nang ayusin ang laman ng backpack ko. I still have graveyard shift at the Eastwood Scientific Organization Research Compound o mas kilala bilang ESORC.

"Meow!"

Nagulat na lang ako nang biglang tumabi sa'kin si Newton. His silky black fur was an excellent contrast to my pale blue bedsheets. Pero hindi 'yon ang nakapukaw ng atensyon ko.

"Ano 'yan?" Kinuha ko ang newspaper clipping na kagat-kagat niya. Maliit lang 'to at mukhang luma na. It was dated six years ago. Naroon ang picture ng dating Professor Samuel Castillo habang kinakamayan ang isang batang babae. I read the article until I spotted the girl's name...

"Marishel Patricio?"

Tumanggap siya noon ng award para sa napanalunan niyang Science Fair sa Eastwood Central University. Nothing special. "Ano bang gusto mong sabihin, Newton? Look, this is just an old newspaper clipping. Wala itong kinalaman sa kasalukuyan. It's not like something exciting is gonna happen again, right?" Pagak akong natawa kasi kinakausap ko na naman ang isang pusa.

But then again, Newton isn't an ordinary cat. He can sense things humans can't.

Nangungusap na naman ang mga mata ni Newton. "Meow."

Napalunok ako't kinakabahang binalik ang papel sa kahon. 'Damn, calm down, Levithian James! Walang mangyayaring kababalaghan. Hindi ka naman masyadong malas para makaranas ulit ng paranormal adventure sa buhay mo!'

I can't possibly be the protagonist again of another twisted story, can I?

Impossible.

---

Edited.

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon