DTU2: OCTO

802 40 0
                                    

Ethan Pascua sipped his cup of frappucino at Night Owl's Café, trying to calm his nerves. Tiningnan niyang muli ang sulat na nakapatong sa mesa. Naka-address ito sa kanya.

To: Mr. Erolle Jonathan Pascua
From: someone you betrayed.

"Ang sweet naman." Sarkastiko niyang sabi sa sarili.

'The penmanship is unmistakable,' napabuntong-hininga na lang ang binata at binuksan ang sulat. Alam niyang darating ang araw na 'to---ang araw na babalikan siya ng taong ginago niya dati.

"Buti pa siya, binabalikan ako. I guess my part is not yet finished." Pagod niyang pinasadahan ng tingin ang death threat. Humikab siya't pinunit ang papel. "A genius' life is very complicated, indeed."

Napatingin sa kanya ang ibang mga customers. Sumandal na lang siya sa sopa at tahimik na dumungaw sa labas ng bintana. The sun rising in the horizon and the smell of freshly-brewed coffee dominated. The glass window showed the busy streets of Eastwood.

Hitik sa mga taong nagmamadali at walang ibang inisip kundi ang makarating sa kanilang paroroonan.

'Wala silang kaalam-alam na sisiklab na naman ang kaguluhang nag-ugat sa nakaraan. Disorder is a lovely chaos,' ipinikit ni Ethan ang kanyang mga mata at nagpatianod sa musikang bumabalot sa café. Moonlight Sonata.

"Let's just hope the monster doesn't find her."

What a lovely chaos that would be!

"For the meantime, I need to pay the lovebirds a visit." Inubos niya ang kanyang kape at umalis na ng shop.

*

Napasimangot ako nang wala akong narinig na "beep". Either my Paranometer is malfunctioning again, or my mother just had too much orange juice last night. Ang sabi kasi ni mama, may multo raw dito sa banyo. 'Baka nga nasobrahan siya sa orange juice at namalikmata lang siya.'

"Meow!"

Biglang tumalon sa lababo si Newton at nanalamin. His cerulean blue eyes stared at me from the reflection. Minsan talaga pakiramdam ko mas matalino sa'kin ang pusa ko. "Meow."

Oo daw, sabi ni Newton. Tsk!

"Newton, ayoko talagang tanggapin na hindi na naman gumagana ang imbensyon ko. Sa hinaba-haba ng talambuhay ko, ngayon pa siya papalpak?"

"Meow!"

"Oo, pang-asar lang talaga si tadhana. Kung tao nga lang ang 'tadhana', baka naisako ko na siya't ipinatapon sa Ilog Pasig eh. Makaganti man lang."

"Meow.."

'At nagmumukha na namang baliw ang isang Levithian James habang kinakausap ang isang pusa!' This should be featured in the news or something. Sa susunod nga na iinterviewhin ako sa The Eastwood Daily, isasama ko si Newton para may exposure.

Napasalampak na lang ako sa sahig at tinitigan ang repleksyon ko sa screen ng Paranometer. I smiled at myself amidst my disheveled appearance, "Ang tagal na rin pala."

It's amazing how so many things can change in a short span of time.

Ngayon pa ba ako susuko?

"Susuko? Psh! I'm Levithian James, an aspiring mad scientist and paranormal-romance writer! Wala sa bokabularyo ko ang sumuko!"

"Meow!"

I patted Newton's head, "Good boy, Newton. Tara na! Ayusin na natin ang Parano----!"

"Anak, kung tapos ka nang tsismisan si Newton, ipapaalala ko lang sana sa'yo na late ka na sa school!" Sigaw ni mama mula sa kusina. Teka, late na naman ba ako?!

"Shit!"

Pinulot ko na ang bag ko sa sahig at inilagay doon ang Paranometer. I bid goodbye to my mother and dashed out of the house. Hinatid ako ni Newton hanggang sa may pinto at pinanood ang pag-alis ko.

Sa bilis kong magmaneho, kamuntikan na akong maaksidente. Buti na lang talaga at mukhang sinuswerte ako ngayon!

"Yes! Makakahabol pa ako sa first subject ko!"

Hindi ko na muna pinansin ang mga fans kong nakaabang na sa'kin sa may bungad. Several teenagers held copies of the "Dating the Undead" book. Minsan talaga, nakakalimutan kong ako ang nagsulat ng kwentong 'yon.

"KUYA LEVIIII!"

"PA-AUTOGRAPH PO!"

"KUYA, IDOL KITA!"

I smiled sheepishly at them, "Ah, next time na lang. Late na ako eh. Have an awesome day ahead, ladies!" At dumiretso na ako sa kaliwang pasilyo.

'I never liked attention.'

Hinihingal kong tinahak ang daan papunta sa classroom nang may mapansin ako mula sa gilid ng aking mga mata. Napahinto ako sa pagtakbo at napatingin sa labas ng bintana.

I thought I saw a familiar person. Too familiar. 'It can't be him.. Impossible!'

Gaano katagal na ba mula nang huli kong makita ang nakakaasar na mukha ni Pascua?

Tsk!

"Napaparanoid lang na naman ako. Epekto ng 'di pag-aalmusal. Yeah, that's right!" At nagpatuloy na ako sa klase ko. Pero hindi ko pa rin maiwasang maramdaman na parang may nakamasid sa akin.

---

Edited.

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon