DUO

2.4K 187 37
                                    

Bakit naman sa dinami-dami ng pwedeng lugar, sa sementeryo pa?

Tsk. Malamang Levi, paranormal nga 'di ba? Gago lang?

"Meow!"

Napaangat ako ng tingin mula sa laptop ko. I've just finished checking the location at halos mapamura ako nang malamang sa sementeryo nanggagaling ang signal na nasasagap ng Paranometer ko. Newton stared at me and it almost looked like he was urging me to go out there in the storm and search for whatever paranormal thing that's out there. Buti pa yung pusa ko matapang.

"MEOW!"

"Psh. Oo na! Aalis na.."  I smirked and stood up from my chair. Hindi na ako kailangang pilitin pa ni Newton.

But of course, this is the opportunity I have been waiting for. Pagkakataon ko nang patunayan sa mundo na si Levithian James ay isang tunay scientist. Na hindi ako nababaliw gaya ng sinabi ni Vanesa at ng iba pang mga babaeng dumaan sa buhay ko. Pagod na pagod na akong binabalewala ng mga tao.

Napatingin ako sa malaking poster ni Professor Samuel Castillo na nakadikit sa ulunan ng kama ko. He's the reason why I wanted to be a scientist in the first place. He's just so cool! Noon pa man, iniidolo ko na siya at plano kong sundan ang mga yapak niya.

And now, I will succeed.

Napatingin ako sa Paranometer na patuloy pa ring umiilaw sa kamay ko. Determination flashed in my eyes and I knew my cat can see it too. Napahinga ako nang malalim.

"Let's go, Newton!"

*

Thunder rolled over the dark horizon. Rain poured down the already wet streets of Eastwood at sa mga sandaling ito, alam kong ako lang yata ang tangang magmamaneho sa gitna ng bagyo. And the fact that it was night time didn't help much. Halos hindi ko na marinig ang makina ng sasakyan sa tindi ng buhos ng ulan sa labas. Kapag talaga naaksidente ako dito, malamang si mama muna ang papatay sa'kin. Mas mahal niya pa ang sasakyang ito kaysa sa unico hijo niya. Psh.

For another hour, I followed the signal towards the rusty old gates of the cemetery.

Hindi na ako nag-abala pang kumuha ng payong. Tutal, isinusugal ko na rin naman ang kaligtasan ko, edi lubusin ko na 'di ba?

Nagtungo ako sa pinakagitna ng sementeryo. The grass felt wet and slippery under my shoes and for a moment, a chill ran down my spine. Kung dahil sa lamig o dahil sa nakakapangilabot na hitsura ng mga lapidang nakalitaw sa lupa, hindi ko na alam. Nagpapasalamat na lang ako at medyo humina na ang ulan.

"Now, where is that paranormal creature?"

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Napakatahimik ng lugar. I frowned. How on earth am I supposed to find anything here? Mukhang wala namang kahit ano dito!

Napatingin ako sa Paranometer na hawak ko. Ayoko man aminin sa sarili ko, pero parang palpak na naman ako. Tangina talaga. Nagloloko lang ba ang device na 'to? "Akala ko pa man din..."

Napahinto ako nang may marinig ako sa di-kalayuan.

Parang lupang hinuhukay ang tunog.

I hurriedly stumbled back and grabbed the flashlight from my pocket. Itinapat ko ito sa isang lapida at halos mawalan ako nang hininga nang makita kong may naaagnas na kamay ang lumilitaw mula sa lupa.

"Shit.."

Hindi ko alam kung kakabahan o matutuwa ako. Fuck! Umaasa akong multo lang ang mae-encounter ko ngayong gabi. I wasn't even expecting to see an extension of the Walking Dead before my eyes!

"H-Help.."

Nanlaki ang mga mata ko nang may narinig akong boses. Napatitig ako sa kamay na pilit pa ring hinuhukay ang lupang nakapaligid sa puntod. Napalunok ako. Mukhang kailangan ng bangkay na 'to ang tulong ko.

Nanginginig kong nilapitan ang kamay at napansin ang nabubulok nitong amoy. Pakiramdam ko masusuka ko ang kinain kong dinuguan kanina. I took in a deep breath, adjusted my glasses and calmed myself. "Kalma ka lang, Levi.. Kaya mo 'to.. Tutulungan mo lang naman ang isang zombie na makaahon sa lupa..tapos posible niyang kainin ang malaki mong utak at tuluyan ka nang mamamatay na virgin.. Normal 'to."

BUT WHO AM I FUCKING KIDDING?! AYOKONG MAMATAY NA VIRGIN!

"H-Help me.."

Pero dahil mababaliw na talaga ako, I started digging up the ground around the undead hand. Mabuti na lang at basa ang lupa kaya madali ko itong nahuhukay. I didn't even know how far I've dug until a female face came into view. Itinapat ko ang ilaw sa mukha ng babaeng nababalutan ng lupa ang katawan. Napatitig ako dito nang ilang sandali.

Were zombies suppose to be pretty?

Napalunok ulit ako.

Just when I was about to stop this nonsense, biglang dumilat ang mata nung babae. Napamura ako sa takot at mabilis akong tumalon palabas ng hukay. Nabitawan ko ang flashlight ko at sa kamalas-malasan pa, napatid ako sa isa pang lapida.

"Ouch..damn it."

Nasaan ang salamin ko?!

I squinted my eyes and searched for my eyeglasses on the muddy ground. Pero kahit anong kapa ko, mukhang mahihirapan akong hanapin ang salamin ko. Darn it. Ang hirap talaga kapag malabo ang mata!

"Nasaan na ba 'yun..?"

Napasalampak na lang ako sa damuhan. I knew I must look pathetic and that fucking hurts my ego. Tama nga siguro si Vanesa. Baka nga nababaliw na ako. The rain started pouring harder this time and I laid on my back. Hinayaan ko lang na dumausdos ang malamig na ulan sa mukha ko. Baka sakaling mahimasmasan ako't magising sa bangungot na 'to. I mean, this must be some kind of shitty dream, right?

Baka guni-guni ko lang ang boses na narinig ko kanina at ang bangkay na hinukay ko. Magpapadala na talaga ako sa mental hospital pagkatapos ng gabing ito.

Sumilay ang buwan sa kalangitan kahit pa nababalutan ng itim na ulap ang paligid nito. Someone must really hate me up there.

Pero biglang may humarang sa tanawin ko. The dark figure towered over me and I can only make out a blur of it. Mayamaya pa, bumaba ang anino at napapikit ako. Bakit parang ang baho ng amoy? I then felt cold hands placing something over my eyes.

Nang magmulat ako ng mga mata, malinaw ko nang nakikita ang paligid.

At ang una kong napansin ay ang nakasimangot na babaeng nasa harapan ko. Her dry and pretty lips were in a scowl. Hazel eyes glared at me. Madumi ang katawan niya at may bahid pa ng putik sa kanyang pisngi. Namumutla rin siya na para bang wala nang dumadaloy na dugo sa mga ugat niya.

And that's when I realized she was the paranormal entity my Paranometer Version 2.0 picked up earlier.

"Y-You're a z-zombie.." Nanlaki ang mga mata ko sa tuwa. Gumagana ang imbensyon ko! Hindi ako baliw! I knew it! "ZOMBIE KA! YES!"

Umirap siya sa'kin. "Shut the fuck up, nerd."

Ouch.

---

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon