DTU2: EPILOGUS

1.7K 85 15
                                    

December.  

It wasn't my favorite time of the year, but a nerd needs to bare with the Christmas rush, I guess. Tuwing sasapit ang mga ganitong buwan sa Eastwood, asahan mong halos wala ka nang makausap sa sobrang "busy" ng mga tao. Kaliwa't kanan rin ang mga events na kagaya nito..

'Great. Instead of a test tube and screwdriver, my greatest weapon now is a signpen.'

Huminga ako nang malalim at ngumiti sa batang nagpapapirma ng libro. I opened "Dating the Undead" to its title page and signed it. "Enjoy reading, awesome human!"

Nakangiti kong sabi sa bata at ibinalik sa kanya ang kopya ng libro.

'Anak ng protons. Gaano katagal pa kaya 'to?'

I adjusted my eyeglasses. Nang magising ako sa ospital, I found out I lost my recent one at ETCRC kaya't napilitan akong gamitin ang luma kong salamin.

Sumilip ako sa relo ko. It was 2:57 p.m. at mukhang matagal-tagal pa bago matapos itong booksigning event. Napabuntong-hininga na lang ako sabay sandal sa upuan. "Ang hirap talaga maging henyo slash author.. Sana man lang may libreng pa-kape sila rito."

Natigil lang ako sa pag-iisip nang tumunog ang cellphone ko. I fished it out from my pocket and read the text message. Napangiti ako nang makitang si mama pala ang nag-text.

[Uwi agad mamaya ha? 'Wag ka nang gumala. May pasok ka pa bukas.]

Mahina akong natawa. 'Geez. She still treats me like a kid! Tsk.' Pero hindi ko maitatagong masaya ako't mukhang maayos na si mama. Matapos ang lahat ng nangyari sa pamilya namin at ang aksidente niya noong nakaraang buwan, I was a bit worried she'll have a hard time recovering.

Alam kong marami akong pagkukulang sa kanya bilang anak, but I'm silently glad that my mother is stronger than I am.

I just wish that strength is hereditary.

"Kuya Levi, papirma naman."

Agad kong itinabi ang cellphone ko at automatic na inabot ang libro. Nang matapos ko itong pirmahan, agad ko itong ibinalik sa lalaking nagpapirma nito. Pero nalaglag ang panga ko nang makilala siya. Okay, what in the name of atoms is he doing here?!

"Magno?!"

Ngumisi ang lider ng Eastwood Paranormal Experts Society sa naging reaksyon ko. Napupuno pa rin ng tattoo ang katawan niya't nakasuot pa rin siya ng mga itim na damit. He grabbed the book and spoke, "I was just checking up on you, Mr. James. I looks like you're in good shape now."

Tumango ako. "Yeah... By the way, naiayos niyo na ba ang Paranomatrix sa headquarters niyo?"

Yup. Pagkalabas ko ng ospital, agad kong idinonate sa The Society ang Paranomatrix system bilang gantimpala sa pagprotekta nila sa Eastwood sa kasagsagan ng zombie apocalypse. Bukod diyan, itinupad ko sa kanila ang ipinangako kong promotion para sa samahan nila. We've had a deal. Before all the mess happened, I've promised Magno and his group an ESO advertisement so clients would know they're legit. That was their main agenda in helping us in the first place.

Charlamagne Agustine chuckled and patted my shoulder in a friendly manner. "Aye. Thanks to you, we'll have an easier time tracking down paranormal creatures. If you need help with anything, let me know."

"Umm... Well, actually, there's a creepy ghost in our house's bathroom. Masaya sana kung mapapalayas mo siya para hindi na tumitili sa shower si mama."

Ngumiti si Magno. "Kami nang bahala roon, Mr. James. We'll be there this weekend."

"Salamat, Magno."

✔Dating the Undead [Books 1&2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon