"Dumugo ang kaniyang ilong binibini, sigurado ka bang ayos lang siya." Naulinigan ni Lucas ang boses ng lalaki para itong umaawit, pumipiyok-piyok pataas at pababa sa kaniyang pandinig, may pag-aalala sa tinig nito. Naramdaman niyang umaandar sila at umaalog ang kaniyang kinasasandalan.
"Hindi nakakamatay ang suntok na iyon Diego at tumigil na ang pagdurugo, ayos lang siya." Kilala niya ang tinig na iyon, agad ang pagpasok ng alaala sa kaniyang isipan ang nangyari, napabalikwas siya ng upo, nakasakay na pala siyang muli sa kalesa. "Ayos ka lang ba?" napabaling ang kaniyang tingin sa dalagang katabi, wala siyang emosyong mabasa sa mukha nito.
"Anong nangyari?" nilingon niya ang kanilang likuran, kasunod pa rin nila ang mga kalesang naglalaman ng mga tela. Anong nangyari, nanaginip lamang ba siya?
"Malapit na tayo Ginoo, mahimbing ang iyong pagkakatulog." May langkap na biro sa tono ng dalaga. Nagsalubong ang kaniyang kilay.
"Anong nangyari sa mga tulisan?" naguguluhang tanong niya. Ramdam pa rin niya ang sakit ng kaniyang pisngi at parang namamaga pa nga iyon, sigurado siyang totoo ang nangyaring pagtambang sa kanila ng mga tulisan.
"Walang tulisan. " Anong ibig nitong sabihin, lalong nagbuhol ang kaniyang mga kilay sa sinabi nito. "Hindi mga tulisan ang nakalaban natin kagabi Ginoo, mga binayaran upang patayin tayo at agawin ang mga tela, inutusan sila ng matabang intsik. Inasahan ko ng mangyayari ito." Nailing na wika nito.
"Ang tsinong binilhan natin ng mga tela?" nabiglang tanong niya, kumirot ang kaniyang pisngi at napangiwi siya. Tumango ito at bahagyang tumaas ang sulok ng labi nababasa niya ang kaaliwan sa mata nito. "Papaanong.... Papaanong nakaligtas tayo sa kanila?"
"Napakahusay ng binibini, Ginoong Lucas!" singit ng binatang kutsero. "Para akong nakakita ng isang daang kawal sa katauhan ng isang babae at napakagandang kabalyero!" puno ng pagkamanghang kwento ni Diego. "Matatalo na sana ni binibining Kallyra ang lahat ng mga mamamatay taong yun kung hindi dumating ang mga gwardiya sibil."
Sa mga sinabi ng binatang kutsero ay ang pangalan lamang ng babae ang rumehestro sa kaniyang isip, Kallyra pala ang pangalan nito, maganda at kakaiba din tulad ng may-ari. Sumama ang kaniyang pakiramdam sabay na kumirot ang kaniyang pisngi at ang kaniyang puso.
Mabuti pa ang kutsero ay pinagsabihan agad ni Kallyra ng kaniyang pangalan, samantalang hindi nito nais ibigay sa kaniya.
Nilunok niya ang bara sa kanyang lalamunan. "¿C-cόmo sabía la Guardia Civil?" P-paanong nalaman ng mga gwardiya sibil?
"Inaasahan ko ng mangyayari ito kaya sinabi ko sa iyong ina na magpadala ng mga sundalo sa oras na mabili ko ang mga telang kailangan niya. From what I heard that freaking fat bastard was a clever man, subalit nagkamali siya ng inakalang mauutakan niya ako, dahil mas tuso ako sa kaniya. Sigurado akong nahuli na ng mga gwardiya sibil ang matabang intsik na iyon."
Marahan siyang tumango. Hanggang ngayon ay namamangha pa din siya sa katalinuhan ng babae, naalala niya ang dating kasintahan, matalino din ito na isa sa maraming dahilan kung bakit niya ito minahal.
Subalit ang pinapamalas na katalinuhan ni Kallyra ay kamanghamangha, parang alam nito ang napakaraming bagay at hindi niya iyon gusto. Hindi niya gustong kaya nitong tumayo sa sariling mga paa, hindi niya gustong kayang-kaya nitong mabuhay mag-isa. Hindi niya talaga ito gusto.
BINABASA MO ANG
Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1
Historical FictionKallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and th...