EL FIN (The end) Book 1

218 9 7
                                    


        "Dito ka lang sa bahay, huwag kang aalis babalik ako kaagad."

       "Okay." Kallyra smiled.

       "You can play with your dog kapag nainip ka."

        "Alright."

         "Don't move around too much okay?"

      "Yup." tumango siya at malapad na nginitian ang makulit na kasintahan.

         Yes!

         You heard her right. They do have a label now. Pwede na niyang sabihing 'F*ck off. B*tches!' sa mga babaeng magtatangkang lumapit kay Lucas.

        Nakatungtong si Lucas sa pinakahuling baytang ng kawayang hagdanan at siya naman ay nasa pinaka-tuktok kaya halos magkapantay lamang ang kanilang muka.

        Magdadapit-hapon na at nagluluto siya ng kanilang hapunan ni Lucas ng bigla itong nagpaalam na may pupuntahan. Kaya ngayon ay hinatid niya ito hanggang sa may pintuan ng kanilang tinutuluyang kubo na ginagawa nilang bahay-bahayan ni Lucas.

        Mabilis nitong hinalikan ang kaniyang labi at yumukod upang haplusin at patakan ng halik ang kaniyang maliit pang tiyan bago tumalikod subalit nakakailang hakbang pa lamang ay muli itong huminto at nilingon siya ulit.

         "May nakalimutan ka ba?" she asked while smiling.

        He grinned and scratch the back of his head, hindi ito tumalikod at sa halip ay naglakad itong nakatalikod sa dinadaan at nakaharap sa kaniya habang nakapamulsa ang dalawang kamay. There was a boyish grin on his handsome face.

       "I love you." he said without a sound subalit malinaw niyang nabasa iyon sa labi nito at maging sa mga mata nitong kumikinang sa saya.

         "Go. Baka gabihin ka sa pag-uwi mamaya." utos niya dito ng naiiling subalit may maliit na ngiti sa labi.

          "Babalik ako kaagad." ulit nito sa sinabi kanina bago tumalikod na at mabilis na naglakad palayo. Inikot niya ang mata at tumatawang bumalik na siya sa kusina. Ngayon na lamang ulit siya nakapagluto dahil palaging inaako ni Lucas ang mga gawain sa bahay.

       Isang buwan na ang nakalipas mula nang mag-usap sila ni Lucas tungkol sa kung papaano nito nagawang makabalik sa panahong ito. After that talk, nangako silang walang ililihim sa isa't-isa, she told him about the El Camienzo. Nagulat ito at sinubukang utuin siyang kumalas na sa grupong siya mismo ang bumuo.

      Well. Ang dahilan nito ay babae siya and she will be a mother soon. Oh! She forgot to say, almost 2 weeks na nga pala siyang buntis. Hindi pa lumalaki ang tiyan niya pero hindi na din siya nagsusuka katulad noong mga nakaraang araw.

       Lucas became more paranoid now, hindi siya pinapayagang gumawa ng kahit anong gawain sa bahay dahil baka mapagod siya at ang kanilang baby. Sa tuwing aalis ito ay pwede na siyang gumawa ng salaysay sa dami ng bilin nito katulad na lang kanina.

        And he was becoming more clingy and touchy. He like to hold her hand everytime one of his hand is free. Palagi itong nakayakap, nakaakbay, he like combing her hair and he like kissing her all the freaking time, not that she is complaining though.

       Muli niyang hinarap ang kaniyang niluluto ng may ngiti sa labi. Ginisa na niya ang bawang at sibuyas pagkatapos ay inilagay ang hiniwang mga sariwang kalabasa, talong, okra, sitaw at ampalaya sa palayok na nakasalang sa tungko. Pinitas niya ang mga iyon kanina sa bakuran sa harap ng kanilang kubo kasama ang kaniyang asong si Max.

Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon