Nakarinig siya ng yapak ng mga paa na papalapit sa kaniyang silid. Agad siyang tumayo at nagmamadaling nagbalot ng damit, inilagay niyang lahat ang kakaunting piraso ng damit niya sa telang supot, hindi na muna siya babalik magpapadala na lamang siya ng telegrama kay Donya Juliana.Parang bulang naglaho ang pagnanais na makausap niya ang binata, parang hindi niya pala kayang tanungin ito. Natatakot siya sa isasagot nito natatakot siya because deep in her heart she knew he will marry his childhood friend.
Mabait si Lucas maaring hindi nito mahal si Mariya but to honor his promised, to give respect to the man she put to jail that he call his second father, to be able to take care of Mariya... he will mary her.
Marahas na napalingon siya sa pinto ng kaniyang silid ng bumukas iyon at pumasok ang lalaking nagpapagulo sa kaniyang puso at isipan. Marahan nitong sinarhan ang pinto, matigas at marahas ang anyo na deretso ang tingin sa kaniyang luhaang mata. Tumalikod siya at pasimpleng pinahid ang mga luha sa pisngi.
"Pasensiya na Lucas wala akong panahon para makausap ka nagmamadali ako." Tiningnan nito ang mga damit na binabalot niya.
"Hindi ka aalis." Matigas na wika nito. Huminto siya sa ginagawa at malamig na tiningnan ito.
"You're not the boss of me Lucas. Sabihin mo na ang sasabihin mo bibigyang kita ng limang minuto." Pantay at malamig niyang wika.
Hinintay niyang magsalita ito subalit nanatili ang matalim na titig nito sa kaniya at nakatiim bagang. "Cat got your tounge honey? I was actually expecting that you will say sorry, tama ang mga sinabi ko di ba, you don't really love me, I get it. Ako na ang magsasabi kung nahihiya ka. We're over Lucas. Hindi na kita gustong makita pa."
"Pagkatapos ng ginawa mo ay tatakas ka, alam ko ang ginawa mo sa gobernadorcillo Kallyra papaano mo nagawa yun sa mga taong wala namang ginagawang masama sayo, dahil sa labis na paninibugho mo kay Katrina ay nagawa mong magpahamak ng tao." parang matatalas na patalim ang mga salita nito na sumusugat sa kaniya.
Nangatal ang pang-ibabang labi niya. "Dahil sa pagseselos?" hindi makapaniwalang ulit niya pagkatapos ay pagak na tumawa. "Ganyan ba kababa ang tingin mo sakin Lucas?" hindi niya naitago ang pait at pagdaramdam sa kaniyang tinig subalit nanatiling matigas ang anyo ng binata.
"Hindi ba, Ikaw na ang nagsabi na makasarili ka." Malamig na sambit nito. Pakiramdam ni Lyra ay dinurog ang puso niya matapos itong saksakin ng paulit-ulit napahakbang siya paatras at napahawak siya sa aparador upang hindi matumba. Naramdaman niya ang muling pagpatak ng luha sa kaniyang pisngi.
"H-hindi mo pa pala ako kilala..." mahina iyon at punong-puno ng sakit. "Para sa mga batang indiyo Lucas... para sa kanila kaya pinabagsak ko ang taong yun, para makapagpatuloy sila sa pag-aaral!" hindi niya napigilan ang pagtaas ng boses na may halong sakit at panunumbat.
"Tama na! wag mo silang gamiting dahilan Kallyra, inosente ang taong pinakulong mo. Alam mo ba kung ano na ngayon ang kalagayan ng kanilang pamilya, kinukutya sila ng mga tao at inalisan ng hanapbuhay dahil sa kagagawan mo!" gigil na singhal nito, hindi na matandaan ni Kallyra kung kalian siya huling nagalit ng ganito katindi, palagi siyang kalmado at nakatago ang emosyon pero ngayon parang gusto niya itong kalmutin at suntukin.
"You are f**king stupid Lucas! Bakit sa tingin mo ay wala ng problema sa mga negosyo niyo, dahil ba napagod ang mga gumagawa noon, napagod na ba ang mga rebeldeng indiyo at tulisang pinagbibintangan mo, o dahil nakakulong na ang nag-uutos na gumawa noon? Ano Lucas alin sa dalawa?" tuya niya dito pagkatapos ay marahas na dinampot ang supot na pinaglagyan ng kaniyang mga damit at malakas na binunggo ang nakaharang na lalaki sa pinto ng kaniyang silid upang makalabas.
BINABASA MO ANG
Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1
Historical FictionKallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and th...