Dahil hindi natuloy si Kallyra patungong La union ay siya na lamang ang umayos ng mga naiwang trabaho ni Ginoong Fausto. Halos doon na niya inubos ang kaniyang maghapon, mag-tatatlong araw na mula ng mangyari ang panghuhuli sa Gobernadorcillio at ang pagtatalo nila ni Lucas.Hindi pa niya ito nakakausap, parang hindi niya kayang makausap ito sa ngayon. Naalala pa niya ang disappointment sa mga mata nito na nagpapasikip ng dibdib niya. Siguro ay magpapalipas muna siya ng mga ilang araw pa.
Napapansin niyang iniiwasan din siya ng binata, sa tuwing nasa bahay siya ay palagi itong wala, kahit sa umagahan at hapunan ay hindi niya ito nakakasabay. Ang sabi ni nanang Pasing ay naroon daw ito palagi sa bahay ng mga Zamora.
Kahit napatunayan ang mga ibinibintang sa Gobernadorcillo ay nanatiling matibay ang paniniwala ni Lucas na walang kasalanan ang tusong matanda. Maging ang mag-asawang De la Torre.
Subalit hindi naman na ipinagpatuloy ni Lucas ang pagiimbestiga tungkol sa sinasabi nitong nag-set up kay Don Thomas Zamora. Na walang iba kundi si Kallyra.
It was almost dark when she got home. She was welcomed with a loud silence. Even the maids are nowhere in sight. Iniikot niya ang nangalay na balikat at umakyat ng hagdanan patungo sa kaniyang silid.
Hindi siya nakakaramdam ng gutom. Bukas na lamang siya kakain. Pagod na naglinis siya ng katawan at nahiga na upang matulog.
Hindi pa siya nakakaidlip ng tuluyan ng marinig niya ang mga paguusap sa salas ng malaking bahay, hindi niya masyadong maulinigan kung ano ang kanilang pinag-uusapan subalit sigurado siyang ang mag-asawang De la Torre iyon at ang anak ng mga itong si Lucas ang mga iyon.
Sabay-sabay na dumating ang mga ito siguro ay nanggaling sa isang kasiyahan o pagtitipon. She have no idea, she was not able to talk to any of them this past three days, she was not able to see any of them as well at ayos lang naman yon sa kaniya dahil hindi pa niya kayang harapin si Lucas.
She was afraid to face his indifference. Sa loob ng tatlong araw, she was starting to feel isolated... like she was not belong here anymore.
She missed him so much...
Namimiss na din kaya siya nito, siguro ay galit pa din ito sa kaniya. Kahit naman siya ay magagalit sa sarili kung siya ang nasa posisyon nito.
Muling bumalik sa isipan niya ang galit at dismayadong tingin nito sa kanya hanggang sa nakatulog siya ay iyon pa rin ang laman ng kaniyang panaginip.
Madaling-araw ng magising si Kallyra, kaagad siyang naligo at bumaba upang mag-umagahan. Nagrereklamo na ang tiyan niya dahil hindi siya naghapunan kagabi. Kampante siya na siya at ang mga tagasilbi pa lamang ang gising dahil mga a la seiz ng umaga nagigising ang mag-anak.
"Magandang umaga Nanang Pasing." Nakangiting bati niya sa mabait ng matanda. Pinagmasdan niya ito ng makaupo. Mahaba ang nakapusod nitong puting buhok dahil sa katandaan, hindi katangusan ang ilong at kayumanggi ang kulay ng balat na bahagya na ring kumulubot.
Larawan ito ng isang tipikal na pilipina. Mabait ang bukas ng mukha at medyo may kaliitan din, tingin niya ay hindi to aabot sa baba niya kung susukatin.
"Magandang umaga din binibini, anong gusto mong almusal magluluto pa lamang ako." Ang masiglang tanong nito sa kaniya. "Nitong huli ay maaga palagi ang gising mo iha, palagi kang hindi maabutan ni Donya Juliana."
"May gusto po ba siyang sabihin?" tanong niya matapos humigop ng kapeng inihain nito.
"Wala naman siguro iha, masyado din silang abala katulad mo." anito habang naghihimay ng malunggay, dumampot din siya ng isang tangkay at tinulungan ito.
BINABASA MO ANG
Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1
Historical FictionKallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and th...