Capitulo Cincuenta y cinco

55 3 0
                                    


      Malalim na ang gabi subalit maliwanag pa rin ang tahanan ni  Gobenador Heneral Izquierdo dahil sa mga sulo sa bawat sulok ng bahay. Nagkalat ang mga sundalong kastila sa paligid at mga gwardiya sibil.

     Mas marami sila ngayon kumpara sa mga normal na araw. Kung wawariin ay makikitang tila mayroon silang kinatatakutan o pinaghahandaan.

     "¿Quién eres tú?' 'Sino ka!?' Napabalikwas ng bangon ang naalimpungatang Gobernador heneral ng maramdan ang mahinang kaluskos malapit sa kinahihigaan. Mabilis na kinapa nito ang armas na palagi nitong katabi sa pagtulog subalit wala itong nakapa doon.

      Isang malupit at magiting na Heneral si Gobernador Heneral Rafael Izquirdeo, siya rin ang dating Gobernador Heneral na ipinadala ng hari ng Espanya sa Puerto Rico na ipinalit kay Gobernador Heneral Carlos De la Torre na kapatid naman ng kasalukuyang Alkalde Mayor ng Maynila na si Don Serio De la Torre, ama ni Lucas.

      Hindi ito sang-ayon sa liberal na pamumuno ni Gobernador Heneral Carlos De la Torre na siyang dahilan kung bakit mayroong mga paring pilipino katulad na lamang ng mga paring ipinakulong ng kasalukuyang Gobernador Heneral Izquirdeo dahil sa pag-aalsa sa Cavite kamakailan lamang. Ito ang naging mitsa ng rebolusyong pilipino na ngayon ay kanilang pilit na sinusugpo.

       "Buenas noches, ¿esperas que te visite esta noche?" 'Magandang gabi. Inasahan mo bang bibisita ako ngayong gabi?' sa pinalim na tinig ay tanong ni Kallyra sa Heneral. Gusto niyang purihin ang pagiging kalmado nito sa kabila ng mapanganib na sitwasyon.

    Nakasuot lamang ito ng simpleng pangtulog. Kahit nakaupo ay alam niyang matangkad rin ito at nasa edad tatlumpo hanggang apatnapu. Malago ang itim nitong balbas na tumakip sa baba nito, mayroon din itong bigote at pahaba ang pangahang muka.

     Makikita ang ugali nito sa bakas lamang ng muka, matapang at agresibo na siyang kabaligtaran ng pinalitang Gobernador Henaral.

     "¿¡Eres tu!?" 'Ikaw yun?' alam niyang ang tinutukoy nito ay ang nangyaring pag-patay sa mga opisyal sa Fort Santiago. Hindi siya sumagot subalit alam niyang alam nitong siya nga ang may kagagawan noon at siya rin ang nais ng mga itong mahuli.

     "¿Cómo te atreves a mostrar tu cara delante de mí? ¿No tienes miedo, mis soldados te persiguen?" 'Ang lakas ng loob mong magtungo at humarap sa akin ng mag-isa! Isang tawag ko lamang ay kukuyugin ka ng aking mga sundalo.' ang galit na asik nito.

    Hindi niya ito pinansin at tamad na pinasadahan ng tingin ang buong silid, a typical old spanish style, papuri niya sa isip. Lumapit siya sa malapit na mesa kung saan nakapatong ang ilang mga papel at panulat, binuklat niya ang ilang mga libro doon at nahulog mula roon ang isang nakatuping liham.

      "Soldados-------ump!" 'Mga kawal!' napigil ang tangkang pagtawag nito sa mga sundalo sa labas ng malaking bahay dahil sa kutsilyong dumaplis sa gilid ng muka nito. Tumulo ang dugo mula sa mababaw na hiwa sa pisngi ng Gobernador Heneral at pumatak iyon sa balikat nito.

       "Cállate si aún quieres vivir." 'Manahimik ka kung nais mo pang mabuhay.' malamig na banta ni Kallyra sa natulalang lalaki. Muli niyang ibinalik ang pansin sa pinulot na liham.

    Nakita niya sa gilid ng mata na nilingon nito ang may dalawang dangkal na patalim na kaniyang inihahis. Nakabaon ang kalahati noon sa makapal at matibay na haliging kahoy.

      "¿Que quieres de mi?" 'Anong kailangan mo sakin?' ang galit subalit may halong takot na tanong nito.

     Muli niyang itinupi ang pinasadahang liham at mabagal na ipinatong muli sa lamesa. Naupo siya sa gilid noon at pinagsalikop ang braso habang matamang tinitigan ang galit na Gobernador Heneral. Dahil sa may takip ang kaniyang muka at sa kilos niyang parang sa lalaki ay duda siyang makikilala siya nito.

Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon