Capitulo Sesenta y uno

65 7 2
                                    


       Kinusot ni Kallyra ang inaantok na mata at humikab pagkatapos ay sinubukang umupo. She moaned when she felt her whole body aching. She looked around the room and felt a little dissapointed when she realized she was alone. Wala na si Lucas, malamang ay naroon na ito sa bukid.

     "That bastard didn't know when to stop." asar na bulong niya ng maalala ang magdamag hanggang madaling-araw nilang ginawa. Hirap siyang tumayo sa higaan at nagtungo sa kaniyang silid.

     Naghanap siya ng masusuot at nagtungo sa likod ng bahay para maligo. Her face is getting hot everytime she walks because she could still feel him inside her. Mabilis siyang naligo at hindi pinansin ang mga markang iniwan ni Lucas sa kaniyang balat.

       Pagkatapos maligo ay nagtungo siya sa kusina upang maghanap ng makakain. But she was surprised when she saw the food in the table after removing the cover. Mayroong sinangag na kanin, pritong itlog at isda, mayroon ding tinurtang bigas na nakalagay na sa basong yari sa inukit na kahoy. Ito ang ginagawa nilang kape, lalagyan na lang ito ng asukal at mainit na tubig. Malinamnam at matapang ang lasa noon.

      Kumalam ang kaniyang sikmura kaya agad na siyang umupo at sinimulang kumain. She felt satisfied and full ng matapos. Nakangiting niligpit na niya ang pinagkainan at nagsepilyo ng ngipin.

     Now, wala na siyang maisip gawin. Naupo siya sa hagdanan sa pinto ng bahay na mayroon lamang na tatlong baitang. Nakatunganga lamang siya doon ng may isang oras. Ang balak niya ay hintayin na lamang ang pag-uwi ni Lucas subalit hindi niya kinaya ang pagkabagot.

      Tumayo siya at nagsimulang maglakad-lakad. Hindi pa niya nalilibot ang lugar kaya iyon ang gagawin niya ngayon.Wala siyang balak bumalik sa bukid dahil wala naman siyang gagawin doon at maiinis lamang siya kapag nakita niya si Luisa doon.

     Habang naglalakad ay iniisip pa din niya ang nangyari kagabi. Bakit galit sa kaniya si Lucas? Dahil ba inisip nitong umalis na naman siya ng walang paalam? Well.. hindi naman niya ito masisisi na hindi na ito magtiwala sa kaniya kahit sinabi niyang hindi na siya aalis. Pero bakit naman hindi siya nito gustong umalis? Sa mga kilos nito mula ng magkita sila ulit ay malayong mahal pa siya nito.

     "Ay bakit ka ganiyan Tonyo, hindi naman patas ang iyong ginawa."

    "Hindi ba ang sabi moy tig-isang laro lamang."

     "Wala akong sinabing isa lamang, ikaw ay mapaghabi ng kwento Tonyo!"

     "Aba't isusumbong kita kay  Anita!" ang naiinis na sigaw nito.

      Kuryosong pinanood ni Kallyra ang dalawang indiong nag-aaway na tingin niya ay magkaibigan naman. Inilayo ng ingay ng dalawa ang mga tanong na gumugulo sa isip niya tungkol kay Lucas.

     "Anong nilalaro niyo mga ginoo?" tanong niya. Nagulat ang mga ito ng makita siya.

     "Binibini!" sabay na sambit ng dalawa. It was probably the color of her hair, eyes and skin kaya naiilang ang mga ito. Kagaya ng iba pang mga indio na nakilala at nakausap niya. Naiintindihan niyang hindi nakikisalamuha ang mga dayuhan sa mga Indio lalo na ang mga mayayaman pero bakit si Lucas ay nagagawa nilang tanggapin at pakisamahan?

      Inaamin niyang naiingit siya sa tuwing nagkakatawan sila kasama si Luisa at hindi siya makasali. A little childish pero gusto lamang niyang makiamot sa kasiyahang nakikita niya kay Lucas, gusto niyang maging parte siya sa lahat ng mga bagay tungkol dito at isa ito sa hindi siya makasama. At ang masakit ay ibang babae ang kasama nito.

      Pinulot niya mula sa lupa ang bolang yari sa pinatuyong dahon ng buli. Nakita niyang nilalaro iyon ng dalawang binata kanina. Parang sepak takraw ang rules ng laro nila, they only use their feet, knee, chest and head to touch the ball and the longer their able to keep the ball in the air the better and they will lost if it touches the ground.

Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon