Madilim ang langit at tila nagbabadya ng malakas na pagbuhos ng ulan, Lumalakas na rin ang ihip ng hangin, tinatangay niyon ang tuyong mga dahon. Minsan ay nadadala ang mga sariwa, maging ang mga talutot ng bulaklak at ilang mga maninipis na sanga ng mga puno.Humahampas iyon kay Kallyra subalit hindi niya iyon alintana, kahit na naampiyasan siya ng maliliit na patak ng ambon. Blangko ang kaniyang mga matang nakatitig sa labas ng kalesang kinalululanan.
Bahagyang binagalan ng kutsero ang pagpapatakbo sa kabayo at inayos ng isang kamay nito ang nalilipad na sombrero. Pinunasan ang kaniyang mukha ng manggas ng suot nitong baro ang magkahalong pawis at ampiyas ng ambon.
She was sure it was going to rain really hard and it’s best for them to stop over for a meantime. Sa tantiya niya ay magtatagal ng mga apat o mahigit pang oras ang paparating na bagyo base sa lakas ng hangin at dilim ng kalangitan.
“Binibini, mayroong malapit na bahay tuluyan sa bahaging ito ng Calle Simon. Nais niyo bang manatali roon ng panandalian mukhang hindi maganda ang panahon.” Narinig niyang suhesyon ng kutsero.
It takes her three minutes bago lumabas ang mga salita sa kaniyang bibig. Masakit ang kaniyang lalamunan, marahil ay sa mahabang pag-iyak.
“Sige ho…” naring niya ang paos sa kaniyang tinig, nanatiling nasa malayo ang kaniyang tingin. Mahigit isang oras pa ang lumipas bago niya naramdamang huminto ang kalesa. Walang pagmamadaling bumaba siya at pinagmasdan ang bahay-kubong hinintuan ng kalesa.
Hindi ito mukhang bahay-tuluyan mas mukha itong tirahan ng indiyo. Sa tingin niya ay parang hindi nito kakayanin ang lakas ng bagyo at tila matatangay ito sa lakas ng hangin. Mayroon lamang itong pinto at isang bintana. Mayroong tatlong baytang na hagdanang yari sa pinagsaklob na kawayan.
Ang dingding ng bahay ay yari sa sinulapid na dahon ng niyog na tila natuyo na sa nagdaang panahon. Yari naman sa pawid ang bubong nito na may dalawang malalaking kahoy sa pinkatuktok na siyang nagsisilbing dagan upang hindi malipad ng hangin.
“Bahay ito ng yumao kung kamag-anak binibini. Malapit lamang dito ang aking tirahan, tutuloy na ako at babalikan na lamang kita kapag tapos na ang ulan.” Ani pa ng mabait na kutsero. “Paumanhin kung hindi magara ang kubong iyong tutulu---“
“Ayos lang ho.” Tipid niyang putol dito.
“Kung ganoon ay maiwan na kita, babalik na lamang ako.” Marahan siyang tumango at binigyan ng bahaw na ngiti ang matanda.
Pumasok na siya sa maliit na kubong iyon. Walang alinlangan sa kaniyang dibdib. Naririnig na niya ang malakas na pagkulog at gumuguhit sa langit ang nagngangalit na kidlat sa kalangitan. Naalala niya ang kaniyang ina.
Naalala niyang ginawa itong panakot ng mama niya sa kaniya noong bata pa lamang siya.. Ang sabi nito ay nagagalit daw ang diyos sa langit at tinig iyon ng mga galit na anghel dahil matigas daw ang ulo niya. Of course she did not believe her mother.
Nabasa na niya iyon sa libro noong apat na taong gulang pa lang siya na ang kulog ay ang tunog na nililikha ng kidlat. Because light travel faster than the sound, matagal bago marinig ang tunog ng kidlat.
And her mom would always roll her eyes and would give her a long glare with her big eyes. She missed her…., makikita pa kaya niya ito. She suddenly felt guilty.
Pinili niyang manatili rito, pinili niya si Lucas. But it looks like she made a wrong choice.
Sa malamlam na mata ay pinagmasdan niya ang madilim na paligid. Mga a la una pa lamang ng hapon. Hindi na niya maaninang ang lubak-lubak na kalsada. Wala na ring mga dumadaan, umuuga ng bahagya ang kubong tinutuluyan subalit hindi niya iyon alintana.
BINABASA MO ANG
Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1
Narrativa StoricaKallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and th...