"What?""Maxwell is supposed to be my name, pero binago ni Pápa bago marehistro."
"You could think of a better lie than that right?" tiim ang labing tanong ni Kallyra sa binata. May namumuong hinala sa kaniyang isipan. Marami ang ipinagbago nito mula ng makabalik siya pero inisip niyang dahil iyon sa galit ito sa kaniya.
"I..." Bumuntong hininga ito at inihilamos ang kamay sa muka.
"Ginoo? Ginoong Lucas?" nagkatinginan sila ng binata ng marinig ang tinig ni Ginoong Fausto sa labas ng kanilang kubo.
"Puntahan ko lang." kaagad itong nakalabas ng kusina bago pa man siya makapagsalita. Ibinaba niya ang kaniyang aso at naiiling na sumunod siya palabas upang alamin ang ipinunta ng tauhan nina Lucas. Mamaya na lamang niya ito gigisahin.
"Hindi ako sigurado, magpapaalam lang ako kay Lyra. Baka hindi siya pumayag." narinig niyang wika ni Lucas sa kausap, nakatalikod ito sa kaniya at nakahawak ang isang kamay sa seradura ng pintuan.
"Hindi ako papayag sa ano?" tanong niya habang papalapit sa dalawa. Binitiwan ni Lucas ang pintuan at hinayaan siyang tumabi dito. Pinatakan siya nito ng halik sa gilid ng kaniyang ulo ng tuluyan siyang makalapit at hinapit sa bewang upang makalapit siya ng husto.
Naiilang na umiwas naman ng tingin ang kanilang bisita. Sinulyapan niya ng matalim si Lucas upang bitiwan siya nito subalit hindi siya nito pinansin. "Mayroong handaan sa tahanan ng kabesa. Inaanyayahan tayong dumalo. Gusto mo bang pumunta?" sa halip ay nakangiting tanong ng binata sa kaniya.
Kumunot ang kaniyang noo bago tumango. "Sige." Ilang araw na din niyang gustong mamasyal. Tamang-tama ang handaan pang-alis ng pagkabagot.
"Tiyak na matutuwa ang kabesa sa inyong pagdalo ginoong Lucas. Ako ay mauuna na at magkita na lamang tayo mamaya." paalam nito. Tinanaw nila ito hanggang sa makalayo.
"Sigurado ka bang gusto mong pumunta?" tanong ni Lucas na hanggang ngayon ay nakakawit pa din ang braso sa kaniyang bewang. "Bakit hindi na lang tayo manatili dito sa bahay. You don't like parties anyway." he said, his voice is thick and husky. And his eyebrows are moving up and down, like he was trying to suggest a very interesting thing.
She ignored it at tinaasan ito ng isang kilay "Who told you that I don't like parties?"
"You don't talk to them and you are always stiff and unapproachable, you stayed in a corner, minding your own business. You don't even care about what people think about you. That's what I've observe whenever you are attending parties, whether it was small or big."
'That's because people don't really like me!' gusto sana niyang sabihin. Para siyang may sakit na nakakahawa. Ngumingiti naman siya at palagi naman niyang sinusubukang makipag-usap. She even tried to laugh like hyena but it was not effective nagmuka lang siyang tanga.
But after what happened last week umaasa siyang papansinin na siya at makikipagkwentuhan na sa kaniya ang mga taga-nayon. Iyon ang isa sa mga dahilan niya kung bakit gusto niyang dumalo sa handaan. Sayang naman ang effort niya kung hindi niya mapapakinabangan di ba? Patutunayan niya sa lalaking ito na mali ito sa mga akala nito sa kaniya.
"Pupunta ako. Makikipag-kilala ako sa lahat. At uuwi akong may tatlong girlfriend at tatlong boyfriend. Gusto mo bang pumusta?" pahamong biro niya.
"Sinasadya mo bang galitin ako?" he drawled. Inilapit nito ang muka sa kaniya. At mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniyang bewang. Invading her personal space. His familiar warmth engulf her. His cool and spicy male scent makes her heady and intoxicated.
BINABASA MO ANG
Año Luz Aparte... ( Light years apart ) BOOK 1
Historical FictionKallyra Romanov, a genius and the youngest cosmologist who joined the first ever expedition to discover the most dangerous and exciting world outside the universe. Together with the most brilliant and renowned scientists, astrologers and th...